51

20.6K 460 29
                                    

[A/N : HAPPY 104K READS! PARA SA INYONG LAHAT TO!]

ENJOY READING!

____
❤Chapter 51❤

Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakayakap sakin ng maliit na braso ni Tyler. Narinig ko din ang mahina nyang paghikbi. Isa isa rin naglabasan mula sa pinagtataguan nila si Daddy at Mommy. Kasama si Tito Vanessa at Tito Giovanni. Nandun din sila Vhan, Theo at Eliana.

"Sorry sa inasal ng anak ko Stephanie." sabi ni Tita Vanessa sa akin.

"Okey lang po yun Tita. Naiintindihan ko naman po si Ivan. Siguro po nabigla lang talaga sya." malungkot na sagot ko.

"Theo. Paki kuha naman si Tyler. Aayusin ko lang to." nang akmang kukunin na ni Theo si Tyler mula sakin ay bigla na lamang may kumuha kay Tyler. Ganun nalang ang gulat namin ng makita si Ivan na hingal na hingal.

"Im sorry baby. Im sorry." umiiyak na sabi ni Ivan habang nakayakap dito.

"Akala ko po ayaw nyo sakin." humihikbing sabi ni Tyler.

"Anak kita. Kaya paano kitang aayawan?" nakita ko ang lahat nang kasama namin na naroon ay nakatingin sa mag ama. Si Mommy at Tita Vanessa ay parehas na nagpupunas ng luha. "Nabigla lang si Daddy kaya sya umalis. Ikaw ang pinaka magandang regalo na natanggap ko ngayong birthday ko."

"Happy birthday po uyet daddy. Ayab yu." sabi ni Tyler sabay kiss kay Ivan.

Lumapit si Ivan sakin habang karga nya si Tyler. "Madami kang kailangan ipaliwanag sakin Mrs. Quijano." bulong ni Ivan sakin.

"Oh siya. Tutal ay nandito na ang may birthday. Simulan na natin ang party nya." tumatawang sabi ni Tito Giovanni.

Nagpunta kami sa kanya kanyang lamesa. Si Vhan ay sumama sa parents namin dahil wala syang partner. Habang si Theo naman ay kasama sa isang table si Eliana.

"Kahit may tampo ako sayo. Gusto ko padin mag thank you. Ito talaga ang pinaka masaya at pinaka magandang naging birthday ko." inilapit ni Ivan ang mukha nya sakin at inilapat ang labi nya sa labi ko.

"Hoy! SPG yan! Mahiya naman kayo sa anak nyo." sigaw ni Theo. Nakita kong tinapunan sya ng masamang tingin ni Ivan. Oo nga pala. Di ko pa nasasabi sakanya na magpinsan kami.

"Tss. Pakielamero." bulong ni Ivan. Ngunit di nakaligtas sa pandinig ko.


___
❤VHAN POV❤

Kahit nasasaktan ako habang nakatingin kay Stephanie at Ivan ay masaya padin ako. Sa wakas natapos na ang problema nilang dalawa. Bonus pa na buhay ang anak nila.

Hindi ko alam kung darating paba ang araw na hindi na ako masasaktan sa tuwing makikita ko sila. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko mamahalin si Stephanie. Masakit kasi mahal na mahal ko sya. Pero mahal na mahal naman nya ang kapatid ko.

Isinuko ko ang pakikipaglaban para makuha sya. Hindi dahil sa naduwag ako. Kundi mas gugustuhin ko pang masaktan ako kesa sya ang masaktan. Mas higit ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing masasaktan sya.

Napaka swerte ng kapatid ko at sya ang minahal ni Stephanie. Pero hindi ko din naman maiwasan na hilingin. Na sana ako nalang ang minahal nya.

"Tito Vhan! Tito Vhan!" how i wish na sana Daddy ang tawag mo sakin.

"Yes baby?" kinuha ko sya at inilagay sa kandungan ko.

"Bakit po magkamukha kayo ni Daddy?" tanong nya.

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon