Playing Provincial Proxy
Kabanata 43
"The stage should be balanced! Scatter! My God, what are you doing? Kung saan malapit na kayong mag-present doon pa kayo pumapalya!" stress at galit na ang choreo sa amin dahil palagi kaming nagkakalat. Mukhang hindi lang ako ang tulala.
"Sakitin ka... bakit ka nagpapaulan?" sabay ngiti ni Arren sa akin. Natulala ako sa ngiting iyon. Hindi dahil may epekto pa siya sa puso ko kundi dahil naalala ko ang inosente niyang ngiti noong mga bata pa kami. Ngiti ng isang Joses Arren Cristobal, ang unang lalaking nagustuhan ko. Napakurap kurap ako nang makabawi sa pagkatulala at gulat. Hindi ko inaasahang nandito siya. Sa pagkakaalala ko, St Guirard ang paaralan niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Para makita ka," hindi parin mabura ang ngiti sa mukha niya. Malayong malayo sa ekspresyong palagi kong nakikita simula noong magloko siya.
Kumunot ang noo ko. "Get lost." malamig na sabi ko at akmang tatalikuran na siya.
"It's not what you're thinking, Ruru-I mean, Rural. Please, I want a closure,"
Huminto ako at tiningnan siya sa mata. Then, I saw their familiarity once again. Tila mahika. Ang abilidad ko noon na basahin ang emosyon niya ay unti-unting bumabalik. O, baka, siya lang ang muling nagiging transparent sa akin.
I sighed. Probably a mixture of dismissal and relief. Mahirap nga talagang maibalik iyong pagtitiwala, pero, worth it naman siguro kung susubukan ko, hindi ba?
"Fine... let's have the closure," I said.
Gumuhit ang ginhawa sa mukha niya. "Thank you, Rural. Hear me... one last time."
"Okay. I'll listen."
"Not here, please,"
"Then, where? Uuwi pa ako."
Bumaba ang tingin niya sa sapatos ko at ngumuso. "It's been years since I last gave you gift. Let me have your shoes, Rural."
Dinala niya ako sa kanyang kotse. Matagal kesa sa normal ang lakad namin dahil iyong spike ng sapatos ko ang talagang natanggal. Dumagdag pa iyong ulan.
"No... I won't," tukoy ko sa huli niyang sinabi. Noong kami pa, o noong okay pa kami, si J ang pinakauna at pinakahuling regalo niya sa akin. Hindi ko tinatanggap ang mga regalo niyang mahal at halatang pinaggastusan. Pinagbigyan ko lang iyong biseklita kasi birthday ko at first anniversary namin iyon.
Bumagsak ang ekspresyon ni Arren pero ngumiti parin siya. "Okay, fine. Bibilhan kita tapos bayaran mo nalang ako."
Hindi na ako nakipag away dahil kailangan ko rin naman ng bago. Pagkaupo ko sa shutgun seat ay dinungaw ko ang sapatos.
Nakakainis. Bakit agad kang nasira? Binili ka pa naman ni Papa sa'kin?.
Pa, sinyales ba ito? Tungkol sa sasabihin ko?
Nang makapasok na si Arren ay agad niyang binuhay ang kotse at lumabas na kami ng desyertong parking lot.
"Hello, girl!"
Kung wala lang akong seatbelt ay tumilapon na ako sa gulat. Namilog ang mata ko pagkakita kay George na nasa likuran namin. "George! Kelan... paano, bakit ka nandito?" Sinulyapan ko si Arren na tumawa dahil siguro sa reaksyon ko.
"Nathaniel and I were fine, Rural," sagot niya sa tanong kong nasa isip lang.
Tinaasan ako ng kilay ni George at maarteng ngumuso. "Yes. He already apologized to me of what his father did to Tatay. And... I realized it's long overdue! Hindi ba, Arren?"
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections