23

26.6K 534 21
                                    

[A/N : HAPPY 6.55K READS MGA BHE!! GUSTO KO LANG SABIHIN NA RANK #25 NA ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION. SALAMAT SA INYO AT SA WALANG SAWA NYONG PAGBABASA AT PAGHIHINTAY SA PAG A UPDATE KO ^_^ PARA SAINYONG LAHAT ANF CHAPTER NA TO.]

ENJOY READING. DONT FORGET TO VOTE AND LEAVE COMMENTS PARA MAINSPIRED AKONG LALO ^_^

***

❤Chapter 23❤

"Aray ko naman Ivan. Dahan dahan ka naman." daing ko.

"Tss. Ang kulit mo kasi eh. Sinabi ko ng ako nalang nagpumilit ka padin." sagot nya at mas lalo nya pang diniinan.

"Gusto lang naman kitang mapasaya eh." naluluhang sabi ko habang nakatitig sakanya na nakatingin sa kamay kong napaso ng kawali. Nilalagyan din nya ng ointment yung mga natalsikan ng mantika.

"Tss. Hindi mo naman kailangan gumawa ng kahit na anu pang bagay Steph. Yung hindi mo ako sinukuan. Sobrang saya na ang naramdaman ko." sabi nya sabay nag angat ng tingin para magtama ang mga mata namin.

"Totoo?" paninigurado ko. Dahil hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na mahal din ako ni Ivan. Dahil sa pagkakaalam ko. Hanggang langit ang galit nya sakin.

"Oo. Kaya sana naman ingatan mo ang sarili mo. Dahil ikaw ang kaligayahan ko." nakangiting sabi nya sabay halik sa noo ko.

Kyaahhh! Gusto ko na talagang sumigaw dahil sa kilig.

"Dyan ka lang. Ako na ang magluluto." sabi ni Ivan habang itinatabi ang mga ginamit nyang panggamot sa natamo kong paso at paltos.

Habang nagluluto si Ivan. Nakatuon sakanya ang buong atensyon ko. Napakasarap pala sa pakiramdam na ang taong mahal mo ang magsisilbi sayo. Na ang taong mahal mo ang nag aalala sayo. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag ang taong mahal mo ang nagmamahal sayo.

Kahit milyong atensyon pa ang makuha mo sa iba. Walang wala ito kumpara sa atensyon na manggagaling sa taong mahal mo.

Tumayo ako at lumakad papalapit kay Ivan. Noon natatakot akong lumapit sakanya dahil alam kong itutulak nya lang ako palayo. Ngunit ngayon ay nagkaroon na ako ng lakas na gawin yun dahil alam kong parehas na kami ng nararamdaman.

Niyakap ko sya mula sa likuran. Naramdaman ko naman na tila nagulat sya sa ginawa ko dahil natigilan sya sa paghahalo ng niluluto nya.

"Mahal na mahal kita Ivan. Nagpapasalamat ako dahil mahal mo din ako. Akala ko talaga wala ng pag asa na mahalin mo ako ngunit nagkamali ako." punong puno ng emosyon na sabi ko. "Buong buhay ko wala akong ginawa kundi ang titigan ka mula sa malayo. Sa tuwing nakikita kitang nakangiti, hinihiling ko na sana ako ang maging dahilan ng mga ngiting yun. Kaya sobrang saya ko ng ikasal ka sa akin" .

Iniharap ako ni Ivan sakanya at niyakap. Pagkatapos ay tinitigan nya ako at nginitian.

"Meron akong sikretong sasabihin sayo." panimula nya. Umupo sya at kinandong ako habang nakayakap sya sakin. "12 years ago. Meron akong nakitang isang batang babae. Ang tingin ko sakanya ay isang anghel na bumaba sa lupa. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng mga sandaling magtama ang mga mata namin at ngitian nya ako."

Tahimik lang akong nakikinig kay Ivan.



"Gustong gusto kong mapalapit sa bata na yun noon. Kaya nga lang nagkaroon ako ng inis sakanya nang makita ko syang halikan ng kapatid ko." pinihit nya ako pakanan para iharap sakanya. Dinampian nya ako ng halik sa labi. Kahit di ko nakikita ang pisngi ko nung mga sandaling yun. Sigurado akong walang panama ang blush on sa sobrang pula nito.



MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon