9

25K 638 5
                                    

❤Chapter 9❤

STEPH POV


Masakit na nga para sa akin na hindi ako mahal ni Ivan. Pero higit palang mas masakit yung yurakan nya ang pagkatao ko.



Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko noon para sakanya. Pagkatapos ng mahabang panahon na pagpapakatanga ko. Eto pa ang mapapala ko. Ang tawagin nyang isang marumi at tira ng iba?



Nakakadumi ba ng pagkatao ang labis na pagmamahal? Paano ako magiging tira ng iba. Eh sya lang ang nag iisang lalaki sa buhay ko na gusto kong pag alayan ng lahat lahat sa akin.



Pero kahit anung masasakit na salita pa ang sinabi sakin ni Ivan. Kahit isang porsiento lang hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko sakanya.



Nakatulog ako ng hilam sa luha ang mga mata. At durog na durog ang pusong dati ng wasak dahil kay Ivan.



Pag gising ko kinabukasan. Masama ang pakiramdam ko kung kaya pinili ko nalang ang huwag pumasok at manatili nalang sa bahay. Tinext ko nalang si Eizelle na hindi ako makakapasok.



Ipinikit ko ang mata ko dahil nakadama ako ng pagkahilo. Sinalat ko leeg ko at naramdaman ko ang mainit na singaw na nagmumula sa katawan ko.


Masyado na siguro akong na iistress kay Ivan. Kaya eto at nagkakasakit na ako.

***

❤IVAN POV❤



Kanina ko pa hinahanap si Steph. Alas nueve na wala padin sya. Mabuti nalang at napadaan ko ang kaibigan nya. Nag aalanganin akong magtanong sakanya pero nilakasan ko nalang ang loob ko.



"Ahm. Eizelle." tawag ko sakanya. Nakataas ang kilay nya ng lingunin ako.



"Bakit?" masungit na sabi nya. Alam kong ayaw sakin ni Eizelle para kay Stephanie. Ayaw ko din naman si Stephanie para sa sarili ko.



"Bakit di mo kasama si Steph?" tanong ko




"Himala at hinanap mo ang kaibigan ko. Magsaya kana dahil ilang oras lang malaya kana." naguluhan ako sa sinabi nya kaya di ko mapigilan magtanong



"Bakit? Magpafile naba sya ng annulment?" tanong ko




"Gago ka talaga eh no! Ilang oras nalang mamamatay na ang kaibigan ko! Kaya magsaya kana! At wag na wag kong makikita ang kahit isang luha na tutulo dyan sa mata mo sa burol nya! Dahi—" hindi ko na natapos ang sinasabi nya dahil sa kabang naramdaman ko. Patakbo akong nagpunta sa parking lot at mabilis na sumakay sa kotse ko.






Magpapakamatay ba si Steph? Dahil ba sakin? Oh please! Wag naman.

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon