34

16.8K 340 29
                                    

[A/N : SORRY KUNG LATE NA AKONG NAKAPAG UPDATE ^_^v .. RANK #8 NA ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION.. SALAMAT SA INYO!!]

ENJOY READING!!!


___
❤Chapter 34❤

Nakatitig lang ako sakanya habang pinaglalagay ako ng pagkain sa plato ko. Hindi ko mapigilan na mag isip na sana ay si Ivan ang kasama ko at hindi ang lalaking kamukha nya.


Napakagat ako sa labi ko. Pakiramdam ko ay napakasama ko. Si Vhan ang kasama ko pero si Ivan parin ang nasa isip ko. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya. Mahal na mahal ko parin sya.



"Okey ka lang Steph? Hindi mo ba gusto yung pagkain? Magluluto nalang ako ng panibago." sunod sunod na sabi ni Vhan. Nang akmang tatayo na sya ay pinigilan ko sya.



"Okey lang ako Vhan. Okey din sakin ang mga pagkain nato. Nahihiya nga ako sayo dahil naabala kita." tinitigan nya naman ako gamit ang malamyom nyang mga mata. Dahan dahan syang umiwas ng tingin sakin sabay nagpakawala ng marahas na buntong hininga.



"Kumain kana Steph. Alam kong nagugutom kana." ginawa ko naman ang sinabi nya. Ngunit kahit na masarap ang nakahain na pagkain sa harapan ko ay hindi ko parin ito malasahan. Posible pala na maapektuhan ang panlasa mo kapag kumikirot ang puso mo.


Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta si Vhan na maghugas ng plato. Si Lucas ay nasa labas lang buhat kanina at nakamasid samin ni Vhan.



"Vhan. Salamat talaga at nandito ka. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka." sabi ko nang makarating kami sa may gate. Nagpaalam narin kasi sya sakin na uuwi na sya. Ayoko sanang umalis sya ngunit pinigilan ko ang sarili kong makiusap na manatali sya sa tabi ko.



"Nandito ako Steph kasi alam kong kailangan mo ako. Pinuntahan kita kasi mahal kita at di kita kayang tiisin." naluha ako ng marinig ko ang mga sinabi nya. Bakit si Ivan? Kaya nya akong tiisin?



Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap sya habang naglalandas ang mga luha sa mata ko.



"Sana. Ikaw nalang sya." hindi ko napigilan na iusal. Bakit ba hindi natuturuan ang puso? Minsan gusto ko ng itapon ang puso ko sa pagiging pasaway nito. Bakit kasi kahit paulit ulit akong saktan ni Ivan. Sya parin ang tinitibok nito.



"Kung pwede nga lang. Na sana ako nalang sya." malungkot na sabi nya ng ilayo nya ako mula sa katawan nya.


Tinanaw ko nalang sya habang naglalakad palayo mula sa akin. Kung pwede lang na turuan ang puso ko na si Vhan nalang ang mahalin ko ay ginawa ko na sana. Kaya lang ay hindi naman ito nadidiktahan. Nang mawala na si Vhan sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Napakunot naman ang noo ko ng makita si Lucas na nakatingin sakin habang may kausap sa cellphone.


Malamang ang boss nya ang kausap nya. Anu kayang pinag uusapan nila? Nang maibaba ni Lucas ang cellphone nya ay kaagad ko syang nilapitan.


"Lucas.." tawag ko sakanya. Napaangat naman sya ng tingin mula sa pagkakayuko nya.



"Bakit mam Steph?" tanong nya.



"Si Ivan ba yung kausap mo?"



"Opo mam."



"Talaga? Anung napag usapan nyo?" puno ng kyuryosidad na tanong ko.



"Eh kinakamusta po kayo." bigla nalang lumundag ang puso ko dahil sa sinabi nya. Totoo ba yun? "Tinatanong po nya kung buhay pa kayo." nakangiting sabi nya.



"Bakit naman nya natanong yun?" ang saya ko kanina ay napalitan na ng pagkainis.



"Gusto daw po kasi nya pagkauwi nya patay na kayo." hindi ko alam kung totoo ba o nagbibiro lang si Lucas ng sabihin yun. Gayunpaman ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko kung kaya tinalikuran ko sya at patakbong lumayo sakanya.



Damn you Ivan Tyler! Bakit kahit anong gawin mo di ko padin magawang magalit sayo?!



___
IVAN POV

Katatapos lang namin mag usap ni Lucas. Mabuti nalang at hindi nasira ang cellphone ko ng ihagis ko ito dahil sa inis ko. Pero ngayon? Parang gusto ko itong ihagis ulit at durugin gamit ang mga paa ko.



Kakaalis lang daw ni Vhan sa bahay. At pinaghanda nya pa ng pagkain ang ASAWA KO! ASAWA KO! Ako dapat ang gumagawa nun! Hindi sya!


Napahilot nalang ako sa sentido ko. Tiningnan ko ang larawan na ipinadala ni Lucas sa messenger ko. Si Steph at Vhan. Magkayakap. Hindi ko na napigilan pa ang galit na namumuo sa dibdib ko ay inihagis kong muli ang cellphone ko. At sigurado ako sa pagkakataon na to ay hindi ko na ito mapapakinabangan pa dahil wasak wasak na ito.


Humiga ako at ipinikit ng mariin ang mga mata ko. Pagod ang katawan ko. Maging ang isip ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. Lalong lalo na sa nararamdaman ko. Nagagalit ako kay Steph. Pero nasasaktan naman ako sa tuwing nasasaktan ko sya.



Kinabukasan ay nagpunta kaagad ako sa lugar kung saan ko kakatagpuin ang kliyente ko. Nakaramdam ako ng inis para dito. Napaka paimportante. Sabagay importante naman talaga ang deal na ito. Dapat maiclose ko ito para makauwi na ako kaagad.



Halos isang oras na akong nakaupo at naghihintay sa restaurant na ito ay kahit anino man lang ni Mr. Go ay hindi ko padin nakikita. Tatayo na sana ako ng may makita akong babae na papalapit sakin. Pati ba naman dito?! Sinundan nya padin ako?!



Nang makalapit sya sa pwesto ko ay pinagtaasan ko sya ng kilay. Ang kapal naman ng mukha nya para maupo ng hindi ko man lang niyayaya.



"What are you doing here?" inis na sabi ko. Ngumisi lang sya at nangalumbaba sa harapan ko.



"Alam mo mas lalo akong naiinlove sayo kapag nagsusungit ka." sabi nya sabay hagikgik. Lalo lang akong nairita dahil sa ginawa nya.



"Pwede ba Eizelle. Umalis kana! Meron akong hinihintay na importanteng tao." taboy ko sakanya.




"So importanteng tao pala ang tingin mo sa Dad ko?" nangingislap ang mga mata na sabi nya.



"Dad?!" gulat na tanong ko.



"Mr. Go is my Dad." bakit ganun? Hindi naman Go ang gamit nyang apelyido. "Naghiwalay sila ng Mom ko nung mag sampung taon ako kung kaya Lopez ang gamit ko." mukhang nabasa nya ang iniisip ko kung kaya sinagot nya ito.



"Hindi ako mahirap kausap Ivan. Pipirmahan ko ang kontrata. Pero sa isang kondisyon."



"Anung kondisyon?"



"Date me for a week." yun lang pala. Napakadali.



"Deal." tipid na sabi ko.



"Habang nandito tayo umakto ko ng boyfriend ko Ivan. Kalimutan mo muna na may asawa ka. Kahit dito man lang maramdaman ko na mahal mo ako kahit kunwari lang."



"Sure babe. No problem."



Hindi ko ito ginagawa para maiclose ang deal namin ng Daddy nya. Ginagawa ko to para sa sarili ko. Gusto kong pasakitan si Steph. Gusto kong maramdaman nya ang sakit na naramdaman ko ng ilihim nya sakin ang pag inom nya ng pills.



Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi paman ako nagsisimula pero maisip ko palang na masasaktan si Steph. Nasasaktan na din ako?



MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon