40

21.5K 445 87
                                    

❤Chapter 40❤

Hindi ko mapigilan magalit sa sarili ko dahil sa mga nangyari. Nasa loob ng emergency room si Stephanie habang ang anak namin ay nakikipaglaban para wag mawala sa sinapupunan ng asawa ko. Isa akong napakalaking gago dahil hindi ko nagawang protektahan ang pamilya ko. Naging napakahina ko. Hindi ko nagawang magtiwala sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Totoo nga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi.

"Ivan. Im sorry. I didnt know." rinig kong sabi ni Eizelle habang nakaluhod at lumuluha. Tahimik lang ang kapatid ko habang nakayuko at lumuluha. Hindi ko din napigilan ang sarili ko dahil sa matinding galit na nararamdaman ko ay sinakal ko si Eizelle.

"Your sorry isnt enough Eizelle. Kung hindi ka nagplano na ipakita kay Stephanie ang lahat ng nangyari satin eh de sana hindi mapapahamak ang anak ko!"

"Ivan. Di ako makahinga.." rinig kong daing ni Eizelle.

"Yan din ang naramdaman ko ng makita ko ang asawa kong dinudugo. Manalangin kang makaligtas ang anak ko Eizelle. Dahil hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sayo."

"Bro. Tama na yan. Ipagdasal nalang natin na maging okey ang lahat." tumayo si Vhan at lumapit sa may pintuan ng emergency room.

"Ivan! Anak. What happened to your wife!" napalingon ako ng makita na humahangos si Mommy kasama si Daddy. Hindi ko na napigilan na lumuha dahil alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa asawa ko.

"Mom. This is all my fault. Hindi ako naging mabuting asawa kay Stephanie. At ngayon hindi ko na alam kung kamusta ba ang kalagayan ng anak namin."

"Anak? You mean. Buntis si Steph?!" tumango ako bilang tugon. Tinapik naman ni Daddy ang balikat ko na tila ba sinasabi na magiging ayos din ang lahat.

"Tinawagan mo naba si Stefan?"tanong ni Daddy sakin na ang tinutukoy ay ang Daddy ni Stephanie.

"Hindi pa po." sabay sabay kaming napalingon ng may mga yabag na papalapit sa amin.

"What happened to my daughter? Vhan called me. Kamusta sya?" sunod sunod na tanong ng Daddy ni Steph.

"Hindi pa po namin alam. Nasa loob pa po yung mga doktor at tinitingnan sya." sagot ko.

Halos takbuhin namin ang pintuan ng lumabas ang doktor. Abot abot ang dasal ko na sana ay okey lang ang mag ina ko. Please dear God. Kahit alam kong hindi ako naging mabuting tao at asawa sana naman po ay huwag ninyong hayaan na may masamang mangyari sakanila.

"How's my daughter?"

"Kamusta ang asawa ko?"

Halos magkasabay namin sabi ng Daddy ni Steph.

Tumikhim muna ang doktor bago nagsalita.

"The mother is safe. Im sorry but the baby didnt make it. Ililipat na namin sya sa private room nya. Excuse me."

Narinig ko ang pag iyak ni Tita Melanie. Ang mommy ni Steph. Maging ang Mommy ko ay umiiyak na din. Si Vhan naman ay sinipa ang inuupuan nya. Salamat dahil wala si Eizelle. Dahil baka sa oras na to naliligo na sya sa sarili nyang dugo.

Dala ng matinding galit ko ay pinagsusuntok ko ang pader. Kasalanan ko kung bakit nawala ang anak namin. Walang dapat sisihin kundi ako at ang makitid kong pag iisip.

____
STEPH POV

Nagising ako na puro puti ang nasa paligid ko. Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Tito Giovanni, kasama si Tita Vanessa ang Mommy at ang Daddy ko habang nakaupo sila sa may sofa sa. At ang taong isinusumpa ko. Si Ivan. Bigla nalang nabuhay ang galit sa puso ko.

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon