55. Please, Tayo Nalang Ulit

12 2 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 55

"BAGAY SA'YO ANG pangalan mo, Rural. Rural. Rural." nakangiting sabi niya.

"Her story is painful. And naming me after her is a curse." nakangusong sabi ko.

"Do you believe in changing fate? Just think of it, your mother named you after that tragic princess because she wants you to continue her story, but this time, make it a happy ending."

Jerk. Paano ko magagawang happy ending ang istorya natin kung napakaraming humahadlang sa atin? Pumikit ako nang mariin. I'm still a student. And my situation calls me to make a very difficult decision. It's very tough to choose between my dreams and my man. Between a heart and a heart. Choosing one would still break my heart.

Bakit sa tuwing umuuwi ako rito ay nakakaharap ako sa mga ganito kahirap na sitwasyon. Akala ko masaya ang pasko ko dahil nandito halos ng mahal ko sa buhay, pero mali na naman ako.

"Bakit mo kasi ito iniindang mag isa? Why wouldn't you tell to Fafa X, baka may magawa siya at mapigilan ang Lola niya."

Tumunganga ako sa pawid na kesame ng kwarto ni George. "I considered that. Pero, base sa personalidad ni Xinna, baka sugurin niya ang Lola niya. At kapag nalaman ng Lola niya na sinabi ko sa kanya, baka hindi na niya ako mapatawad. Malaki na nga ang galit niya sa'kin. Ang dapat kong gawin ngayon ay gumawa ng desisyon na makakapagpabawas ng pagkapoot niya sa'kin."

Tinampal niya ako. "Naku, ha, Rural! Hindi ang matandang yan ang syo-syotahin mo! And you were not born to please anyone! Please stop telling me that you will decide this dilemma according to that old woman's wishes!"

"She's not just anyone, George. She's Xinna's Lola." bumuntong hininga ako. Puno ng sama ng loob ang puso ko at kahit noong mag new year na ay hindi parin ako makatakas sa pag iisip na yun. Bawat araw na lumilipas, pakiramdam ko dala dala ko ang mundo.

May mga oras na kahit magkasama kami ni Xinna, lumilipad ang utak ko sa malayo. Sa tuwing tinitingnan ko siya, bigla nalang bibigat ang pakiramdam ko na parang gusto ko nalang maiyak. Dumadating yung punto na gustong gusto ko itong ibahagi sa kanya, gustong gusto kong i-share itong paghihirap ko, pero kapag naalala ko ang Lola niya, napapatigil ako.

Kahit wala namang kasalanan si Mama, hindi ko maiwasang intindihin si Kapitana. Istrikto siya. Lalong lalo na sa pagpapanatili ng reputasyon ng kanilang pamilya. Because of that "almost" disgrace in her family, she doesn't want to happen it again. Pinipilit kong intindihin ang rason niya. I'm trying to find logic in her argument para hindi lang ako mairita dahil minsan naiisip kong napaka-illogical na niya. Ano bang kinalaman namin ni Xinna sa kanila? Sa mga magulang namin na hindi naman totoong nagka-affair? Pero dahil sa maintainance ng gamot ni Papa na sa kanila kumukuha si Mama ng pantustos at doon siya nagtatrabaho, ayaw kong mas galitin pa si Kapitana. Baka puersahan niyang paalisin si Mama at pagbayarin sa malaki paring utang namin! Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nangyari yan!

"Hello, Rall? Nandyan ka pa ba? Rural?"

After the long Christmas vacation, January na. Balik eskwela na naman. When January comes, it means busy weeks for mountains of projects and approaching midterm exams. Xinna got busy with their anatomy project and I'm busy with mine. Walang pagkakataon para lumabas kami gaya ng dati. Nabubuhay nalang kami sa mga texts at tawag. Now, it's 7PM at katatapos ko lang sa paglilinis ng buong bahay at pagluto ng panghapunan namin nang tumawag si Xinna.

Hindi ko nalaman na nakatulala na naman pala ako.

"Y-Yes... I'm still here. Sorry..." bawi ko, nakagat ang labi. Napatingin ako sa kamay kong may paso dahil nahawakan ko ang mainit na takip ng kaldero kanina. Ewan ko! I can't concentrate. May mga moment na agad nalang akong napapatigil at nalulutang ang isipan sa kung saan.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon