39. Party Pooper

21 2 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 39

After that incident in front of the department store na may-ari pala ng mga Yrigan ay natagpuan ko nalang ang sarili na kaharap ang iilan sa mga miyembro ng XS team.

Kabilang na roon si Warren na kagagaling lang pala ng ibang bansa dahil sa training niya para sa pamamahala ng kanilang kompanya, sa tabi niya ay ang bagong manager ng kanilang team, si Rose Belle Lantigo. Katabi ni Warren si Jacksonn Aragon na seryoso at masyadong nakaka-intimidate kung manitig. Si Circo na boring pa rin ang mukha ay katabi ni Kai.

"Wow! Ikaw iyong vice president ng school, hindi ba?" si Ejay habang nakangiti.

Ninerbyos akong ngumiti noong binatukan siya ni Kai. "Sinabi ko na sa'yo! Inulets ka rin, e!"

"Sorry na!"

Sinulyapan ko si Xinna sa aking tabi. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa mga kaibigan. Ako ay hindi sila matingnan dahil kinakabahan ako. Diyos ko! Mga kaibigan ito ni Xinna Guevarra! Ang mga sikat at magagaling na manlalarong lubos na hangaan ng mga tao! At nasa harapan lang naman ako ng mga mata nilang tila mga X-ray kung manuri!

"Hi, Rural. Huwag kang matakot sa amin, hindi kami nangangagat," nakangiting sinabi ni Warren.

Tumango si Rose Belle na nasa tabi niya. "Hello, Rural. Nice meeting you. Ang ganda ng buhok mo,"

Uminit ang pisngi ko sa papuri ni Rose Belle. Her chinky eyes faded when we both laughed.

"Nice meeting you, too, Rose Belle. Salamat."

All the boys were separated from us. Maliban kay George. Ayaw pa ngang humiwalay ni Xinna ngunit sinigurado kong ayos lang ako kaya wala siyang nagawa kundi ang napipilitang iwan ako at sumama sa mga kaibigan niyang nasa kabilang bench.

"Pasensiya ka na, Rural. Ganyan talaga sila kung itrato ang isa't isa kaya bawat may nangyayari, kailangan laging may paliwanag na magaganap."

Tumango ako sa sinabi ni Rose Belle. Naiintindihan ko. Minsan ko na ring narinig kay George na higit pa sa teammate ang turingan ng XS team. I'm so happy that Xinna found friends like them.

"Anong mga sinabi nila sa'yo?" tanong ko kay Xinna nang ihahatid na niya ako para sa panihapong klase ko. May iilang estudyante na napapadaan at tumitingin sa akin. Dahil siguro sa dalas ng pangyayari ay medyo nasanay na ako sa atensyong ibinibigay sa amin sa tuwing kasama ko si Xinna. Kalmante lang ako dahil tahimik pa naman sa bahay. At least, wala pang kumalalat na rumor na nakarating kay Papa. Konting hintay nalang. Sasabihin ko na naman sa kanila.

Marahan niyang piningot ang aking ilong, gaya ng palagi niyang ginagawa. Napanguso ako.

"They're happy to meet you."

"Really?"

Tumango siya. "May selebrasyon sa balay nila Joe dahil sa muling pagbabalik ni Warren bukas ng gabe. You're invited."

"Paano iyong practice?"

"After our practice,"

"Hindi ako papayagan ni Auntie," Gusto ko mang makisali sa mga ganoong selebrasyon at mga party, hindi pwede.

"Don't worry. We'll make a way for it."

"Ha? Paano?"

Marahan niyang pinisil ang aking braso at tinuro ang aming building. "Just leave it to me, Rall. Okay?"

Nakakunot parin ang aking noo. "Pero, si Auntie 'yon..."

"Don't you trust me?" Malalim niya akong tiningnan.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon