1. Province

188 5 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 01

"And! Before you're off for the semestral break, I would like to announce to all of you that we will be having our 100th commemoration of Doctrina Ruralia the seventh's incident this twenty third day of November. As an advance notice, I would like you..."

Tinuro ako ni Miss Zede. Lahat ng mga kaklase ko ay napatingin sa akin. Hindi ako kumilos sa kinauupuan ko sa pinaka-unang linyada ng mga upuan, malapit sa bintana.

Pinanatili ko ang walang emosyon na mukha, hinihintay ang idudugtong ni Miss Zede.

"...Rural to make the poetry piece for the theatre play since that would be our presentation."

"Yes, Miss." maagap kong sagot.

Hindi ko na tinanong kung bakit ako ang pinagawa at hindi ang pangulo ng CSSG o hindi kaya ay iyong sekretarya. Alam ko ang ugali ni Miss Zede. Mabait siya, walang duda doon. Ngunit ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay iyong kinu-kwestyon siya sa mga patakaran niya.

"Miss Zede," nagtaas ng kamay ang isa kong kaklase habang nakaupo.

"Yes, Mister Yscario?"

Mula sa akin ay inilipat ni Miss Zede ang kanyang atensyon kay Edom. Inayos ni Edom ang kanyang salamin nang dumapo ang kanyang tingin sa akin. Mga tatlong segundo siguro kaming nagkatinginan bago siya lumunok at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Miss, since theatre ang gagawin ngayong t-taon, kaylan po ba iyong casting?"

Binalik ko ang tingin kay Miss Zede. Tumalim ang tingin nito kay Edom.

"What, Mister Yscario?" ngayon ay may diin na ang tono nito.

Sa sobrang tahimik ng buong klase ay halos marinig ko na ang kuliglig ng mga butiki sa pader ng silid-aralan. Lahat sila ay abnormal na tahimik kapag si Miss Zede na ang nasa harapan.

Muling nahulog ang salamin ni Edom pababa sa kanyang ilong at tumagilid. Inayos niya ito.

"Miss Zede, ang sabi ko po-"

"How many times do I need to tell you, Mister Yscario! When you're speaking in my class, you stand up!" Nabasag ang katahimikan ng buong classroom nang magtawanan ang lahat noong nagkukumahos na tumayo si Edom at muntik ng sumemplang ang kanyang upuan. "Silence!" mariing sinabi ni Miss Zede. Kaagad na tumahimik ang buong klase.

Namumula ang maputing pisngi ni Edom dahil siguro sa kahihiyan. I pursed my lips.

Inulit ni Edom ang kanyang tanong. Ngayon ay sinagot na siya ni Miss Zede.

"The casting for the theatre characters will be on November four, immediately on your come back." Inayos ni Miss Zede ang kanyang tindig at nilibot ng tingin ang abnormal na seryosong klase. "For those who are interested to join, the audition is open for all. Only, only, if you have the talent for theatre play. Understood?"

"Yes, Miss Zede!" sagot ng klase.

"Good. You can sit now, Mister Yscario. Goodbye, class. See you on November the fourth."

"Goodbye, Miss Zede!"

Napuno ang buong classroom ng ingay ng pagmamadali. Nagsimulang maglabasan ang mga kaklase ko pero hindi pa rin ako kumikilos sa kinauupuan.

Huling lumabas si Edom. Ngunit bago iyon ay sumulyap pa siya saglit sa akin. Nang tingnan ko siya ay mabilis niyang binawi ang tingin atsaka tumakbo sa pasilyo. Sinundan ko siya ng tingin sa bintana hanggang sa hindi ko na siya nakita.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon