41(BOOK 3)

23.8K 504 69
                                    

[A/N: HAPPY 49.7K READS! RANK #7 NA ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION ^_^ PARA SA INYONG LAHAT ITONG UPDATE KO NA TO..]

ENJOY READING!

______
❤Chapter 41❤

Makalipas ang apat na taon.....

IVAN POV

"Happy 4th wedding anniversary my wife." nakangiting sabi ko sakanya. Ngunit ang ngiting nakapaskil sa labi ko ay unti unting napalitan ng luha.


Apat na taon na ang nakakaraan ngunit ramdam na ramdam ko padin ang sakit na nasa dibdib ko. Sa paglipas ng panahon hindi man lang ito nabawasan kahit na konti. Mas lalo lang itong nadagdagan.


Tinitigan kong mabuti ang larawan na hawak ko. Hinaplos ko ang labi nyang nakangiti. Kuha ito nung kasal namin. Masayang masaya si Stephanie base sa ngiti nya, dahil ultimong ang mga mata nya ay mayroong ningning.


Isa lang ang ibig sabihin non. Masaya sya nung magpakasal kami. Ngunit ngayon? Nasaan sya? Lumayo at iniwan ako. Ni hindi ko man lang alam kung nasaan na sya.


Tinungga ko ang bote ng alak na hawak ko. Sa loob ng apat na taon, alak lang ang naging kasama ko sa tuwing maaalala ko sya. Nilalango ko ang sarili ko upang mamanhid ang puso ko sa sobrang sakit. Upang mapagod na ang isip ko at magkaroon ako ng matiwasay na tulog. Dahil kung hindi ko gagawin ito. Wala akong ibang gagawin magdamag kundi ang isipin sya at alalahanin ang mga panahon na wala syang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Pero anong ginawa ko?


Sinaktan ko sya at nagpakagago.


Marahas na bumukas ang pintuan ng condo ko. Tama. Condo. Dahil buhat ng iwan ako ni Stephanie. Hindi na ako muli pang bumalik sa bahay namin. Dahil bawat sulok nun naaalala ko sya. Naaalala ko kung paano ko sya pasakitan. Pinapaalala din ng lugar na yun kung paano ako naging masaya sa piling nya. At ang bawat ala ala na yun ay tila patalim na humihiwa sa puso ko.


"Ivan! Anu bang ginagawa mo sa buhay mo? Pati sarili mo pinapabayaan mo na!" rinig ko ang galit na sigaw ni Daddy habang nakasunod lang sakanya si Mommy.


"Wala nang kwenta ang buhay ko Dad. Buhat ng iwan nya ako, tila ako naging buhay na patay." hindi ko na natago pa ang emosyon ko. Nakakabakla man pakinggan, ngunit umalis si Stephanie na dala ang mundo ko. Pati ang puso ko.


"Kasalanan mo yan! Kung hindi ka nagluko, eh di sana kasama mo ang asawa mo ngayon! At sigurado akong malaki nadin sana ang—"


"Giovanni!" hindi na naituloy ni Daddy ang sasabihin nya dahil pinutol na yun ni Mommy. Kahit hindi naman itinuloy ni Daddy ang sasabihin nya. Alam ko naman ang magiging kasunod nun. Malaki na sana ang anak ko. Anak ko na nawala dahil sa kagaguhan ko.


Tumikhim si Daddy bago nagsalita. Alam kong importante ang sasabihin nya dahil hindi nya ako sasadyain dito kung hindi.


"Ayusin mo ang sarili mo Ivan. Imbis na sinisira mo ang buhay mo. Bakit hindi ka magsikap nang kapag bumalik sya ay may maipagmalaki ka naman sakanya. Magpakatino ka kung gusto mo syang makuha ulit. Ibalik mo ang Ivan na minahal nya. Wag kang magpakamiserable dahil sa pagkawala nya. Gawin mo syang inspirasyon para mapabuti ka." tinapik ni Dad ang balikat ko.


"Dont worry son. Magiging maayos din ang lahat." nakangiting sabi ni Mommy.


Lumabas silang dalawa at iniwan ako na nakatitig padin sa larawan ng asawa ko. Tama si Daddy. Hindi makakabuti sakin ang ginagawa ko.



I missed you my wife. And i will do everything just to win you back....

______
California, USA

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon