11

25.6K 538 6
                                    

❤Chapter 11❤

IVAN POV

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko para lang makauwi sa bahay kaagad. Ganun nalang ang inis na naramdaman ko ng maipit pa ako ng traffic.

"Shit! Hold on Steph. Wag mo ng ituloy kung anu man ang binabalak mo. Promise. I will make it up to you. Aayusin ko ang relasyon natin. Kahit na napagsawaan kana ng kapatid ko, basta wag ka lang magpapakamatay." kausap ko sa sarili ko.

Nang makaalis na ako sa traffic ay pinaharurot ko na ulit ang sasakyan. Hindi ko alam pero sobrang kaba na ang nararamdaman ko. Halos nanginginig na din ang kamay kong nakahawak sa manibela.

Nang makarating ako sa bahay ay napakunot ang noo ko ng makitang naka parada sa labas ang sasakyan ng kakambal ko.

Patakbo akong pumanhik sa taas para lang makarating kaagad sa kwarto nya. Fuck! Nahuli naba ako? Nagpakamatay naba sya?

Pipihitin ko na sana ang knob ng pintuan ng marinig kong nagsalita si Steph.

"Okey sige. Pero sana ito na ang huli. Ayoko ng masaktan ka Vhan."

Shit! Anung last na ang sinasabi ni Steph? Last na silang magsesex? Ganoon ba yun?

"Okey sige. Last na ito Steph." sagot naman ng kakambal ko."

Bago pa ako makapasok sa loob ay nabasa ko ang text ni Eizelle. Hindi daw totoong magpapakamatay si Steph kundi may sakit ito.

May sakit? Talaga lang hah! Marahas kong binuksan ang pintuan at galit na nagsalita.

"MAY SAKIT KANA PERO NAGAGAWA MO PADIN MAKIPAGLANDIAN!"

At syempre to the rescue naman kaagad ang kapatid ko. Tang ina kasi! Bakit hindi nalang silang dalawa ang magpakasal. Tutal ay nag aanuhan nadin naman sila.

Galit akong lumabas ay ng bahay. Sayang lang ang oras na ginugol ko pauwi ng bahay. Balak ko na sanang ayusin ang lahat sa amin pero. Putsa! Anung maaabutan ko? Silang dalawa. Nakakulong sa kwarto? Anung gagawin nila sa loob? Magja jack en poy?

Nagpunta ako sa eskwelahan at naghanap ng babae na pwede kong landiin. Argh! Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kasi nag alala pa ako sakanya!

"Ivan babe!" napalingon ako sa sumigaw na yun. Napangiti ako ng makita si Lalaine. Yung babae na dinala ko sa bahay.

"Hi babe." panlalandi ko sakanya.

"Pwede kabang makasam mamaya?"

"Saan?" tanong ko kahit alam ko naman ang ibig nyang sabihin.


"Sa bahay na walang kusina." nakangiting sabi nya sabay pinaglakbay ang hintuturo nya mula sa pisngi ko mula sa dibdib ko.

Nang matapos ang klase ay nakita ko si Lalaine na nag aabang sa akin sa may parking lot.

Nag ngitian kami tapos ay pinagbukas ko sya ng pintuan.

Pagdating namin sa hotel ay kaagad ko syang hinubaran. Nang mailapag ko na sya sa kama ay bigla akong nawalan ng gana. Bigla ko kasing nakita ang maamong mukha ni Stephanie.

"Sorry. Ituloy nalang natin to next time. Meron kasi akong biglaan lakad." sabi ko sabay halik sakanya.

"Okey. Basta sa susunod magdamag hah." malanding sabi nya habang nagsusuot ng damit.

"Sure babe!"

Tang ina Steph! Anu bang ginawa mo sakin at ginugulo mo ang isip ko!

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon