13

25.2K 596 22
                                    

❤Chapter 13❤

Kinabukasan. Kahit masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon. Papasok nalang ako sa eskwelahan kesa maburo dito sa bahay. Mas lalo lang sumasama ang pakiramdam ko kapag nandito ako.

Nagpunta kaagad ako sa banyo para maligo. Sigurado ako sa mga oras ka to. Nakaalis na si Ivan. Hindi naman nya talaga ako sinasabayan sa pagkain. Pati sa pagpasok sa eskwelahan. Kasi nga nandidiri sya sakin.

Nang makapag bihis ako at makapag ayos. Lumbas na ako para kumain ng almusal. Medyo nahihilo padin ako at sumasakit ang ulo pero pipilitin kong makapunta sa eskwelahan.

Pagdating ko sa may dining table. Naagaw ng isang pink na stick note ang atensyon ko. Kinuha ko ito para basahin.

Drink this.

Yun ang nakasulat at dun ko nakita ang isang banig ng paracetamol. Kahit yun lang ang nakalagay na note ay hindi ko padin mapigilan ang mapangiti. Masaya ako sa maliit na bagay na ginawa ni Ivan. Para sakin ay napaka laki na nito. Kumain na ako para mainom ko na kaagad ang gamot.

Pagdating ko sa eskwelahan. Malayo palang ako ay natanaw ko na kaagad si Eizelle. Nakita nya rin ako kung kaya patakbo syang lumapit sakin.

"Grabe! Akala ko patay kana." sabi nya sabay yakap sakin. "Teka. Mainit kapa ah? Bakit ka pumasok?" nag aalalang tanong nya.

"Okey lang ako. Feeling ko kasi kapag nasa bahay ako. Mas lalo lang akong magkakasakit eh." pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit na ang totoo ay umiikot na ang paningin ko.

"Basta sabihin mo lang kapag hindi mo na kaya hah? Para madala kita kaagad sa clinic."

"Okey." tipid na sagot ko.


Inalalayan ako ni Eizelle na maglakad papunta sa room namin. Ngunit napahinto ako sa paglakad ng makita ko si Ivan na may kaakbay na babae.

Hindi ito ang una. At hindi din ito ang pangalawang pagkakataon na nakita ko syang may kasamang iba. Habang tumatagal mas nasasaktan ako. Dahil kahit puro kagaspangan ang pinapakita sakin ni Ivan. Sa bawat araw na nagdadaan. Mas lalo ko pa syang minamahal.

Biglang nanikip ang dibdib ko. Umikot ang paningin ko. Tila nililindol ang buong sistema ko. Hanggang sa naramdaman ko ang pamimigat na mata ko. Ngunit bago ako tuluyan lamunin ng kadiliman. Narinig ko ang pagtawag ni Eizelle sakin. At si Ivan na iniwan ang babaeng kasama nya at tumakbo palapit sa sa akin.

"Ivan." tawag ko sa pangalan nya. Kasabay nito ang pagpikit ng aking mga mata.

***
❤IVAN POV❤

Inis ang naramdaman ko kay Stephanie ng makita ko sya sa eskwelahan. Bakit pa sya pumasok gayong may sakit sya.

"Hey babe. Are you listening?" tanong sakin ng babaeng kasama.

Sino na nga ba to? Si Helga o Hilda. Argh! Hindi ko alam ang pangalan nya.

"Ahm. Im sorry? What is it again?" sagot ko pero nanatili ang mga mata ko kay Stephanie habang naglalakad kasama si Eizelle.

Nakita kong napatingin sya sa pwesto ko at natigilan. Alam kong nakita nya ang babaeng kaakbay ko. Hindi ko alam kung totoo bang mahal nya ako. O sadyang pinapantasya nya lang ako.

Napansin ko ang unti unting pagbagsak ni Steph kung kaya iniwanan ko ang babaeng kasama ko. Patakbo akong nagpunta sa pwesto nya. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit sakanya. Ay may nauna na sakin.

"Ako ng bahala sakanya Bro. Balikan mo na ang babae mo." sabi ni Vhan sakin. Sabay buhat kay Stephanie. Naiiyak lang si Eizelle habang nakasunod kay Vhan na nagmamadaling dalhin si Steph sa may clinic. Hindi ko mapigilan ang mapamura.

Ayokong mag alala para sakanya. Pero fuck! Nag aalala talaga ako. Kung kaya sumunod ako sakanila.

Pagdating ko doon ay natigilan ako ng marinig ko ang sinabi ni Vhan sa doktor.

"Doc. Pakitingin naman po itong asawa ko. Bigla nalang po kasi syang nawalan ng malay." rinig kong sabi ni Vhan. Napaatras nalang ako ng marinig ko ang sinabi nya.


ASAWA? KAILAN PA NYA NAGING ASAWA ANG ASAWA KO?!




MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon