Playing Provincial Proxy
Kabanata 33
"Hindi ka raw nagrereply sabi ng kapatid mo,"
Tiningnan ko si Edom na nasa tapat ko. We're sitting in the sala, facing each other. Tumaas at bumaba ang aking dibdib para pakawalan ang isang malalim na hininga.
Muli kong dinungaw ang aking cellphone. Binasa ko ulit ang mga texts ni Rossa.
Mama:
ate!
ate, may sasabihin ako!
may bagong bangka na si papa! binigay ni kapitan! may motor!
ate!
Tumingala ako sa muling paggaan ng aking dibdib. Nagreply din ako agad. Hindi ko napansin ang mga mensaheng pumapasok sa phone ko.
"You're probably that busy, huh."
Nag angat ako ng tingin at tipid na ngumiti. "Pasensiya na." ang tanging nasabi ko.Bumuntong hininga si Edom at tumayo. "Kumain kana? I mean, kayo?" nagtaas siya ng kilay sa akin.
Tumayo ako. "Hindi pa. Sandali lang, magsasaing na ako—"
"Kain tayo sa labas," aniya.
Hindi na ako tumanggi. Kapag mga ganitong emergency, may pera naman akong tinago kaya hindi na ako umariba. Ipinasok ko muna ang mga dalang tsokolate at buoquet sa loob ng kwarto. Agad din akong lumabas. Tumango si Edom na naghihintay sa sala.
Sa Mang Inasal kami pumunta. Habang hinihintay ang aming in-order ay binabasa ko ang text ng aking kapatid. Hindi ko maiwasang kabahan kanina dahil sobrang seryoso ng mukha ni Edom. Akala ko may masama na namang nangyari sa bahay. Mabuti nalang at magandang balita ang sinabi ni Rossa. Masaya ako para kay Papa. Isa sa mga pangarap niya ay ang magkaroon ng bagong motor, hindi ko man alam kung bakit siya binigyan ng motor ng kapitan, o kung paano, masaya pa rin ako para sa kanya. At least, malaking tulong iyon sa pangingisda ni Papa.
Mama:
nanalo si papa sa raffle, ate! mag-eleksyon na kasi sabi ni mama. maswerte si papa nakuha!
Eleksyon. Naiiba ang taktika ng mga Guevarra ngayon. Kung ibang politiko iyon, ibinigay na nila ng deretso. Ngunit para kina Kapitan Philius, hindi bias. At least, lahat mayroong tsansa na manalo ng motor. Maswerte nga si Papa.
Natutuwa ako. Tinanong ko si Rossa kung nag-aaway pa ba si Mama at Papa, sabi niya ay hindi na raw. Medyo mapayapa na raw sa bahay.
Ibinaba ko ang phone matapos sabihin sa kanya na may padala akong chocolates sa kanila bukas galing kay Xinna. Napangiti ako nang mabasa ang katuwaan niya at humugot nang malalim na hininga. Maluwag sa dibdib isipin na ang pamilyang iniwan mo ay payapa at walang problema. Malayong malayo sa senaryo noong papaalis palang ako ng Leurosera. Sana ay magpatuloy na ang katahimikan sa bahay. Sana palagi nalang ganoon para masaya.
Panay din ang kalikot ni Edom sa kanyang telepono. Nag angat siya ng tingin. Saktong pagdating ng aming order.
"Kumusta nga pala pag-uusap niyo ni Miss Zede kanina? Nakakatakot siya, ah," aniya ng kumakain na kami.
"Wala na akong magagawa. Nakalista na, e," sabi ko, naalala ang pinag usapan namin kanina.
Ngumiti si Edom. "Nakakatuwa. Dito rin natin pinag usapan na hindi tayo sasali ng theatre na 'yan, pero ngayong nandito tayo ulit, kasali na tayo."
Nangiti ako. "Oo nga. Teka, hindi ko nakita ang audition mo. Ano'ng ginawa mo doon?"
Natigil siya sa paggalaw ng kutsara at agad na pinamulahan ng tenga. "Mabuti ngang wala ka doon,"
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
Lãng mạnHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections