Playing Provincial Proxy
Kabanata 38
Kung may natutunan man ako sa naging relasyon namin ni Arren, iyon ay ang masyado kong itinuon ang sarili sa bukas. Na baka magustuhan na ako ng pamilya niya. Na dumating ang araw na matanggap ako ng pamilya niya. Na sana magkamabutihan ulit ang pamilya namin gaya ng dati. Siguro, sa sobrang pagkaabala ko sa pagtingin ng bukas, hindi ko na napansin ang kasalukuyan. Hindi ko nakita na unti-unti na pala siyang lumalayo. Nabulag ako at hindi ko napagtantong kulang pala ako. Maybe, this is why we failed. This is why he looked for another girl. Because the future we behold is the future that will never come.
"Minahal mo ang gagong iyon sa loob ng dalawang linggo lang?! Hindi ako naniniwala!"
May oras ba ang pagmamahal? May kinakailangan bang haba ng panahon para masabi mong karapatdapat ka ng mahulog sa isang tao? Kung meron, kelan? Kung meron, ilan?
Nakatitig lang ako sa kawalan. Miss Zede is discussing in front but her voice seems so distant. Sa frustration ko dahil sa iniisip ay halos mabali ko na ang aking hawak na ballpen.
Isang magaang kamay sa balikat ang nagpabalik sa akin sa realidad. Seryoso ngunit kuryosong mga mata ni Miss Zede ang bumungad sa paningin ko. Nilingon ko ang paligid. Huling nakita kong lumabas ay si Edom. He stared at me for a moment before exiting. Binalik ko ang tingin kay Miss Zede na tila kanina pa ata sinusubukang basahin ang isip ko.
"Did you have problem with Xinna?" malamig ngunit tila sigurado niyang tanong.
I don't have the time to disagree because I really need someone to talk to right now. Pakiramdam ko naloloka na ako sa dami ng iniisip. Maraming katanungan sa isip ko na hindi ko naman kayang masagot.
"Ate..." I mumbled.
Nakita ko ang paghinga niya nang malalim. She knows when I call her Ate that I'm really in distressed.
"Go on, tell me,"
Kaming dalawa na lang ang nasa classroom. Kinuha niya ang upuang nasa tabi ko at ipinaharap sa akin. Umupo siya roon, nakadikit ang atensyon sa sasabihin ko.
Hinipig ko ang nagbubuhol-buhol na katanungan sa isip para makabuo ng tanong. "Does love takes time?"
Miss Zede's expression didn't change. She stared at me like she's expecting my question to be like that. Bumuka ng konti ang bibig ko sa antisipasyon ng kanyang isasagot. Alam kong wala pa akong naririnig na nakarelasyon niya kahit marami siyang manliligaw. Ngunit madalas sabihin ng iba na, singles are the best advisers when it comes to this thing.
"What do you think?"
Binaba ko ang tingin sa aking kamay. Like it always does, punong puno ito ng nasayang na ink dahil sa aking pagsusulat. Mas dumami lang ngayon dahil wala ata sa isip na sinusulatan ko na ang aking palad. Sa dinami-dami ng linya roon, may isang salitang pumukaw sa atensyon ko.
Xinna
Siguro para sa akin, oo. Simula pagkabata ko hanggang sa natuto akong bigyan ng depinisyon ang pagmamahal, isang lalaki lang ang minahal ko. Ang karanasan ko sa pagmamahal ay ipinaintindi sa akin sa mahabang panahon. Arren was my childhood crush and he became my lover when I grew up. Noon, akala ko, siya na. Akala ko, hindi na ako makakahanap ng lalaking hihigit pa sa pagmamahal ko sa kanya. The Arren I know was kind, passionate, and loving despite his fame and riches. I never thought he knows how to hurt me nor fool me in any kind. Lumaki kaming magkasama kaya akala ko noon, kilalang kilala ko na siya. Pero, hindi. It was a big mistake that I limit him based on my own understanding. I limit his personality based on what I've seen him do things. I didn't think that someday, he could be someone I don't know. It was a mistake, and it is always a mistake, to presume that we know someone totally. Because we cannot deny the fact that they're still humans and they have the capabilities to hurt us in any way they can.
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections