6

26K 638 9
                                    

❤Chapter 6❤

Nanginginig ang katawan ko ng umahon sa may pool. Pero hindi ko yun ininda. Dahil mas natuon ang atensyon ko sa ginawa ni Vhan at ang pagtulak samin ni Ivan. Akala ko ba nasa hotel sya? Bakit nandito sya?

"Vhan! Bakit mo ako hinalikan? Alam mo naman na asawa ako ng kapatid mo. Galit na nga sya sakin. Mas lalo mo pang dinagdagan." inis na sabi ko kay Vhan na nakaahon nadin sa tubig.


"Im sorry Steph. Hindi ko lang kasi napigilan eh. Mahal na mahal kita. Alam mo naman yun diba?" malungkot na sabi ni Vhan.


"Vhan. Ayoko sanang gawin to. Pero sa palagay ko. Mas makabubuti sa lahat kung iiwasan muna kita. Makikipag usap lang ako sayo kapag wala ka ng nararamdaman para sakin. Kaibigan kita at masakit para sakin na gawin ito. Pero hindi ko kakayanin na mas lalong mamuhi sakin si Ivan. Kaya please lang Vhan. Kung pinapahalagahan mo talaga ako. Sundin mo nalang kung ano ang makakabuti sakin." sabi ko at iniwan ko na sya. Alam ko sa mga sandaling ito. Triple na ang galit sakin ni Ivan. Asawa ko sya tapos mahuhuli nya ako na may kahalikan na iba. Kahit na hindi naman ako tumugon sa halik na yun. Yun padin ang na aktuhan nya.


Pagpasok ko sa loob ng bahay. Nakita ko si Ivan na nasa bar counter. Sunod sunod ang paglagok na ginawa nya habang nakakuyom ang isang kamao. Nagdadalawang isip ako kung dapat na akong lumapit sakanya at magpaliwanag. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko bago napagdesisyunang lumapit sakanya.


"Ivan. Walang ibig sabihin ang nakita mo. Si—


"Save your thoughts fucking bitch. Dahil wala akong pakielam kung ano man ang ginagawa nyo ng kakambal ko." tumayo sya at lumapit sakin. "Kung iniisip mong maakit mo ako dahil sa ayos mo na yan. Nagkakamali ka. Dahil hindi ako kumakain ng tira ng iba." sabi nya sabay tulak sakin.


"Bakit? Yung mga babae ba na ginagamit mo hindi ba sila tira tira ng iba hah!?" di ko na napigilan ang pagtaasan sya ng boses dahil sa hinanakit ko sakanya. At ano daw ako? Tira tira ng iba?



"Lahat sila birhen ng nakuha ko. Kaya mas malinis pa sila kesa sayo." tila patalim na humiwa sa puso ko ang salitang binitiwan nya. Tang ina lang! Ganoon ba talaga ako kadumi sa paningin nya.


"Hayup ka Ivan! Buong buhay ko ikaw lang ang nag iisang lalaki na minahal ko! Tapos kung pagsalitaan mo ako para akong isang puta na pinagsawaan na! Kailan mo ba makikita na hindi ako kagaya ng mga iniisip mo sakin. Hindi paba sapat noon na lumuhod ako sa harapan mo para lang mapatunayan na ganoon kita kagustong makasama." hindi ko na napigilan ang luha kong sunod sunod na tumulo. Ayoko man umiyak sa harapan nya ngunit hindi ko na ito napigilan.


"Gusto mo akong makasama para bigyan buhay ang pagpapantasya mo sa katawan ko. Bakit? Hindi kaba napapaligaya ng todo ng kapatid ko. At gusto mong ako ang kumamot sayo?!" puno ng pang iinsultong sabi nya.


Dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ko. Hindi na ako nagdalawang isip na sampalin sya.


"Damn you Ivan! Kahit minsan walang nangyari samin ng kapatid mo!" sabi ko sabay takbo paakyat sa hagdanan.

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon