50

19.1K 465 49
                                    

[A/N : FIVE CHAPTERS NALANG AT TAPOS NA ANG MARRYING A HEARTLESS. MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. SANA SUPORTAHAN NYO RIN ANG IBANG STORIES KO AT ANG MGA STORIES NA GAGAWIN KO PA ^_^ PARA SA INYONG LAHAT ANG CHAPTER NA TO.. ENJOY READING!!!]


____
❤Chapter 50❤

Nang makita kong nakapasok na sa loob si Ivan ay dali dali akong bumaba sa sasakyan ko at sinundan sya. Akala ko ay makakapasok din ako sa loob ngunit nasa gate palang ako ay may humarang na sakin.


"Sorry Mam. Pero hindi po kayo pwede sa loob." pagsita sakin ng guwardya.


"Yung asawa ko lang ang pwede?!" sarkastikong sabi ko. Nakita ko naman na napakanot ang noo nya. "Yung lalaking pumasok dito. Asawa ko yun. Nauna lang sya sakin dahil may binalikan pa ako sa sasakyan." pagsisinungaling ko.


"Ah ganun po ba. Sige po. Pasok na kayo."


"Salamat."


Wala na akong sinayang na sandali at naglakad na papasok. Ngunit nasa may tarangkahan palang ako ay kaagad na akong nakarinig ng sigawan.


"IBALIK NYO ANG ANAK KO!" rinig kong sigaw ng babae. Kahit matagal ko nang hindi naririnig ang boses nya ay kilalang kilala ko parin kung sino ang nagmamay ari nun.

Eizelle?


"Eizelle! Please stop that!" rinig kong sigaw ng asawa ko.

Realization hits me. Ivan lied to me again. Sinabi nya na hindi nya alam kung nasaan si Eizelle kahit na ang totoo ay alam nya.


Bakit Ivan? Bakit ka nagsinungaling sakin?


Pinilit kong pigilan ang mga luha ko ngunit habang pinupunasan ko ay mas lalo lamang itong parang gripo na ayaw tumigil kung kaya hinayaan ko nalang na maglandas sila sa mukha ko.



"YUNG ANAK KO! NASAAN YUNG ANAK KO?!" bakas ang panggigil sa tinig ni Eizelle.


Anak? May anak sila?

Bago pa ako lamunin ng mga katanungan sa utak ko ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

Nakakailang hakbang pa lamang ako ngunit tila na ako napako sa kinatatayuan ko. Seeing my husband hugging another girl. Torn my heart into million pieces.


Bakit nya kailangan yakapin si Eizelle? Anu bang meron sakanilang dalawa? Anung anak ba ang tinutukoy nya? Ibig bang sabihin ay nagbunga ang kataksilan nila?


Oh Ghad.. Please.. No...


"I-Ivan." nauutal na tawa ko sa pangalan nya. Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nya ng makita nya ako. Napabitaw sya sa pagkakayakap kay Eizelle at patakbong lumapit sakin.


"Baby. Let me explain please?" puno ng pagsusumamo na sabi nya habang nakahawak ang dalawang palad nya sa pisngi ko.



"Why Ivan? Why?" umiiyak na sabi ko. "Mahal na mahal kita pero bakit palagi mong pinipili na saktan ako? Kulang paba ang pagmamahal na binibigay ko sayo? Sabihin mo sakin. Kulang paba hah?!" puno ng hinanakit na sabi ko.


"I trust you Ivan. I trust your words that you will never gonna hurt me again. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo nanaman ako." pagpapatuloy ko.



"Baby. Mali ka ng iniisip." sabi ni Ivan habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata ko. "Wala kaming relasyon dalawa. Nandito ako dahil kailangan nya ako."



MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon