11. Parusa

46 3 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 11

I gathered dry woods while Xinna's putting them to the speedboat. Hindi ganoong kalaki iyong farm na pagmamay-ari ni Papa ngunit ang mga katabi nitong lupa ay walang nagmamay-ari kaya doon ako nanguha ng tuyong kahoy.

I looked into our farm and it was still the same. Kahit naman ganoon si Papa, alam niya kung paano pangalagaan ang kanyang hanapbuhay. Iyong tanim na mga bungangkahoy tulad ng cassava ay mabuti at maayos naman ang pagkakatanim, maging iyong mga puno ng iba't ibang uri ng saging. Walang mga damo na matatagpuan sa nga tanim kaya malusog ang kanilang paglaki.

Again, we're not rich. Kaya ganoon nalang ang pagpapahalaga ng mga magulang ko sa aming natatanging hanapbuhay.

Tinagpas ko ang isang punong patay na gamit ang itak na dala-dala at isa isang pinutol ang mga tuyong sanga nito.

"It's enough!"

Panay ang hanap ko ng panggatong nang marinig ko ang sigaw ni Xinna mula sa dalampasigan.

Mainit ang tama ng araw dahil alas tres palang ng hapon. Nang bumaba ako mula sa bukirin ay sobra akong pinagpawisan. Puno ang isang kamay ko ng mga kahoy na dinala ko pababa kaya ang isang kamay ko ang ginamit kong pampunas ng aking pawis na tumutulo na papuntang mata ko.

Nilapitan ako ni Xinna nang makita ang mga dala ko.

"I said it's enough," sabay agaw niya sa mga dala ko, pati iyong itak.

Nauna siyang tumalikod at isinakay ang mga kahoy na kinuha namin. Saglit kong tinitigan ang leeg niyang tagaktak ang pawis galing sa kanyang buhok. Damn it. Naiiling akong sumunod. Stop it, Rural. Stop it before you lose in the game.

"Stop right there!"

Kumunot ang noo ko ngunit huminto ako sa planong ilublob sa dagat ang paa.

Nang makababa na si Xinna ng speedboat ay muli siyang lumapit sa akin. Katulad ko ay pawisan din siya. Wet look, damn it. Mukha siyang supermodel sa isang summer magazine habang naglalakad papalapit sa akin.

Napatigil ako noong bigla siyang lumuhod sa aking harapan at tiningnan ang aking paa.

"Are you really this careless?"

Tumayo siya at grabe ang pagkunot ng kanyang noo. His jawline is also more defined. He looks pissed off and I don't even know why.

"Malamang, gubat ang pinuntahan ko at hindi beach kaya expected ng magkakasugat ako, ano."

"Hindi ka magkakasugat kung marunong kang mag-ingat," aniya sa matigas na tono.

Pinagpatuloy ko ang kaninang naudlot na gawain. Isinawsaw ko ang sugatang mga paa sa maalat na dagat. Nakaramdam ako ng kaonting hapdi ngunit sanay na ako rito. Mas malala pa nga iyong mga sugat ko noong bata pa ako at sumasama sa tuwing pumupunta si Papa sa bukid.

"Damn it! You stubborn girl!"

Nanlaki ang mata ko nang mabilis niya akong binuhat na parang sako lang ng bigas at isinakay sa speedboat. Hindi na ako nakapagsalita dahil abala na ako sa panonood sa kanya. Tumakbo siya papunta sa batong pinagtalian niya ng lubid saka tinanggal.

Hindi ko na mahanap ang aking dila pagkakita ng kanyang mukha na sobrang seryoso at nakaingting ang panga. He looks like a terror boss ready to fire his secretary. Nakakatakot!

Dinaanan niya lang ako at dumeretso sa harapan ng manibela. Binuhay niya kaagad ang makina at walang ano ano kaming umikot papatalikod sa aming maliit na bukirin.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon