24

23.6K 475 20
                                    

[A/N : HAPPY 7.19K READS. RANK #24 NA PO ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION. THANK YOU SA INYO!]

ENJOY READING!

***

❤Chapter 24❤

❤VHAN POV❤

"Bakit mo hinayaan na magkasundo silang dalawa?!" inis na sabi ko sa babaeng nakakakandong sakin.


"Sinubukan kong ipilit ka sakanya pero ayaw nya talaga. Dont worry honey, makukuha din natin ang dapat na sa atin. Hindi man ngayon. Soon." nakangiting sabi nya sabay siniil ako ng halik sa labi.


Hindi ko alam kung anung meron sa babaeng to. Sabi nya kapatid ko ang mahal nya kaya nakipag sundo ako sakanya na tulungan akong paghiwalayin si Steph at si Ivan. Pero heto sya. Halos sa tuwing nagkikita kami nakikipag sex sya sakin. Adik lang.


Tama sya. Hindi dapat ako mainip. Makukuha din kita Steph. Maghintay ka lang.



Kinabukasan ay meron akong hindi inaasahang bisita. Napangisi nalang ako dahil kahit hindi pa sya nagsasalita ay alam ko na kung ano ang ipinunta nya dito.


"Goodmorning my twin brother." akmang yayakapin ko na sya pero sinuntok nya kaagad ako sa mukha.



"Tigilan mo na si Steph, Vhan. Alam ko na lahat ng kasinungalingan mo! Mula sa pagpapanggap mo na sayo ang mga cake at bulaklak na ibinibigay ni Steph na para naman talaga sakin hanggang sa pagsisinungaling mo na may nangyayari sa inyong dalawa. Hindi ka mamahalin ni Steph! Dahil simula palang ako na ang mahal nya!" nakaramdam ako ng galit dahil sa sinabi nya ngunit pinili kong ngisihan sya para mas lalo syang mainis.



"So? Anu ngayon kung ikaw ang mahal nya? Anu ngayon kung para sayo nga ang mga yun? Kahit isang butil lang ng mga cake na yun. Wala kang natikman." nakita ko ang pagkuyom ng kamao nya. Akmang susuntukin nanaman nya ako ngunit naunahan ko na sya.



"Hinding hindi mo makukuha si Steph sakin. Tandaan mo yan!" nag aapoy na sa galit ang mga mata ni Ivan na nakatingin sakin.



"Ito din ang pakatandaan mo. Kukunin ko si Steph mula sayo sa kahit na anong paraan. At hinding hindi mo ako mapipigilan!"pagkatapos kong sabihin yun ay iniwanan ko ang galit na galit na si Ivan sa may garden. Ngunit bago ako tuluyan makalayo sakanya ay nagsalita syang muli.


"Subukan mo at nang magkalimutan na tayo bilang magkapatid."



"Matagal ko ng kinalimutan na may kapatid ako, buhat ng sya ang mahalin ng babaeng mahal ko."



❤IVAN POV❤

Nandito na ako sa loob ng sasakyan pero hindi pa din nawawala ang galit na nararamdaman ko. Ganun ba talaga katindi ang nararamdaman nya para sa asawa ko. Natigilan lang ako sa pag iisip ng biglang magring ang cellphone ko. Si Steph ang tumatawag. Napangiti ako dahil nagiging clingy na sya.



[Ivan. Nasaan kaba? Nagising ako wala kana sa tabi ko.] kahit di ko nakikita sigurado akong naka nguso nanaman sya.


"Baby. Pauwi na ako. May inasikaso lang ako."


[Inasikaso? Baka babae yan hah?!.] napahalakhak ako dahil sa sinabi nya. Ngayon ko lang nalaman na may pagka selosa pala si Steph. Anu kaya ang nararamdaman nya noon sa tuwing may kasama akong iba. Ghad! Nasaktan ko ang babaeng minamahal ko.


"Wag kang mag alala ikaw lang ang nag iisang babae sa buhay ko."



[Yiii! Siguraduhin mo lang! Kundi. Kundi. Argh! Aixt! Bakit ganun? Kahit anung gawin mo. Mahal padin kita eh! Hmpf! Bahala kana kung mambababae ka. Basta importante sakin ka uuwi.]


"Pinapamigay mo ako?"


[Oi! Mahal yung load. Umuwi kana at dito tayo mag usap. Babye! I love you Ivan Tyler Quijano.]


"I love you too Mrs. Stephanie Ferez-Quijano."


Napakasarap talaga sa pakiramdam kapag nasasabi mo ang tunay mong nararamdaman.




❤STEPHANIE POV❤

Yiii! Kung nakakamatay lang ang sobrang kilig baka kanina pa ako humandusay dito. Ekeshe nemen eh! Mehel nye ren eke! Aixt! Anu ba yan naging alien na yata ako.


Napatayo kaagad ako ng marinig ko ang sasakyan ni Ivan. Sinalubong ko kaagad sya ng yakap at halik. Napangiti sya dahil sa ginawa ko.



"Namiss mo talaga ako hah?"


"Oo. Sobra. Kaya wag kang aalis kapag tulog pa ako. Baka mabaliw na ako." nakangiting sagot ko.



"Bakit noon? Umaalis ako kahit naman tulog ka."



"Noon yun nung di mo pa ako mahal. Iba na ngayon. Mahal mo na ako. Kaya natatakot akong kapag umalis ka. Di mo na ako balikan."


"Mahal nga kita diba? Paanong di kita babalikan." nakakunot noong sabi nya



"Ihh! Malay ko ba kung nadagit kana."


"Nadagit? Ano ako? Kalapati?"


"Hindi. Pero ikaw si Ivan Tyler Quijano. Ang dakilang playboy."


"Noon yun. Nung hindi ko pa maamin sa sarili kong mahal kita. Pero ngayon na tanggap ko ng mahal talaga kita. Wala na akong ibang babaeng gustong makasama kundi ikaw lang Steph." sabi nya sabay halik sa akin sa may labi. Dampi lang pero napatigil nya ang pag ikot ng mundo ko. Ganito pala talaga kapag mahal mo ang hahalik sayo.


Napahinto kami ng may isang sasakyan na dumating. Ang parents ko. Kasama ang parents ni Ivan.


"Sorry. Wrong timing yata ang punta namin dito." nakangiting sabi ni Daddy.


"Hindi naman po." sagot ni Ivan sabay kamot sa batok nya.


"O siya.Tara na sa loob." nakangiting sabi ni Mommy.


Nakaakbay naman si Ivan habang naglalakad kami papasok sa loob. Pagdating namin sa loob ay dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng cake at juice. Buti nalang mahilig akong mag stock ng pagkain sa ref.


Paglabas ko ay naabutan kong nagtatawanan sila kasama si Ivan. Inilapag ko ang tray na may lamang pagkain.


Umupo ako sa tabi ni Ivan. Nakangiti silang nakatingin samin dalawa.


"Hindi namin inakala na magkakasundo kayong dalawa." sabi ng mommy ni Ivan na si Tita Vanessa.


"Wala paba kaming apo hah? Aba! Naiinip na kami. Nakikita nyo naman. Di na kami bumabata." sabi naman ni Daddy na naging dahilan para masamid ako. Si Daddy talaga. Tinaon pa na umiinom ako ng juice. Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Ivan sa may likod ko. Kaya napatingin ako sakanya. Nginitian nya ako sabay tumikhim para ibalik ang tingin sa parents namin.


"Wag po kayong mag alala. Hindi magtatagal at makikita nyo na din ang mga apo nyo. Sisiguraduhin kong three points lagi." sabi nya sabay kindat sakin.



Kinurot ko sya sa may tagiliran dahil sa sinabi nya sa magulang namin. Hindi na sya nahiya.



"Aray naman baby! Ang sakit mo naman manchansing!"



"Ivan!" inis na sabi ko. Paano nakatitig nalang samin ang mga parents namin. Para tuloy kaming isang palabas sa tv na pinapanood nila.


"Sige. Aalis na kami para naman makabuo na kayo ng baby. Next time nalang ulit kami pupunta dito." sabi ni Mommy sabay tayo.



Inihatid namin sila hanggang sa sasakyan nila. Humalik muna ako sa kanila bago tuluyan nagpaalam.


"Tara na?" yaya sakin ni Ivan kaya tumalikod ako papasok ng bahay. "Narinig mo naman yung sinabi nila diba? Gusto na nila ng apo. Kaya magsimula na tayo ngayon. Para makarami tayo." sabi nya sabay takbo palayo sakin.



"Ivan!" naiinis na sabi ko dahil narinig ko pa ang paghalakhak nya.



Hay! Hindi ko akalain na may pagka manyak pala ang lalaking noon pa man ay minahal ko na.








MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon