31

18.3K 359 3
                                    

[A/N : HAPPY 21.K READS! RANK #14 NA PO ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION \(^o^)/.. THANK YOU SA INYONG LAHAT! SANA WAG KAYONG MAGSAWA NA MAGBASA.. PARA SA INYONG LAHAT ITONG CHAPTER NA TO!]

ENJOY READING!


---
❤Chapter 31❤


Anu pabang mahihiling ko sa buhay ko? Meron akong asawa na sobrang maalaga sakin na kahit noong umpisa ay hindi naging maganda ang pagsasama namin. Nagkaayos na din si Ivan at Vhan kung kaya hindi na ako nag aalala na magkasakitan sila kapag nagkikita.


"Baby, come here." rinig kong sabi ni Ivan kung kaya napalingon ako sakanya. Nandito kami sa mansion nila kung saan nagkaroon ng maliit na salo salo bilang celebration sa wedding anniversary ng parents nila Ivan.



Lumapit ako sakanya at nagulat nalang ako ng hilahin nya ako. Kung kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Napahiwalay naman ako ng biglang may tumikhim sa likuran ko.


"Nakakaselos naman." nakangiting sabi ni Vhan ngunit hindi man lang ito umabot sa mata nya. Alam ko kahit sinasabi nyang tanggap na nya. Nararamdam ko na kahit paano ay nasasaktan padin sya.



"Kaka ayos lang natin bro. Mukhang mag aaway nanaman tayo." sabi ni Ivan at hinapit ang bewang ko palapit sakanya.


Kahit kailan talaga napaka pikon ni Ivan. Hindi marunong makipag biruan. Itinaas naman ni Vhan ang dalawa nyang kamay bilang pagsuko.


"Hey! Anu kaba. Nagbibiro lang ako." tumatawang sabi nya.



"Mabuti na yung nagkakaliwanagan tayo." seryosong sabi ni Ivan. Pinisil ko naman ang ilong nya dahil masyado syang seryoso. "Ouch! Para saan yon?!" inis na sabi nya sabay haplos sa ilong nyang pinisil ko.



"Ang seryoso mo kasi eh!"


"Tsk! Sa susunod na maglalambingan kayo. Pwede ba sa hindi ko makikita? Konting respeto naman sa puso ko. Ilang ulit nyo ng pinatay eh!" nakangising sabi ni Vhan sabay talikod at naglakad na palayo sa amin. Kinalas naman ni Ivan ang pagkakahapit nya sa bewang ko at tumakbo para sundan si Vhan.


"Ivan!" shit! Anu bang binabalak nya?



---
❤Vhan Pov❤

Damn! Tanggap ko na eh! Pero ang sakit pa din! Hindi ko pala kaya na makita silang naglalambingan. Tinungga ko ang alak na nasa kopita ko. Mas gusto ko pang magkulong dito sa kwarto ko kesa ang makita silang dalawa.


Tok! Tok! Tok!


"Pasok! Bukas yan!" sigaw ko dahil tinatamad akong tumayo para pagbuksan ng pinto ang kung sino mang kumakatok na yun.



"Vhan....." napalingon ako ng marinig ko ang boses ng lalaki na yun. Para ko din naririnig ang sarili kong tinig.



"Ivan." sagot ko. Lumapit sya sakin at naupo sa tabi ko.



"Thank you bro. Dahil nagparaya ka. Salamat dahil hindi mo na aagawin si Steph sa akin." seryosong sabi nya.



"Kahit naman gawin ko ang lahat para agawin sya. Hindi rin naman ako magtatagumpay. Mahal na mahal ka nya. Anung laban ko don?"



"Wag kang mag alala. Makakakita ka din ng babaeng para sayo." sabi nya sabay tapik sa balikat ko. Makakakita pa kaya ako? Kung sa mga mata ko. Wala ng ibang perpektong babae para sakin kundi si Stephanie lang?



"Ingatan mo si Steph. Yun lang ang hihilingin ko sayo. Sana wag mo syang sasaktan. Kung meron ka man kasalanan na ginagawa sa likod nya. Sana tigilan mo na. O kaya iwasan mo na. Ayokong masaktan si Steph." nakita kong natigilan sya dahil sa sinabi ko.


"Huwag kang mag alala. Hindi ko sasabihin kay Steph. Sana lang habang maaga pa. Masolusyunan mo na yan."



"Thanks bro. Wag kang mag alala. Gagawin ko ang lahat makaiwas lang ako."



"Meron akong request sayo." tinitigan nya ako gamit ang nagtataka nyang mata.



"Anu yun?" tanong nya.



"Paki suntok naman ako. Kahit ilan pa."



"Hah? Seryoso kaba?" gulat na tanong nya. Tumango lang ako bilang tugon. Ngunit tumayo sya at nag umpisa ng maglakad. "Lasing kana Bro. Magpahinga kana."



"Kasalanan ko kung bakit nahihirapan ka ngayon." natigilan sya sa paglalakad at nilingon ako. "Si Eizelle. Nakipagsabwatan ako sakanya para paghiwalayin kayo ni Steph. At sa maniwala ka at sa hindi. Pinagsisisihan ko ang bagay na yun." Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nya at galit na lumapit sakin.


Sinuntok nya ako ngunit hindi ako lumaban. Bakit pa? Nararapat lang sakin ang suntok na yun. Kung tutuusin nga ay kulang pa yun bilang kabayaran sa kasalanan ko.


"Kapatid kita! Pero nagawa mo akong gaguhin!" hinihingal na sabi nya ng matapos nya akong pagsusuntukin.



"Patawad. Sobrang nilamon lang ako ng pagmamahal ko kay Steph kaya di ko na naisip kung tama paba o mali na ang ginagawa ko. Narealize ko lang na kung talagang mahal ko sya. Dapat ay maging masaya nalang ako kung saan sya sasaya. Kaya ngayon nasasaktan ako para sakanya. Dahil ako ang may kasalanan kung bakit sya masasaktan kapag nalaman nya ang namamagitan sa inyo ni Eizelle."



"You know what? Hindi ko na alam kung dapat paba kitang pagkatiwalaan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo. Nagawa mo kaming paglaruan gamit ang palad mo. Kaya hinding hindi mo na ako mapapaikot pa!"


Inaasahan ko ng magiging ganito ang reaksyon nya. Hindi ako umaasa na mapapatawad nya o nila ako. Basta gagawin ko ang lahat matulungan ko lang sila.



----
❤Ivan Pov❤

Fuck! Sa lahat ng tao sa mundo. Kapatid ko pa talaga ang tatraydor sakin! Paano kung bigla nalang nyang maisipan na sabihin kay Steph ang namamagitan samin ni Eizelle? Makakaya ko bang makita ang galit ng asawa ko? Kakayanin ko ba kapag napagdesisyon syang iwanan ako?


"Ivan! Dahan dahan naman!" rinig kong sigaw ni Steph. Dun ko lang narealize na nagmamaneho nga pala ako. At dahil sa mga naiisip ko ay napabilis ang pagmamaneho ko.



"Im sorry baby." sabi ko sabay hawak sa kamay nya gamit ang kanan kong kamay. Dinala ko ito sa labi ko upang hagkan. Mahal na mahal ko si Steph. Kaya mag iisip ako ng paraan para maayos ang gusot na nagawa ko.



"What's bothering you Ivan? Buhat ng umalis tayo sa bahay nyo parang wala kana sa sarili mo?" tanong nya. Hindi ko sya kayang sagutin. Dahil natatakot ako na baka masabi ko sakanya ang totoo.



"Im... Just tired baby... Dont mind me." tumango naman sya at hindi na muli pang nagtanong hanggang sa makarating na kami sa bahay.



Nakatitig lang ako kay Steph habang inaayos ang higaan namin. Kailangan maayos ko na ang problema ko kay Eizelle sa lalong madaling panahon. Kung hindi sya makukuha sa matinong pakiusapan. Pwede kong kalimutan na babae sya at gamitan ng dahas.


Lumapit ako kay Steph at niyakap sya. Para sa asawa ko. Lahat gagawin ko. Wag lang masira ang pagsasama namin.


"Ivan. Pumunta kana nga sa banyo at mag palit ng damit." sita nya sakin sabay tampal sa kamay kong nakayakap sakanya.



"I love you Stephanie. Maraming marami." naramdaman ko naman na natigilan sya dahil sa sinabi ko.



"Mahal na mahal din kita Ivan. Higit pa sa sobra."



Nakakabakla man sabihin. Pero naiyak ako dahil sa sinabi nya. Alam ko hindi yun ang unang beses na narinig ko mula sakanya na mahal nya ako. Nagagalit ako sa sarili ko dahil nagawa kong saktan at lokohin ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.....









MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon