❤Chapter 28❤
Tumayo ako para tulungan si Ivan na ayusin ang mga damit nyang nahulog mula sa closet. Nang dadamputin ko na isa isa ang mga damit nya ay hinawakan ni Ivan ang kamay ko at hinila ako palapit sakanya.
"I love you Steph." bulong nya sa may tenga ko habang nakayakap sya sakin.
"I love you too Ivan." nakangiting sabi ko. Kahit alam ko naman na hindi nya yun makikita dahil nakatago ang ulo ko sa may dibdib nya. Kinalas nya ang pagkakayakap nya sakin at hinaplos ang tiyan ko.
"Wala pa din ba?" tanong nya sakin. Kahit di nya sabihin alam ko na kung ano ang tinutukoy nya. Malungkot naman akong umiling.
Napabuntong hininga naman sya at dinampian ako ng halik sa noo. "Sorry ha? Naiinip kanaba?" tanong ko.
"Hindi. Baka hindi ko pa lang talaga nati tyambahan." malambing na sabi nya. "Bukas mo nalang ayusin yan. Magpahinga na tayo." pagyayaya nya sabay akay sakin patayo.
Sumiksik ako sa dibdib nya at niyakap sya. Nakakatuwang isipin na ang dating pinapangarap ko lang. Asawa ko na at mahal na mahal pa ako.
"Baby. Matulog kana. Wag ka ng mag isip ng kung ano ano." napatingala ako sakanya at nakita kong nakatitig din sya sakin. Inangat ko ng konti ang ulo ko para dampian sya ng maliit na halik sa labi.
"Goodnight Ivan. I love you."
"Goodnight baby. I love you too."
Nakatulog ako ng may ngiti sa labi.
Kanina pa ako palinga linga sa may restaurant na pagkikitaan namin ni Eizelle. Ngayon kasi nya ipapakilala sakin ang lalaking mahal nya. Halos isang oras na yata akong naghihintay sakanya ngunit wala padin sila.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa may pouch ko kung kaya kinuha ko kaagad ito. May text galing kay Eizelle.
Eizelle :
Sorry. Traffic kasi eh. Pero malapit na kami.
Mabilis naman ako nagreply sakanya.
Ako :
Okey lang.
Nang halos limang minuto na buhat ng masend ko ang reply ko sakanya ay sinilid ko na ang cellphone ko.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na sya. Teka? Sya lang? Bumeso sya sakin at umupo na.
"Asan yung boyfriend mo?" tanong ko.
"Hintayin mo lang." sabi nya sabay ngisi. Tila may nais ipakahulugan ang ngisi nya ngunit hindi ko nalang iyon pinansin.
Halos tumigil ang mundo ko ng may lalaking papasok sa loob ng restaurant at nakangiti kay Eizelle? Teka? Diba dapat sakin sya nakatingin at hindi sa kaibigan ko? Naguguluhan akong nagpalipat lipat ng tingin sakanilang dalawa.
Mas lalong lumakas ang kaba ko ng kay Eizelle sya lumapit at humalik sa labi nito. Scratch that! Naghalikan sila sa harap ko!
Napatayo ako at napakuyom ako ng kamao.
"What's the meaning of this!?" galit na sabi ko. Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay tumawa lang sila. Tumayo si Eizelle at niyakap si Ivan.
"Natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo? Na aagawin ko ang dapat na sakin? Ngayon nagawa ko na. Si Ivan ay sa akin. At hindi sayo." pakiramdam ko ay ibang tao ang nagsasalita sa harap ko. Parang hindi sya si Eizelle.
Maluha luha akong tumingin kay Ivan na nakangisi lang. Paano nila nagawa sakin to? Anung kasalanan ko sakanila.
"Ivan. Nagbibiro lang kayo diba?" baka kagaya lang ito sa isang prank show kung saan sasabihin nila na "Na wow mali ka!" o kaya ay sasabihin nilang "Joke! Joke! Joke!"
"Im sorry Steph. Pero si Eizelle ang mahal ko at hindi ikaw." wala akong mabakas na pagbibiro sa tinig nya kaya napahagulgol na ako ng iyak. Wala na akong pakielam sa nakakakita sakin. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ng mga oras na yun.
Patakbo akong lumapit sakanya at lumuhod. Niyakap ko ang binti nya habang patuloy sa paglandas ang mga luha sa mata ko.
"Please Ivan. Nagmamakaawa ako sayo. Wag mong gawin sakin to. Mahal na mahal kita." iginalaw nya ang binti nya at tinanggal ang braso kong nakayakap dito.
"Kahit ubusin mo pa ang luha mo. Hindi mo mababago ang nararamdaman ko. Hindi kita mahal Stephanie! Kaya kung may hiya kapang natitira sa katawan mo. Tumayo ka dyan! Wag mo akong luhuran dahil hindi ako Diyos." matigas na sabi nya.
Tumayo ako at hinarap si Eizelle.
"Eizelle. Kaibigan kita. Pero bakit mo nagawa sakin to. Asawa ko na si Ivan. Kaya please lang. Ibalik mo sya sakin." nagmamakaawang sabi ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa. Nakaramdam nalang ako ng hapdi sa may kanang pisngi ko.
"Para yan sa pang aagaw mo sakanya. Kung hindi ka lang malandi at nagmakaawa na pakasalan ka nya. De sana masaya kami ngayon." galit na sabi nya.
"Lets go babe. Wag mo ng pag aksayahan ang babae na yan." tila naman punyal na tumarak sa dibdib ko ang salitang binitawan ni Ivan. Maliwanag pa sa sikat ng araw na si Eizelle ang pinili nya kesa sakin. Na wala akong halaga sakanya base sa pagkakasabi nya ng babae na yan.
Nagsimula na silang tumalikod at naglakad palayo sakin. Ngunit nagawa ko padin humabol sa kanilang dalawa. Hindi ko hahayaan na mawala si Ivan sakin at maagaw sya ng iba.
"Ivan! Sandali lang!" umiiyak na sabi ko. Alam kong naririnig nya ang pagtawag ko sakanya ngunit hindi sya nag abalang lingunin ako.
"IVAN!!!!"
"Baby. Wake up." napabangon akong bigla ng marinig ko ang pagtawag na yun. At ganun nalang ang tuwa ko dahil isa lamang pala yung masamang panaginip.
"Ivan!" sabi ko sabay yakap ng mahigpit sakanya. Hindi ko din napigilan na maiyak dahil narito sya. Katabi ko. Hindi totoong iniwan nya ako.
"Hush baby. Hush. Im here." sabi nya sabay haplos sa may likod ko.
Kinalas ko ang pagkakayakap ko sakanya at hinawakan ko ang pisngi nya.
"Ivan. Mangako ka sakin." umiiyak na sabi ko. "Mangako kang hindi mo ako iiwan at ipagpapalit sa iba."
Pinunasan nya ang mga luha sa mata ko gamit ang magkabilang hinlalaki nya.
"I wont promise baby. Coz promises are made just to be broken." natigilan ako sa sinabi nya. Ayaw nyang mangako dahil gagawin nya. Iiwanan nya ako.
Ibinaba nya ang mukha nya para magpantay ang labi namin dalawa. Hanggang sa namalayan ko nalang ang malambot nyang labi na umaangkin sa labi ko.
"Kaya gagawin ko nalang." pagpapatuloy nya sa sinabi nya pagkatapos maghiwalay ng mga labi namin.
Pinikit ko ang mata ko at pinilit bumalik sa pagkakatulog ngunit hindi ko magawa. Iniisip ko padin ang panaginip ko.
Anung ibig sabihin nun?
BINABASA MO ANG
MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETED
General FictionKasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesyal na araw kung saan ay makakasama na nila habang buhay ang lalaking minamahal nila. Ngunit hindi para kay Stephanie. Oo ang lalaking makaka...