25

22.5K 417 14
                                    

[A/N : HAPPY 8.39K READS! RANK #22 NA PO ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION ^_^ THANKS SA INYO!]

ENJOY READING!

❤Chapter 25❤

"Eizelle! Anu ba!? Alam mo naman na magagalit si Ivan kapag nagpunta ako sa lugar na yun." nakasimangot na sabi ko jay Eizelle habang tinatanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

"Tsk! Wag ka ngang KJ dyan! Graduation na natin bukas noh! Pre celebration lang natin dalawa to!" sabi nya at hinila na nya ulit ako.

"Okey lang na magcelebrate tayo. Pero bakit naman sa isang disco bar pa!" inis na sabi ko.

Naku! Kapag nalaman ni Ivan yun. Siguradong magagalit yun. Sa loob ng dalawang buwan ay wala na kaming pinag awayan. Buhat nung magtapat sya na mahal nya rin ako ay naging sweet na sya. Nawala na ang pagkamasungit nya. Kapag nagkataon. Baka ito ang kauna unahang magiging pag aaway namin.

"Zelle naman eh!"

"Pwede ba Steph! Wag ka ngang pabebe dyan. Saglit lang naman tayo eh! Hindi naman siguro magagalit ang asawa mo kung mawawala ka sandali sa paningin nya." nakairap na sabi ni Eizelle.

Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang wala din naman akong magagawa dahil napaka kulit nang kaibigan ko na to.

Pagpasok namin sa disco bar. Pinaghalong amoy ng alak at usok ng sigarilyo ang sumalubong samin. Nakakabingi din ang lakas ng tugtugin sa loob. Hindi talaga ako sanay pumunta sa ganitong klaseng lugar.

"Halika doon tayo!" pasigaw na sabi ni Eizelle. Nagpatianod nalang ako sakanya. "Pwede ba? Wag ka ngang magsimangot dyan. Sinisira mo ang pagpaparty natin dalawa."

Ngumiti ako ng pilit. "Happy now?" sarkastikong sabi ko.

Umorder si Eizelle ng tig isang shot ng tequila. Halos maibuga ko naman ito sa sobrang sama ng lasa.

"Ack! Ang pait!" tinawanan lang ako ni Eizelle dahil sa naging reaksyon ko.

"Ayan! Sa sobrang pagkabaliw mo kay Ivan. Hindi mo naenjoy yung mga ganitong bagay." sabi nya sabay order ulit ng tig dadalawang shot ng tequila.

"Seryoso kaba? May balak kabang lasingin ako hah?! Kapag ako Eizelle. Hindi naka uwi samin. Lagot ka sakin." banta ko sakanya. Ngunit tinawanan nya lang ako.

Sa ikatlong shot ko ng tequila ay medyo nakaramdam na ako ng pagkahilo. Lalo na at hindi naman ako sanay uminom ng alak.

"Zelle. Uwi na tayo." yaya ko sakanya. Dahil pakiramdam ko anu mang oras ay babagsak na ako.

"Uuwi na tayo? Hindi pa nga tayo nakakasayaw eh." sabi nya sabay hila sakin sa dance floor.

Ginaya ko lang ang pagsayaw ni Eizelle. Nakaka enjoy palang sumayaw. Tama sya. Hindi ko naranasan ang mga ganitong bagay dahil naging abala ako sa pang iistalk kay Ivan noon.

Napalingon ako sa may likuran ko nang mapansin kong hindi na si Eizelle ang kasayaw ko. At tama nga ako. Isang matangkad ang lalaki na kasayaw ko. Sa tantya ko ay nasa 6.3 ang height nya. Meron din syang matipunong katawan base sa fitted shirt na suot nya. Inangat ko ang tingin ko papunta sa mukha nya. Nakatitig sakin ang kanyang singkit at itim na mga mata. Nakangiti sa akin ang kanyang malamansanas sa pula na mga labi. At ang ilong nya na napakatangos. Masasabi kong perfect ang itsura nya.

"Hi." bati nya sakin habang sumasayaw.

"Hello". sagot ko sabay ngiti sakanya. Inilibot ko ang mata ko upang hanapin si Eizelle ngunit kahit anong hanap ko ay hindi ko ito makita.

Halos manlaki ang mata ko ng hapitin ako sa beywang ng lalaking kasayaw ko. Halos magkadikit na ang mga katawan namin. Sa totoo lang naiilang ako dahil sa ginawa nya. Bukod kasi sa magkapatid na Ivan at Vhan ay wala akong ibang lalaki na nakasama.

Tinulak ko sya palayo sakin ngunit hinawakan nya ang batok ko. Hindi ako makakilos kahit anong pilit kong kumawala sakanya. Unti unting bumaba ang mukha nya. Hindi ako ganoon katanga para hindi maisip kung ano ang nais nyang gawin.

Napatulala ako ng biglang mawala ang lalaki sa harapan ko at makita ko syang nakahandusay na sa sahig habang sapo sapo ang pisngi. Halos panawan na ako ng ulirat ng makita ko ang nag aapoy sa galit na si Ivan habang nakatingin sa lalaking kasayaw ko kanina.

Ganun nalang ang kabog ng dibdib ko ng ibaling nya sakin ang tingin nya.

"I-Ivan." mahinang tawag ko sakanya. Lumapit sya sakin at hinila ako palabas sa disco bar.

Wala padin syang imik nang ipagbukas nya ako ng pintuan. Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman ni Ivan sa mga oras na yun. Kaya pinilit kong basagin ang katahimikan na bumabalot samin sa loob ng sasakyan.

"I-Ivan. Let me explain please?" nauutal na sabi ko.

"Manahimik ka Steph. Kung ayaw mong maaksidente tayo." sagot nya habang ang mga mata ay nakatuon padin sa daan. Kitang kita ko kung paano nag igting ang panga ni Ivan at ang paghigpit ng pagkakahawak nya sa manibela.

Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga at tumingin sa dinaraanan namin. Galit na galit sya sakin. Parehas lang kami. Galit din ako sa sarili ko dahil hinayaan kong malasing ako. Tapos ay nakipagsayaw pa ako sa isang lalaki na muntikan pa akong mahalikan.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay namin. Nakababa na din si Ivan at hindi nya ako pinagbuksan ng pintuan. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Ivan sa may mini bar. At nagsisimula nang uminom ng alak. Naaamoy ko na. Away ang mangyayari samin ngayon.

"Kausapin mo naman ako oh. Please?" puno nang pagsusumamo kong sabi sakanya.

"Umakyat kana sa taas at nang makapagpalit kana ng damit." sagot nya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Lumapit ako sakanya at niyakap sya. Nag umpisa na din tumulo ang mga luha ko. Maisip ko lang na galit sakin si Ivan. Pakiramdam ko may isang baldeng tubig na nakadagan sa dibdib ko.

"Im sorry. Promise hindi na mauulit yun. Alam ko galit ka. Kahit di ka magsalita. Nararamdaman ko yun. Sorry na talaga. I love you Ivan! Mahal na mahal kita. Wag ka ng magalit. Please?" kinalas nya ang pagkakayakap ko sakanya na naging dahilan para mas lalong bumigat ang nararamdaman ko sa dibdib ko.

"Galit ako Steph. Pero hindi sayo. Kundi doon sa ginawa mo. Hindi ko kayang makita na may ibang lalaki na hahawak sayo. Hindi ko kayang makitang may ibang lalaki na hahalik sayo. Hindi ko kaya Steph. Dahil pag nagkataon. Makakapatay ako ma protektahan ko lang ang pag aari ko." punong puno ng sinseridad na sabi ni Ivan.

"Promise talaga. Hindi na mauulit yun." sabi ko habang hinahawakan ko ang kamay ni Ivan.

"Mahal kita Steph. Mahal na mahal. Kaya tara na sa taas. Gumawa na tayo ng little Ivan at little Steph." nakangising sabi nya sabay buhat sakin.

Napangiti nalang ako. Salamat naman at hindi nagalit sakin si Ivan. Dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mawala ang galit nya.



Humanda sakin ang pahamak kong kaibigan na si Eizelle! Kakalbuhin ko ang buhok nya sa ibaba!



END OF BOOK 1






MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon