Playing Provincial Proxy
Kabanata 66
PAGKATAPOS KONG MAG sign out sa ospital, dumeretso na ako sa restaurant na sinabi sa text. Pagkababa ko ng motorsiklo, hindi ko alam kung ilang minuto muna akong nakatunganga sa kung saan kami pumara. It was a very familiar place, restaurant. Hindi ata ako magigising sa pagkatulala kung hindi narinig ang pamilyar na boses ni Kai. Malawak ang ngisi niya habang papalapit sa akin.
“Rural, nandito ka na pala! Tara, pasok ka. Umaambon dito sa labas,” sabi niya at marahan akong hinawakan sa siko para igiya.
Noong umupo kami sa isang mesa sa loob ng kanilang malaking restaurant, hindi ko na napigilan ang sarili. “Ikaw ang nagtext sa akin, Kai?”
He chuckled a charming one. “It was our restaurant who is looking, not… not me, Rural,” he tried to correct me in a nice way.
“O-oh…” Doon ko lang napagtanto na mali pala ang naging tanong ko.
I smiled. “Thank you pa rin, kahit ganoon, Kai. This is a very big help to me. Should I start now?”“Whenever you’re available,” he replied excitedly, his glowing eyes never leave mine. “Mas lalo ka atang gumanda, Rural.”
His side comment made me chuckle. It feels so nostalgic, just like the old times. Kai is a very jolly person. Simula noong umupo kami, hindi niya ata inalis ang mata sa akin. Parang may nangungusap sa mga mata niya at marami siyang gustong sabihin. Kung hindi lang lumapit ang isang staff nila at sinabing may costumer na gustong kumausap sa kanya, hindi siya tatayo at aalis.
“Kloe, this is Rural.” Napatayo ako dahil sa biglaang pagpapakilala. Kai’s small eyes twinkled at that. Inilahad ko ang kamay kay Kloe. She gladly accepted it and we shook hands.
“Nice to meet you, Rural. Ako si Kloe, head ng operating management dito at ng mga waitress na din.”
“She’s too humble to say it but she’s my cousin,” singit ni Kai.
Oh? I mistook her as his mere staff!
Tumaas ang sulok ng labi ko nang inirapan ni Kloe si Kai. “As if there’s something special about you being my cousin,” she playfully said.
Kumunot ang noo ni Kai. “Kloe!”
Kloe grabbed my hands and dragged me out of the “tampururot” Kai.
After a brief orientation, opisyal na akong nagsimula sa aking trabaho. 11:30PM na nang nakauwi ako. Sa sobrang pagod, hindi na ako nakapag-half bath o nakabihis man lang. Nakatulog ako. Nang sumapit ang alasingko ng umaga, bumisita ako sa pampublikong ospital kung saan naka-admit ang kapatid ko.
“Baka bukas, pwede na daw lumabas si Rossa,” nag iwas ng tingin si Mama sa akin pagkatapos sabihin iyon. Natutulog si Rossa nang dumating ako doon.
Kinagat ko ang pang ibabang labi saka tumango. Masyado kaming close ni Mama kaya nalulungkot pa rin ako na hanggang ngayon, dumidistansya pa rin siya sa akin. Finding justice to Papa’s death is a sure thing that she’ll gonna forgive me. Kilala ko si Mama. At kahit hindi man niya direktang sabihin sa akin, alam kong iyon lang ang hinihingi niyang pag igihan kong gawin. Kaya kahit masakit, titiisin ko ang malamig niyang trato sa akin kahit ilang buwan kaming hindi nagkita.Umupo ako sa tabi ng kama kung saan nakahiga si Rossa. Pinagmasdan ko ang pagtulog niya. Her eyeballs are rapidly moving. Hinaplos ko ang namumutla niyang pisngi nang madama ang mainit na likidong umagos mula sa pikit niyang mga mata.
“Papa…. Papa…” her chapped lips were trembling. Is she having a nightmare?
I held her cold small hands while I hear my heart breaking.

BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections