35

17.6K 381 52
                                    

❤Chapter 35❤

HERE AT SINGAPORE.. SPENDING TIME WITH HIM ❤❤❤

Yan ang bumungad sakin pag log in ko sa facebook ko. Dahil sa sobrang inip ko dito kung kaya nag online ako. Nagcomment naman ako sa post ni Eizelle.


Me : Enjoy! 😂😁

Pagka click ko nito ay bigla nalang may nag pop na message galing sakanya. Picture ito kasama yung boyfriend nya pero hindi ko makita ang itsura dahil nakatalikod ito. Parang stolen shot nga lang eh.


Pero sa di malaman na dahilan bigla nalang sumikdo ang kaba sa dibdib ko. Kahit di ko makita ang itsura ng lalaki. Sigurado ako. Ang asawa ko ang lalaking kasama nya! Si Ivan!


Dali dali akong nag chat sakanya.


Me : Zelle, si Ivan ba yang kasama mo?


Sya : Nope! Boyfriend ko yan :)


Hindi padin naaalis ng kaba sa dibdib ko at may parte sa utak ko na tumatangging maniwala sa sinagot nya.


Me : Nagsisinungaling ka.



Sya : Kung ayaw mong maniwala. Sige pumunta ka dito para maipakilala na kita sa boyfriend ko.


Magtatype na sana ako ng reply ko sakanya na bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Halos bumaligtad na din ang sikmura ko kung kaya dali dali akong nagpunta sa banyo. Pakiramdam ko ay naisuka ko na ang lahat ng nailaman ko sa tiyan ko buhat kahapon. Nanlalata akong nahiga sa kama. Hindi ko na magawang idilat ang mga mata ko dahil sa hilo na nararamdaman ko.



Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Ivan. Oo tama ang nabasa nyo. Si Ivan nga. Kinuha ko ang number nya kay Lucas kagabi. Ngunit ganun nalang ang pagkabigo na naramdaman ko ng hindi ko ito makontak. Tama kaya ang binigay na number sakin ni Lucas?


Kahit nahihilo ako ay pinilit kong makababa para tingnan kung tama ba ang naitype kong number ni Ivan. Hilam kasi sa luha ang mga mata ko kagabi habang sinesave ito sa phonebook ko.


Pababa palang ako sa hagdanan ay sumalubong na kaagad sakin ang kakaibang amoy. Shit! Anu ba yun? Dali dali akong nagpunta sa kusina at naabutan ko doon si Lucas na nagluluto ng tuyo?



"Lucas! Alisin mo nga yan! Ang baho eh!" inis na sabi ko. Magsasalita pa sana ako ulit ng bigla akong masuka kung kaya napatakbo ako sa may sink at doon ibinuhos ang laman ng sikmura ko.



"Mam! Okey lang po ba kayo? Mabaho po ba talaga? Pasensya napo! Eto po at itatapon ko. Ay! Sayang! Kakainin ko nalang po ito sa labas para di nyo maamoy." pagkasabi ni Lucas nun ay kaagad syang lumabas habang may dala ng pinggan may kanin at tuyo.



Ang weird. Dati ko naman nadadatnan na nag piprito si Lucas nun. Yun kasi ang paborito nyang ulam. Ngayon lang ako nagkaganito.


Pumanhik ako sa kwarto ko para maligo. Pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko ngayon. Parang tamad na tamad akong kumilos at ang gusto ko lang ay matulog maghapon.


Nang makaligo ako ng napadako ang mata ko sa cellphone ko. Tatawagan ko ulit si Ivan. Ngunit gaya nang nauna. Bigo padin ako dahil nakapatay ito. Humiga ako kahit basa pa ang buhok ko. Biglang may pumasok na imahe ng prutas sa isip ko. Bigla nalang akong naglaway. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at dinial ko ang number ni Vhan.


"Vhan.." napakagat labi ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naiiyak ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ang nais ko.



[Oh Steph? Napatawag ka? May problema kaba?]


"Vhan..." napaiyak na ako. Hindi ko naman alam kung para saan ba ang pagluha ko. Basta bigla nalang silang tumulo sa mata ko.



[Shit! Steph! Umiiyak kaba? Sandali pupuntahan kita.] ramdam ko ang pag aalala ni Vhan para sakin.



"Pwede mo ba akong bilhan ng kaimnito?" tanong ko sakanya.



[Huh? Anu yung sinabi mo?]


"Gusto ko ng Kaimnito Vhan." napabuntong hininga sya ng marinig ang sinabi ko.



[Hay. Akala ko naman kung napano kana. Sige bibilhan kita.]


Napangiti ako matapos kong makausap si Vhan. Maisip ko palang na kakain ako ng kaimnito. Sobrang naglalaway na ako..


___
VHAN POV

Nagtataka man ay kaagad akong nagpunta sa palengke kung saan ko matatagpuan ang pinapabili ni Steph. Anu ba kasing pumasok sa utak nya at napakaaga ay gustong kumain ng kaimnito.


Baka mag i stress eating.. Sagot ng bahagi ng utak ko.


Nang makakita ako nito ay wala na akong sinayang pang sandali at bumili ako ng dalawang kilo. Bahala na kung masyado ba yung marami. Basta para kay Steph. Ibibigay ko.



Kabababa ko palang sa sasakyan ko ay sinalubong na kaagad ako ni Steph. Halos magliwanag ang mga mata nya ng makita ang supot na hawak ko.



"Kyahhh! Vhan! The best ka talaga." halos napatalon pa sya at napayakap sakin.



Kung the best ako Steph. Bakit hindi mo ako nagawang mahalin? piping tanong ko.



"Halika na. Pumasok na tayo sa loob para makain mo na itong pinabili mo." yaya ko sakanya.



"Mabuti pa nga!" masayang sabi nya sabay kapit sa braso ko. Natigilan ako dahil sa ginawa nya. Pakiramdam ko ay asawa ko sya na sabik sa pagdating ko. Napailing nalang ako. Handa na akong pakawalan si Stephanie. Pero bakit ngayon parang nagdadalawang isip na ako. Gusto ko syang kunin sa kapatid ko kahit alam kong ito ang mahal nya.



Napangiwi ako habang tinitingnan ko si Steph na kinakain ang kaimnito habang sinasawsaw sa ketchup. Hindi ko maimagine kung ano ba ang lasa nun. Siguro ay masarap base sa reaksyon ni Stephanie. Halos maubos na nga nya ang binili kong kaimnito.



"Vhan. Gusto mo?" alok nya sakin. Mabilis naman akong umiling.



"No thanks. Busog pa ako." sabi ko habang nakatingin sa kaimnitong hawak nya na naging pula na dahil sa pagsawsaw nya sa ketchup. Napalunok nalang ako.


Bigla naman akong napatingin sakanya ng may tumulong tubig galing sa pisngi nya. Shit! Bakit sya umiiyak?


"Steph? Bakit ka umiiyak?" tanong ko at tumayo ako para lumipat sa tabi nya.



"Kasi. Ayaw mong kainin tong binibigay ko eh. Masarap naman." humihikbing sabi nya. Juice colored! Yun lang pala ang iniiyak nya. Akala ko naman ay may masakit na sya.



Wala akong nagawa kundi ang kuhanin ang kaimnitong hawak nya at pikit mata itong kinain. Halos masuka ako sa lasa ngunit tiniis ko nalang dahil ayokong umiyak nanaman sya.


Bigla akong natigilan at napatingin sa mukha nya. Ang weird na kinikilos nya. Pati na din ang weird na pagkain nya. Posible kayang?..


"Steph.."



"Hmmm.." ungol nya dahil may kasalukuyan syang kumakain ng kaimnitong may ketchup.











"Buntis kaba?"


MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon