53

19K 441 32
                                    

[A/N : SALAMAT SA MGA NAKAABOT SA CHAPTER NA TO. SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGHIHINTAY NG UPDATE KO 😘.. PARA SA INYONG LAHAT TONG CHAPTER NA TO.. PLAY THE SONG IF YOURE NOT THE ONE KUNG MERON KAYO GUYS. PARA MAFEEL NYO ANG CHAPTER NA TO ^_^…]

Kristalalabs sissy. Magparamdam ka naman! Love you 😘

ENJOY READING!!

____
❤Chapter 53❤

Palapit palang ako sakanya ay nakita ko na ang sayang sumilay sa mga mata nya. Tumayo sya lumapit sakin upang alalayan ako.

"Thank you dahil pinaunlakan mo ang imbitasyon ko Steph.." nakangiting sabi nya.

"Napatawad na kita diba? Kaya wala ng dahilan para tanggihan kita."

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napaka romantic ng ambiance dahil dalawa lang kami sa bahagi ng restaurant na to. Mukhang pinareserve nya talaga ito.

Dinner with candle light. Nasa labas kami kung saan tanaw na tanaw ang mga bituin at ang buwan.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng pagka awkward. Nagtitinginan lang kaming dalawa. Pagkatapos ay sabay na ngingiti. Siguro dahil sa tagal na hindi kami nagkausap at dahil na rin sa nangyari noon. Bigla nalang nagkaroon ng pader sa pagitan namin.

"Hindi ko na tatanungin kung kamusta kanaba. Dahil sigurado akong okey ka lang. Lalo na at kumpleto na ang pamilya nyo." nakita ko ang pag guhit ng lungkot sa mga mata ni Vhan.

Bago pa ako makasagot ay bigla nalang pumailanglang ang kantang "If you're not the one". Inilahad naman ni Vhan ang kamay nya sakin na kaagad ko naman tinanggap..

"Steph.. Pwede mo ba akong turuan kung paano ang kalimutan ka. Kasi hanggang ngayon ikaw parin eh. Mahal parin kita. Mahal na mahal." bigla nalang akong niyakap ni Vhan kasabay ng pagyugyug ng balikat nya.

Nasasaktan ako para sakanya. Dahil hindi ko alam kung paano ko gagawin yun. Hindi ko ginustong mahalin nya ako ng ganito.

"Vhan.."

"Masaya ako para sayo Steph. Gusto kong maging masaya.. Pero tang ina. Hindi ko magawa kasi.. Ang sakit eh. Ang sakit sakit."

"Vhan. Maraming babae dyan. Yung babae na kaya kang mahalin ng buong buo. Alam mo naman diba? Simula palang si Ivan na talaga. Ang kapatid mo na talaga ang mahal ko." hindi ko na napigilan ang maiyak kung kaya napayakap ako sakanya ng mahigpit. Ito lang naman ang kaya kong gawin para sakanya.

"Maraming babae Steph. Pero nag iisa kalang. Kung kaya kong magmahal ng iba. Sana noon pa, nagawa ko na. Kaya lang hindi eh. Pakiramdam ko pinaglaruan ako ng tadhana. Bakit nya hinayaan na mahalin kita ng sobra sobra kung inilaan ka naman nya sa iba. Pinipilit kong kalimutan ka na. Pero sa tuwing pipikit ako. Mukha mo ang nakikita ko. Sa bawat pintig ng puso ko. Pangalan mo ang isinisigaw nito. Kaya sabihin mo sakin Steph? Paano ko magagawang kalimutan ka gayong ikaw ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko." kinalas nya ang pagkakayakap sakin kung kaya nakita ko ang mga mata nyang hilam sa mga luha.

Pinahid ko naman ito gamit ang dalawang hinalalaki ko.

"Huwag mo akong iyakan Vhan. Hindi ako karapat dapat sa mga luha mo. Kung pwede lang sanang turuan ang puso, ginawa ko na para lang wag kang masaktan. Kaya lang hindi eh. Dahil kahit nasaktan ako nang dahil kay Ivan. Sya pa rin eh. Mahal ko parin sya. Kaya please lang. Wag mong pahirapan ang sarili mo Vhan. Isang araw makakakita ka rin ng tamang babae para sayo. Yung babae na nakatadhana talaga para sayo. Yung babae na magpapasaya sayo at mamahalin ka ng higit sa pagmamahal mo sakin. At sana kapag nakita mo na sya. Huwag mo na syang pakawalan."

"Hindi ko alam kung may kakayahan pa ba akong magmahal Steph. Dahil buong puso ang kinuha mo. Kaya sa palagay mo papaano pa ako magmamahal? Kung wala na akong ibang babaeng gustong mahalin kundi ikaw lang.. Ikaw lang Steph. Tanging ikaw lang.."

"Sana sa susunod na buhay natin. Ako naman ang piliin mo Steph. Sana ako naman ang mahalin mo. Kasi kung ako ang tatanungin mo. Kahit nasasaktan ako ng dahil sayo. Ikaw parin ang gusto ko."

Tinulak ko si Vhan palayo sakin. Tumalikod ako at tumakbo palayo sakanya habang ang mga mata ko ay hilam sa mga luha.

Hindi ko na kayang tagalan na pakinggan ang mga sinasabi nya. Nasasaktan ako para sakanya. Alam nyang kahit kailan ay di ko masusuklian ang pagmamahal na yun. Kung ang puso nya tumitibok para sakin. Ang puso ko naman tumitibok para kay Ivan.

Dali dali akong pumara ng taxi ngunit bago pa man ako makasakay ay nahigit na ni Vhan ang kamay ko at sinara ang pintuan ng taxi.

"Vhan. Anu ba! Masokista kaba hah? Nasasaktan kana pero sige ka parin. Maawa ka naman sa sarili mo."

"Sobrang mahal lang talaga kita Steph. Kaya nga hinayaan na kita sa taong makakapagpasaya sayo diba? Kahit na gusto kong ipaglaban ka. Hindi ko ginawa. Kasi alam kong sya ang kailangan mo."

Kinalas nya ang pagkakahawak sa kamay ko at dinampian ako ng halik sa noo.

"Ito na ang huling pagkakataon na makikita mo ako Steph.. Pipilitin kong huwag magkrus ang landas natin dalawa. Dahil mahal kita gagawin ko ang gusto mo. Susubukan kong kalimutan ka at magmahal ng iba. Sisiguraduhin kong kapag nagkita tayong muli. Wala na akong nararamdaman para sayo kahit na katiting."

"Vhan. Huwag mo naman tapusin ang pagkakaibigan natin."

"Hindi kita kayang maging kaibigan Steph. Dahil higit pa sa kaibigan ang tingin ko sayo.. Huwag ka ng pumara ng taxi. Parating na ang kapatid ko.." tinalikuran nya ako at naglakad palayo. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang sya ay lumingon syang muli.

"Goodbye Steph...." nakatitig lamang ako sakanya habang unti unti syang lumalayo sakin.

Wala na ang lalaki na simula't sapul ay nandyan na para sakin. Ang lalaki na palaging nagcocomfort sakin kapag malungkot ako. Yung lalaki na lahat ng hilingin ko ibibigay nya. Yung lalaki na kahit nasasaktan nandyan parin para sakin.

Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo ako palapit sakanya. Niyakap ko sya mula sa likod. Pakiramdam ko kapag hinayaan ko syang lumayo habang buhay na syang mawawala sakin.

"Vhan... Please.. Huwag.." umiiyak na sabi ko.

"Steph. Huwag mo akong pahirapan. Mahirap para sakin itong gagawin ko. Pero pinipilit ko parin gawin kasi ito ang gusto mo. Gusto mong matuto akong magmahal ng iba. Gusto mong kalimutan kita. Kaya ito lang ang tanging paraan para magawa ko ang gusto mo. Kaya please lang. Hayaan mo na ako."

Unti unti nyang kinalas ang braso kong nakayakap sakanya. Tinuloy nya ang ginawa nyang paglakad ng walang lingon likod.

"Vhan...."

Nagulat ako ng bigla nalang may humawak sa balikat ko. At dahil sa bugso ng damdamin ay napayakap ako sakanya. Isinubsub ko ang mukha ko sa dibdib nya at umiyak.

"Hush baby. Hush. Huwag ka ng umiyak please." pang aalo ni Ivan sakin.

"Nasaktan ko sya. Ang sama sama ko."

"Hindi mo kasalanan na minahal ka nya. Masaya ako dahil sa wakas ay pinakawalan ka na nya. Alam kong may nararamdaman parin sya para sayo. Ngunit hindi ako natakot na maagaw ka nya sakin dahil alam kong ako ang mahal mo."

"Kaya mo rin ba akong mahalin kagaya ng pagmamahal ni Vhan sakin?" tanong ko.

"Hindi..." nalaglag ang balikat ko dahil sa sagot nya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.








"Hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal nya para sayo. Pero kayang kaya kong higitan Steph..."














MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon