14

25.3K 612 26
                                    

[A/N : Sa gustong magpadedicate pm nyo lang ako. Wag nyo kalimutan magvote at magbigay ng feedback nyo ^_^ Basahin nyo din ibang stories ko na on going at completed.]

❤Chapter 14❤

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Napangiti ako ng makita ko sya. Natutuwa ako na kaya nyang iwanan ang sino mang babae na kasama nya. Kapag kailangan ko sya.

Nakayuko sya na tila ba may malalim na iniisip. Nag aalala kaya sya sakin? Parang may kamay na humaplos sa puso ko. Isipin ko palang na nag aalala sya sakin. Natutunaw na ang hinanakit ko sakanya.

"Ivan." tawag ko sakanya na naging dahilan para mapa angat ang ulo nya. Ang kaninang saya ko ay napalitan ng pagka dismaya ng makita ko kung sino ang lalaking nasa loob ng clinic. "Vhan? Nasaan si Ivan?" tanong ko.

Tumayo sya at lumapit sa akin. "Steph. Ako ang nagdala sayo dito. At hindi si Ivan." sabi nya na dumurog sa mumunting pag asa na nag aalala din si Ivan sakin.

"I-Ikaw? Hindi si Ivan? Pero kanina. Bago ako mawalan ng malay. N-Nakita ko sya. Iniwan nya ang kasama nya para sakin. Nakita ko pa syang tumakbo para kaagad akong daluhan. Kaya papaanong ikaw?" naguguluhan na tanong ko.

"Steph. Inutusan nya akong dalhin ka dito sa clinic dahil mas importante sakanya ang babaeng kasama nya." sabi ni Vhan sabay haplos sa buhok ko.

Naramdaman ko nalang na namigat ang mata ko at nag umpisang nagtuluan ang luha ko. Wala pala talaga akong halaga kay Ivan. Kahit pala mamatay ako sa harap nya wala padin syang pakielam sakin.

"Steph. Wag ka ng umiyak. Sabi ko naman sayo diba? Dapat ako nalang ang pinili mo. Ako ang nagmamahal sayo. At hindi si Ivan. Hindi mo na kailangan mamalimos ng pag ibig. Dahil handa kitang mahalin ng buong buo. Kahit katiting hindi ako magtitira para sa sarili ko. Lahat ibibigay ko sayo. Kaya Steph. Habang maaga pa. Piliin mo ako. Iwanan mo na si Ivan." napatingin ako kay Vhan. Hindi ko kailangan ang anumang pagmamahal na manggagaling sakanya. Kahit kakarampot na pagmamahal basta kay Ivan manggagaling. Langit na para sakin.

Umiling ako tanda na hindi ako sang ayon sa gusto nyang mangyari. Iwanan si Ivan? Habang kaya ko magtitiis ako.

"Im sorry Vhan. Pero si Ivan ang kailangan ko. Ang pagmamahal nya ang gusto ko. Kahit mahalin mo ako ng buong buo at sobra sobra. Hindi padin ako magiging masaya. Kasi si Ivan. Sya ang lalaking gusto ko. Sya ang lalaking mahal ko. At isang araw umaasa akong lalambot ang puso nya para sakin. Magagawa nya din akong mahalin." lumuluhang sabi ko. Nagulat ako ng sipain ni Vhan ang plastic na upuan. Nakaramdam ako ng takot dahil ito ang unang beses na nakita ko syang nagalit. Ang mga mata nya. Nakakatakot.

"Tang ina Steph! Mahal na mahal kita! Hindi mo ba nakikita yon?! Ako! Ako! Ang nagmamahal sayo! Maski ba minsan hindi ako nagkaroon ng puwang sa puso mo? Mula pagkabata Steph. Minahal na kita. At hanggang ngayon minamahal kita! Ang sakit dito!'" sabi nya sabay turo sa may tapat ng puso nya. "Buong buhay ko Steph hindi ako tumingin sa ibang babae. Kasi ikaw lang ang gusto eh. Ikaw lang". sabi nya at lumambot na ang mga ekspresyon nya. Nawala na ang galit na bumabalot sakanya kanina.

"Im sorry. Im sorry talaga Vhan. Alam ko kung gaano kasakit ang magmahal ng walang hinihintay na kapalit. Kung gaano kahirap na habang minamahal mo ang isang tao ay daig mo pa ang nagwawalis habang malakas ang hangin. Nasasayang lang. Kahit gaano mo kagusto na kahit minsan mapansin ka nya. Alam na alam ko ang pakiramdam na yan. Dahil gaya mo. Si Ivan lang ang nag iisang lalaki na minahal ko. Sya lang." sabi ko habang patuloy sa pagluha.

Tumingala si Vhan sabay pahid sa luhang naglandas sa pisngi nya.

"Isang araw Steph. Makikita mo din ang halaga ko." sabi nya sabay talikod at naglakad palabas.



"Parehas tayo Vhan. Umaasa din akong isang araw ay makikita ni Ivan ang halaga ko."

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon