10

26.3K 576 4
                                    

❤Chapter 10❤

Masakit ang ulo ko ng idilat ko ang mata ko. Doon ko lang napansin ang lalaki na nakaupo sa may gilid ng kama ko.

"Anung ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"Nasabi sakin ni Eizelle na may sakit ka daw." puno ng pag aalala na sabi nya. "Halika bumangon ka at susubuan kita." at inalalayan na nya akong makaupo.

"Salamat." tipid na ngiti na sabi ko. "Hindi ba may pasok ka? Bakit ka nandito. Okey lang naman ako eh".

"Mas importante ka Steph kesa sa aralin na ituturo sa eskwelahan." puno ng sinseridad na sabi nya

"Pero Vhan. Nag usap na tayo diba?" sabi ko sabay pigil ko sa kamay nyang may hawak ng kutsara at susubuan ako.

"Kahit ngayon lang Steph. Wala naman si Ivan dito para alagaan ka kaya ako nalang. Please? Hayaan mo naman ako."

"Okey sige. Pero sana ito na ang huli. Ayoko ng masaktan ka Vhan."


"Okey sige. Last na ito Steph."

Nakakadalawang beses palang akong nasusubuan ni Vhan ng marahas na bumukas ang pinto at iniluwa ang galit na mukha ni Ivan.

"MAY SAKIT KANA PERO NAGAGAWA MO PA DIN MAKIPAGLANDIAN!"

Bumangon ako para lapitan sya at magpaliwanag ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay kaagad na akong bumagsak.

"Ivan! Tingnan mo ang ginawa mo! May sakit na nga ang asawa mo pero nagagawa mo pang sigawan!" rinig kong sabi ni Vhan habang inaalalayan akong makatayo.

"May sakit? Eh maglalandian pa nga kayo pagkatapos diba?" sabi nya at tumalikod na palabas. Halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagsara nito.

"Vhan. Hindi talaga maganda na nakikita tayo ng kapatid mo na magkasama. Kahit sinong makakita sa atin ay mag iisip ng hindi maganda lalo na at nandito ka sa kwarto ko. Dalawa lang tayo. Tsaka babae ako at lalaki ka."

"Bakit? Wala naman tayong ginagawang masama diba?"

"Baka nakalimutan mong nahuli tayong naghahalikan ni Ivan. Syempre iniisip na nya na madalas natin ginagawa yun. Kagaya ngayon. Dalawa lang tayo dito sa kwarto ko."

"Okey sige. Aalis na ako. Basta kapag kailangan mo ako. Tawagan mo lang ako kaagad." sabi nya sabay dinampian ako ng halik sa noo.

Matagal ng nakaalis si Vhan ngunit nanatili lang akong nakatulala sa pintuan.

Dumating si Ivan. Ibig bang sabihin nun. Nag aalala rin sya sakin? Kung hindi ba nya naabutan si Vhan. Aalagaan nya ba ako? Hay. Sana hindi nalang dumating si Vhan para nalaman ko kung ano ang gagawin ni Ivan.

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon