Playing Provincial Proxy
Kabanata 41
Hindi ko mapigilang suminghap nang mapagtanto ang pamilyar na daang tinatahak namin. Mahigpit ang kapit ni Xinna sa aking kamay, ngunit sakto lang para hindi ako masaktan, kaya nadadala niya ako. Huminto kami sa harap ng opisina ng prinsipal kung saan kami madalas pumunta ng sabay ni Miss Zede kapag pinapatawag kami upang pag usapan ang mga bagay na may kinalaman sa CSSG.
Nakakunot ang aking noo nang sulyapan si Xinna. Tanging pagtagis ng bagang lang ang ekspresyon na kanyang ipinakita.
"Xin, anong ginagawa natin dito?" May ideya na ako pero mukhang kailangan ko pang itanong para lang ihayag ang pagkagulat ko. Nasa opisina kami ng prinsipal! At Tito niya ang prinsipal!
"Just trust me," malamig niyang sinabi. Huli ng mapigilan siya nang tuluyan na kaming pumasok sa loob.
Amoy ng iba't ibang kemikal o medisina ang bumati sa ilong ko. Hindi kagaya ng karaniwang opisina ng prinsipal na mabango at welcoming ang amoy, ang opisina ni Doctor Pishon ay kakaiba. Tila ginawa niyang sariling laboratoryo ang kanyang principal's office.
Nakatalikod siya sa amin at may hawak na beaker nang makapasok kami. Dahan dahan siyang lumingon. Hindi ko maiwasang mapalunok kahit alam kong hindi na siya nagulat sa pambubulabog na ginawa namin. Ibinaba ko ang tingin at nagmamadaling binawi ang magkahawak naming kamay ni Xinna, malakas ang kabog ng puso.
Doctor Pishon looked us beyond his shining spectacles with a neutral expression. "What a surprising visit, my niece. Please be seated..."
"No," matigas na bigkas ni Xinna na nagpagulat sa akin.
Sinulyapan ko si Doktor Pishon na wala man lang reaksyon sa maagap na sagot ni Xinna.
Nanatili akong walang imik, ingat na ingat makagawa ng ingay kahit sa aking paghinga. Tanging malamyos na tunog ng aircon at kumukulong likido sa kung saan ang naririnig ko sa loob.
"Please, Uncle. Remove Kate from that play! She's done with it!"
Napaangat ako ng tingin kay Xinna dahil sa deretsahan niyang sinabi. I know he'd probably say this... but not this straight forward!
Doon lang medyo kumunot ang noo ng prinsipal. Nakuha ni Xinna ang puno niyang atensyon.
"Why, Xinna? I thought you'll be happy to see her..."
"Uncle, I thought you don't include yourself on this one?" Xinna said in gritted teeth.
Humalakhak si Doktor Pishon. Iyon ang pinaka-unang pagkakataon na narinig ko siyang tumawa. Usually, he's very stiff and uptight. Ganoon ang palagi kong nakikitang mga doktor. Kapag naging doktor si Xinna, will he be like his Uncle.
"Huwag mong sabihin na hindi tayo magkapareho, hijo. Tell me, is it because of this young lady?"
Napatayo ako nang tindig dahil sa pagtukoy ng prinsipal sa akin. Kulang nalang kurutin ko si Xinna para lang pakawalan ang tensyong namumuo na sa aking dibdib.
"Uncle, Rural has the potential that's why she was chosen. She can portray the character well. Why do you need to replace her?"
"Xinna..." sinubukan kong mangusap ngunit halos lubugin lang ng tensyon ang aking tinig.
The principal sighed. "I didn't make the decision, hijo. It was a request I can't deny. Forgive me."
Kinagabihan, sinubukan kong huwag na munang mag isip. Nakakapagod din pala. Nakakapagod mag isip nang mag isip lalo na kung ang utak mo ay nakapalibot sa iisang bagay lamang.
![](https://img.wattpad.com/cover/67462630-288-k66999.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections