❤EPILOGUE❤
Napailing nalang ako nang makita ko syang umiiyak habang binabasa ang libro na hango sa istorya naming dalawa.
Nasabi ko naba na isa sa pumatok na kwentong ginawa nya ay ang tungkol sa kwento naming dalawa?
Iniba lang nya ang pangalan ng mga character sa istorya pero sinabi nya sakin na kaming dalawa yun.
"Wife." tawag ko sakanya. Lumingon naman sya at kaagad na pinunasan ang kanyang mga luha.
"Husbie." sinara nya ang libro at yumakap sakin. "Hanggang ngayon di ko parin mapaniwalaan na nangyari satin dalawa ang lahat nang yun. At narito padin tayong dalawa. Magkasama."
"Sshhh. Were meant to be my wife. At kahit anung pagsubok pa ang pagdaanan natin. We still end up together."kinalas ko ang pagkakayakap ko sakanya.
"Nakakainis ka Kuya! Bakit mo ako pinahiya hah?!"
"Eh ano naman! Kesa naman nagmumukha kang engot na naghahabol sa lalaking ayaw naman sayo!"
"Kesa naman sayo! Pabebe! Gusto hinahabol ng mga babae!"
"Hindi ako pabebe. Sadyang hindi ko lang sila gusto!"
Napailing nalang kaming dalawa. Nasa labas palang ang mga anak namin ngunit rinig na rinig na ang pagtatalo nila.
"Tyler! Tyrannie!" bulyaw ni Steph sa mga ito. Tahimik naman silang naglakad palapit sa amin. "Ano nanaman bang pinagtatalunan nyo?" tanong ni Steph.
"Si Kuya, Ma. Pinahiya nya ako." maluha luhang sabi ni Tyrannie.
"Tss. Thats not true mom! Tinawag ko lang sya dahil ayaw kong pinagtatawanan sya nung grupo ng lalaki na gusto nya."
"Tyler anak. Sana ay hinayaan mo nalang ang kapatid mo." sabi ko.
"Para ano Dad? Pagtawanan sya ng mga lalaki na yun?" nakita ko pa ang matalim na titig na pinukol no Tyler kay Tyra.
"Praning ka lang kuya. Kasi ganun ka mag isip. Kunwari kapa e alam ko naman na pinagtatawanan mo ang mga babaeng habol ng habol sayo."
"Tss. Lalaki ako. Alam ko kung ano ang nararamdaman ng kapwa ko lalaki kapag babae ang naghahabol sakanila. Sa totoo lang Tyra. Nakaka turn off ang mga babaeng ganun."
Tumikhim si Steph at napatingin sakin. Alam ko ang nasa isip nya kahit di nya sabihin. Alam na alam ko. Inakabayan ko si Steph.
"Wala naman masama kung babae ang maghabol sa lalaki Tyler. Yun lang yung way nila para iparamdam sa lalaking gusto nila ang feelings nila." sabi ni Steph. "Karapatan ang pagmamahal at hindi tungkulin. Karapatan ni Tyra na mahalin ang lalaking yun pero hindi naman tungkulin ng lalaking yun na mahalin din sya."
Ngumiti si Tyra at hinalikan si Steph.
"Thanks Ma!"
"Tss. Ma! Hahayaan mo lang ba si Tyra sa kabaliwan nya?" inis na sabi ni Tyler. Kinuha naman ni Stephanie ang librong binabasa nya.
"Libro? Aanhin ko naman ito Ma?" tanong ni Tyler.
"Story namin ng daddy nyo yan na ginawa kong libro. Walang nakakaalam ng katotohanan sa libro na yan kundi tayo lang. Basahin mo anak ng malaman mo kung paano ba kami nagsimula ng Daddy mo." tiningnan ako ni Steph at nginitian.
"Marrying a Heartless?" sabay na tanong ni Tyra at Tyler.
"Oo. Malalaman nyo dyan ang kahulugan ng tunay na pagmamahal. Hindi mahalaga kung sino ang unang nagmahal kanino. Hindi rin mahalaga kung sino ang nanligaw. Basta mahal mo lahat gagawin mo. Maniwala kayo. Kapag true love na ang tumama sa inyo. Kahit gaano pa karami ang pride na meron kayo. Handa nyong itapon para lang sa taong mahal nyo."
BINABASA MO ANG
MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETED
Fiction généraleKasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesyal na araw kung saan ay makakasama na nila habang buhay ang lalaking minamahal nila. Ngunit hindi para kay Stephanie. Oo ang lalaking makaka...
