Kabanata 2

30.1K 734 13
                                    


Kabanata 2

Napahinto ako mula sa paghuhugas ng kamay ng may dalawang babae na pumasok sa loob ng cr. Naagaw nila ang atensyon ko dahil sa pinag uusapan nila.

"Girl! I cant believe it! May nangyari talaga sainyo ni Ivan Tyler Quijano?" tila kinikilig na sabi ng isang babae. Natigilan ako at napatulala matapos marininig ang sinabi nya. "Ikaw na talaga girl!"

"Oo girl! At grabe lang! Hindi ko inakala na ganun sya kagaling sa kama." sagot naman ng isang babae. Gusto ko syang sugurin para sampalin dahil asawa ko ang pinag uusapan nila na nakasiping nya. Ngunit wala akong lakas para gawin yun.

Dahil asawa nya lamang ako sa papel. Pero para sakanya. Hindi. Isa lamang akong desperadang babae na nagpumilit makapasok sa buhay nya.

Pinasadahan ko sya ng tingin. Mula ulo
hanggang paa. Maganda sya. Maputi. Balingkinitan ang katawan at higit sa lahat. Malaki ang hinaharap. Tipikal na gusto ni Ivan sa isang babae. Paano ko nasabi? Dahil lahat ng babaeng nalilink sakanya. Puro ganyan ang diskrepsyon. Kaya bago pa ako umiyak at magkakasat na parang baliw dito sa cr. Ay mabilis na akong lumabas.

Anu pabang bago? Halos araw araw yata may kinakamang babae si Ivan. Masakit lang para sakin dahil ako ang asawa nya. Sa akin nya dapat ginagawa yun. Ngunit asa pa ako? Ni hawakan nya ang dulo ng daliri ko hindi nya magawa eh! Yun pa kaya?

"Oh? Ang tagal mo naman nag cr! Dont tell me. Iniyakan mo nanaman ang gago mong asawa." Galit na sabi ni Eizelle nang makabalik ako sa mesa namin.

Gusto ko man tumanggi ay alam kong hindi nya rin paniniwalaan iyon. Nasa mga mata ko parin ang ebidensya.

"Wag ka ngang maingay dyan. Alam mo naman na hindi alam dito na may asawa na ako. At lalong hindi nila alam na si Ivan ang asawa ko. Kaya please lang. Itikum mo na yang bibig mo."

Isa sa naging kondisyon ni Ivan ay ang manataling lihim ang naging kasal namin. Pumayag ako dahil ayoko ng dagdagan pa ang galit na nararamdaman nya para sakin.

"Aysus! Ang sabihin mo. Ayaw mo lang sinasabi na gago yang Ivan na yan."

"Eizelle!"

"Oo na! Oo na! Eto na nga oh. Titigil na." sabi nya at sinenyas na isiniper ang bibig. Napailing nalang ako sa inasta nya.

Naglakad na kami para makapasok sa room namin. Mabuti nalang at wala pa ang prof namin. Tatlong buwan nalang. Gagraduate na kami. Matitigil na rin ang pambabae ni Ivan. Natawa nalang ako sa naisip ko. Asa pa ako. Kahit saan lugar basta may babae hindi pwedeng palagpasin ni Ivan ang pagkakataon na yun.

"Steph."

"Vhan."

"Sabay ba kayong uuwi ni Ivan mamaya?" tanong ni Vhan sakin.

"Alam mo naman na hindi ako sinasabay nun. Nagtanong kapa." nakatawang sabi ko.

"Naninigurado lang. Balak sana kitang yayaing mamasyal eh." tila nahihiyang sabi nya.

"Parang date? Ganun?"

"Pwede rin kung yun ang gusto mong itawag sa gagawin natin." sabi nya sabay tawa.

"Hay. Vhan. Hindi kapa din nagbabago. Palabiro kapa din."

"Tama ka Steph. Ako padin to. Ang Vhan na nagmamahal sayo." seryosong sabi nya na naging dahilan para mawala ang ngiti ko sa mga labi.

"Vhan. Alam-

"Oo. Alam ko na mahal mo ang kapatid ko at kaibigan lang ang turing mo sakin. Tanggap ko naman na eh. Kaya wag mo ng ulit ulitin. Kasi sa tuwing manggagaling sa bibig mo. Nasasaktan ako." puno ng kalungkutan na sabi nya. At para makabawi ako sakanya kaya pumayag na ako sa pagyayaya nya.

"Pagkatapos ng klase natin Steph. Sabay na tayong lumabas." masayang sabi nya.

Buhat ng ikasal kami ni Ivan. Ngayon ko nalang ulit nakitang magkaroon ng ningning ang mga mata ni Vhan.

"Okey. Sige." simpleng sagot ko.

"Uy! Magdedate sila." tukso ni Eizelle.

"Hindi yun date no!" tanggi ko.

"Friendly Date? Atleast my date pa din sa huli."

Hay ang kulit talaga ni Eizelle. Ang sarap sabunutan. Napasulyap ako kay Vhan na seryosong nagsusulat. Ngunit nanatiling may ngiti sa labi.


Sana ganun din si Ivan. Makasama lang ako masaya na.

"Simula palang ng pagpapahirap ko sayo Steph. At sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ang araw na nakasal ka sakin." Puno ng poot nya ako tiningnan matapos ihagis sakin ang hinubad nyang damit.

Nanginginig ako sa magkahalong lungkot at sakit na bumabalatay sa aking puso.

"Tandaan mo Stephanie. Asawa lang kita sa papel at wala kang pakielam kung ano man ang gawin ko. Kung makita mo man akong may kasamang babae. Tiisin mo! Ikakama ko silang lahat. Pwera lang sayo. Dahil ikaw ang babaeng pinaka kinamumuhian at pinandidirihan ko!"

Sunod sunod na pumatak ang mga luha sa mata ko.

Ngayon ko lang naisip na ang pag ibig. Hindi dapat pinipilit. Hindi dapat nililimos. Dahil kusa itong ibinibigay.

Hindi ko maaaring ipilit sakanya ang isang bagay na sa una palang ay inayawan na nya. Kagaya nalang na hindi ko maaaring pilitin ang sarili kong mahalin si Vhan kagaya ng nararamdaman ko para kay Ivan.

"Steph? Okay ka lang?" Tanong ni Vhan sakin. Inabutan nya ako ng panyo na kaagad ko naman kinuha upang tuyuin ang mga mata ko.

"Sorry. May naalala lang ako." Nakayukong sabi ko. Tumango lang sya at muling ibinaling ang mata sa sinusulat nya.

Sana nga ay pwedeng turuan ang puso. Sana ay pwede itong pamanhidin kapag sobrang masakit na.


MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon