Playing Provincial Proxy
Kabanata 62
"ATE RURAL! NANDITO ka na!" Masaya akong dinamba ng yakap ng kaisa-isahang kapatid na babae pagkadating ko ng kwarto ni Papa sa ospital. Sinuklian ko siya ng kasinghigpit. "Ate, ito po iyong heart na iginuhit ko para sa 'yo. Atsaka, eto namang isa ay para kay Papa."
Humiwalay ako sa yakap at tiningnan ang papel na bigay ng kapatid ko. "Wow. Sabi ko na, e. Maganda. Ipapa-frame ko ulit 'to."
"Ate?" Hinawi ng kapatid ko ang papel na nakatakip sa mukha ko. "Umiyak ka ba?"
"H-Huh?" Sa tanong na iyon ay saktong bumukas ang pintuan at pumasok si Mama. Nanliit ang mata niya pagkakita sa akin.
"Rural! Anong nangyari dyan sa mata mo? Kinagat ng ipis?"
Umiling ako, tumakbo papalapit sa kanya na parang batang nahahanap palang ang nanay niya. Kinagat ko lang ang labi para hindi na naman humikbi. Pagod na ako.
"Okay na 'ko," sabi ko mayamaya.
Umiling si Mama at mukhang hindi naniniwala sa akin. Alam kong gusto niya pa akong sermunan pero nasa kwarto kami ni Papa at nandito ang kuryoso kong kapatid. Para mawala ang tensyon ay sinulyapan ko ang orasan sa wallclock.
"Alas otso y media na pala, Ma. Umuwi na muna kayo. Pagod na si Rossa, oh."
Mabuti nalang at hindi na nakidebate si Mama. Alam kong may ideya na siya kung bakit ako ganito. Nagpapasalamat akong hindi na niya ako tinanong pa. Tama na muna ako ngayong gabi. I couldn't bear another blow for tonight. I just wanted to rest.
"Ako muna ang magbabantay sa Papa mo, Rural. Mukhang 'di maganda ang pakiramdam—"
"Ma, okay po ako. Sige na, walang bantay ang mga bata dun."
Huminga nang malalim si Mama at malungkot na sinulyapan si Papa na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin. "Muli na namang huminto ang puso niya kanina. Mabuti at naagapan agad ng doktora."
Nanlamig ako at mariing tinitigan si Papa. "Muli na naman siyang inatake?"
"Tingnan mo ang Papa mo, nak. Mukhang hirap na hirap na siya. Prinangka ako ng doktora kanina. Sinabi niya sa akin na kahit magising ang Papa mo, kahit matagumpay ang operasyon, may posibilidad pa rin na baka hindi na siya magtagal."
Umusbong ang takot sa puso ko. But I don't want to be illogical. I already thought of that possibility yet it just feels so real right now. "Kahit na basta magising lang siya. Aalagaan pa natin siyang mabuti anuman ang mangyari. Kailangan siya ang magsabit ng medalya ko sa kolehiyo." pumait ang lalamunan ko sa sinabi.
Hinaplos ni Mama ang aking likod. Niyakap naman ako ng maliliit na kamay sa beywang. Despite of my painful heartbreak, family is still comfort and home for me. Kahit takot na takot ako ngayon, ang kompanya nila ang mas nagpapatatag sa akin.
"Kakayanin natin 'to Ma. Para kay Papa. Kaya huwag na kayong mabahala sa akin. Umuwi na muna kayo at maghapunan."
"Ate, kapag gumising si ulit si Papa ngayong gabi, ibigay mo 'tong relago ko, ah?"
Marahan kong ginulo ang kulot na buhok ni Rossa at tinanguan. Inilagay ko ang drawing niya sa lamesa ni Papa, katabi ng mga prutas.
Pagkalabas nila Mama ay tahimik nang muli sa pasilyo. Bago isara ang pintuan ay napatingin ako sa taas. May CCTV naman kaya hindi na ako natakot. Noong mag isa nalang ako, doon ko lang naramdaman ang sobrang pagod, mentally, emotionally and physically tired. Lumapit ako kay Papa at umupo sa maliit na stall katabi ng kanyang kama. The room is so silent except for the constant beeping of the life machine and other apparatus attached to Papa's hands, fingers, and nose.
![](https://img.wattpad.com/cover/67462630-288-k66999.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections