22

26.3K 566 33
                                    

[A/N : AT GAYA NG PINANGAKO KO. ETO NA ANG ULIT ANG UPDATE KO ^_^ GUYS. GAYA NG SINABI KO. IMBIS NA MAGSABI NG BITIN. MAGTHANK YOU NALANG PARA NAMAN SIPAGIN AKO.]

ENJOY READING!


❤Chapter 22❤

Hindi ko alam kung saan lugar ba ako dadalhin ni Vhan. Basta nagpatianod lang ako sakanya. Ayokong magpumiglas dahil ayokong makaagaw kami ng atensyon mula sa iba. Hindi rin nagtagal ay narating namin ang lugar kung saan balak ni Vhan na mag usap kami.


Damang dama ko ang malakas na simoy nang hangin na tumatama sa balat ko. Isinasayaw din nito ang buhok ko. Tanaw ko ang malawak na kabuuan ng unibersidad mula dito sa rooftop.


Bumalik lang ako sa reyalidad ng marahas na bitiwan ni Vhan ang kamay ko.



"Anung ibig sabihin ng nakita ko Stephanie!" galit na sabi ni Vhan.


"Seryoso kaba? Kailangan ko paba talagang magpaliwanag kung bakit kami magkasama ng asawa ko?" nakataas ang kilay na sabi ko.



"Asawa? Kailan pa naging asawa ang turing ni Ivan sayo. Sabihin mo! Kailan pa!" nag aapoy sa galit ang mga mata nya kung kay napalunok ako. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Bakit mas nakakatakot pa ang itsura nya kesa kay Ivan.



"Look Vhan. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin sayo ang mga bagay na to. Pero gusto kong malaman mo na nagsisimula na kaming bumuo ni Ivan ng masayang pamilya at sana maging masaya kana lang para samin ng kapatid mo." mahinahon na sabi ko.


Umiling iling si Vhan na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napangisi sya ngunit kaagad din ito napalitan ng galit na emosyon.



"MAY NANGYARI NABA SAINYO NI IVAN!?" galit na sabi ni Vhan at marahas akong hinawakan sa kanang balikat ko.


"V-Vhan. M-Masakit." daing ko. Hindi parin nya niluwagan ang pagkakahawak sakin. Mas lalo pang dumilim ang mga mata nya. Natatakot ako dahil nakikita kong kayang kaya akong saktan ni Vhan anu mang oras. Kahit naman nagagalit sakin si Ivan hindi pa ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot.



Bago pa ako makasagot ay humandusay na sa sahig si Vhan. Nagulat ako ng makita ko ang galit na mukha ni Ivan. Hinawakan nya ako upang itago sa likod nya. Tila ba pinoprotektahan ako ni Ivan mula sa kapatid nya.


"Wala kang pakielam kung may nangyari man samin dalawa. May karapatan akong gawin sa kanya yun anu mang oras ko gustuhin dahil asawa ko sya!" galit sa sabi ni Ivan.


Unti unting bumangon si Vhan habang pinapahid ang dugo sa gilid ng kanyang labi dahil sa pagkakasuntok ni Ivan. Tumingin ito nang nakangisi samin dalawa ni Ivan. Nagpalipat lipat ang tingin nya samin dalawa.



"Asawa? Yan naba ang tawag mo sa sarili mo ngayon? Pasalamat ka at malaki ang respeto ko kay Steph dahil kung hindi. Ako ang nakauna sakanya bago mo pa sya nakuha." nakangising sabi nito. "Ipagpalagay na natin na ikaw nga ang nakauna sakanya. Pero ito ang tatandaan mo. Gagawin ko ang lahat para mabawi kung anu ang dapat na sakin. Wala akong pakielam kahit pagsawaan mo ang katawan nya. Kukunin ko sya mula sayo! Pakatandaan mo yan!" galit na sabi nya at iniwan kaming dalawa ni Ivan sa may rooftop.



"Sinaktan kaba nya?" nag aalalang sabi ni Ivan.



"Hindi. Kinausap nya lang ako. Ivan. Natatakot ako kay Vhan. Parang hindi na sya ang Vhan na kilala ko." naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Ivan at hinaplos ang buhok ko. Pakiramdam ko kapag ganitong yakap nya ako. Ligtas na ligtas ako.



"Wag kang mag alala. Hindi kita papabayaan. Hangga't naririto ako. Hindi ko hahayaan na makanti ka nya. Konting tiis nalang. Makaka graduate na tayo. Hindi na tayo magkakahiwalay." sabi nya at kinalas ang pagkakayakap sakin. Tinitigan nya ako at unti unting bumaba ang labi nya sa labi ko.


Halos kapusin na ako ng hininga ng bitiwan nya ang labi ko. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Nakangiti syang tumingin sakin.



"Halika na. Ihahatid na kita sa classroom nyo. Iwasan mo si Vhan hanggang maaari. Obsess sayo ang kapatid ko Steph." sabi nya sabay iling. "Akala ko ay simpleng pagkakagusto lang ang nararamdaman sayo ng kapatid ko. Pero nagkamali ako. Malakas pala talaga ang tama nya sayo."



Napalunok ako. Obsess sakin si Vhan? Hindi iyon matanggap ng sistema ko. Bakit si Vhan ang kailangan ma obsess sakin. Hindi ba pwedeng si Ivan nalang?



"Oh? Bakit natahimik ka?" sabi nya ng maramdaman na hindi ako nagreact sa sinabi nya. Napabuntong hininga nalang.



"Ivan. Hindi ba ako nagkaroon ng puwang sa puso mo kahit na konti lang?" tanong ko sakanya. Sinubukan kong salubungin ang titig nya dahil gusto kong makita ang katapatan nya sa anu mang sasabihin nya.


Nakipagsukatan din sya ng tingin sakin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata nya. Blangko ito. Kaya naman napalunok ako. Bakit ko pa kasi natanong yun. Masyado naman kasi akong abusado eh! Sana nakuntento nalang muna ako sa kung anung meron samin dalawa.



Napayuko nalang ako dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang titig nya. Tumatagos ito hanggang sa kaluluwa ko. Namuo na ang mga luha sa mata ko dahil sa tagal ng pananahimik ni Ivan. Iniisip ba nya kung sasabihin nya sakin ang totoo o magsisinungaling nalang.



"Stephanie. Sorry. Pero hindi ka nagkaroon ng puwang sa puso ko kahit konti lang". seryosong sabi nya. Napaangat ako ng tingin sakanya kasabay ang pagbasak ng luha ko. Alam ko na ang sagot pero umasa padin ako na kahit paano ay magsisinungaling nalang sya para di ako masaktan.



"Wag kang magsorry. Alam ko naman na yun eh." sagot ko. Naramdaman ko naman ang hinalalaki nyang pinahid ang mga papansin kong luha.







"Hindi ka nagkaroon ng puwang. Dahil simula palang. Sayo na ang puso ko. Ikaw na ang umuukupa nito. Wala ka ng tinira para sa iba. Dahil mula noon hanggang ngayon. Ikaw padin ang nag mamay ari nito." nakangiting sabi nya.






Halos mapanganga naman ako. Tama ba yung narinig ko? O dinaya lang ako ng tenga ko? Kung totoo naman. Please! Pakihabol naman yung puso ko. Sa sobrang tuwa tumalon at lumabas na sa dibdib ko! Ayun tinangay na ng aso!




MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon