8

25.5K 602 34
                                    


❤Chapter 8❤

VHAN POV

Para akong baliw na nakangisi ng umahon ako sa pool nila. Mukhang hindi na ako mahihirapan na paghiwalayin sila dahil si Ivan na ang gumagawa ng paraan para si Steph naman ang magalit sakanya.

At ikaw Steph? Pagsisisihan mo na ipinagpalit ako kay Ivan. Ako dapat ang asawa mo! Ako dapat at hindi sya!

Habang naglalakad ako palabas sa bahay nila dahil nakaparada ang sasakyan ko sa may labas ng gate nila ay sinubukan ko pang lingunin ang bahay nila.

Isang araw Steph. Babagsak ka din sakin. bulong ko sabay ngisi.

Bata palang kami ng magustuhan ko si Steph. Pero napansin ko na kahit ako ang kalaro nya kay Ivan padin nakatuon ang atensyon nya. Nag iiba ang reaksyon nya sa tuwing maririnig ang pangalan ni Ivan. Kaya simula palang alam kong may pagtingin na sya sa kakambal ko.

Sa tuwing lilingon samin si Ivan noon. Sinasadya kong halikan si Steph. Dahil alam ko kagaya ko. May pagtingin din sya dito. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi maging sila. Sakim na kung sakim. Pero mahal ko si Steph. At gusto ko sa akin lang sya.

Nung nag highschool kami. Mas lalo kong napansin kung gaano kagusto ni Steph ang kakambal ko. Palagi ko syang nahuhuli na palihim na naglalagay ng sulat sa locker nito. Ganun din sa room kung saan nag iiwan ng cake at bulaklak si Steph.

"Oh? Kanino galing yan?" tanong ni Ivan ng makita akong kumakain ng cake. Na hindi nya alam ay para sakanya.

"Kay Steph. Ang sweet nya noh?" sabi ko sabay subo.

"Tss. Kababaeng tao sya pa ang nagbibigay ng mga ganyan." nadama ko ang pagkainis ni Ivan kaya mas lalo akong nasiyahan na inisin sya.


"Uso na ang babae ang nanliligaw ngayon. Tingnan mo nga to at binigyan pa nya ako ng bulaklak." inis na tumayo si Ivan at lumabas. Napangisi nalang ako dahil nagtagumpay ako sa pang iinis sakanya.

Halos magwala ako sa kwarto ko ng malaman na si Ivan ang ikakasal kay Steph at hindi ako. Mas lalo pa akong nagalit ng galing mismo sa bibig ni Steph na si Ivan ang gusto nya at hindi ako. Alam ko na yun noon pa man. Pansin ko na. Pero putsa! Ang sakit pala kapag sa bibig na mismo nito nanggaling.

Sobrang saya ko ng malaman ko mula kay Ivan na kinausap nya si Steph para tanggihan na sila ang ikasal. Ngunit kinagabihan ay ganoon nalang sakit na naramdaman ko ng sa harap namin lahat ay lumuhod at magmakaawa si Steph na pakasalan sya ni Ivan.

Tang ina! Ganon nya kamahal ang kapatid ko! Alam kong hindi lalayo si Steph kay Ivan. Kaya dapat si Ivan ang lumayo kay Steph. Kaya bago ang kasal nila ay sinabi ko kay Ivan na may nangyayari na samin ni Steph kahit na ang totoo ay wala pa.

"Napakatanga mo Ivan! Napakadali mong paniwalain. Hindi mo ba nakikita kung gaano kapatay na patay sayo si Stephanie. Malas mo dahil sa oras na mapagod na sya sayo. Sisiguraduhin ko na nasakin sya babagsak. At kapag nangyari yon. Hindi mo na sya makukuha mula sakin." tumatawang sabi ko sabay harurot ng sasakyan.

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon