❤Chapter 45❤
Pagkatapos kong lutuin ang pagkain na inihanda ko para kay Ivan. Kumuha ako ng gamot sa medicine cabinet at inilagay ito sa tray kasama ng pagkain. Naglagay din ako sa pitsel ng tubig na may katamtaman lamig.
Tumungo ako sa kwarto ni Ivan at kagaya ng iwanan ko sya. Natutulog padin sya ng mapayapa ngunit mababakas padin ang lungkot na nakaguhit sa mukha nya.
Im wondering what is the reason behind those sadness. Is it because of me?
Inilapag ko ang tray sa may bed side table at naupo sa tabi nya. Binusog ko ang mga mata ko sa pagtitig sakanya. Nagmature man ang itsura nya. Ay naroon padin ang kagwapuhang taglay nya. Sigurado akong marami pading babae ang handang ipagkaloob ang sarili nila kay Ivan kahit hindi nito iyon hilingin.
Dahil sa naisip. Ay bigla nalang may kumirot sa puso ko. Sa loob ng apat na taon na pagkawala ko. Imposibleng walang babae na nagpainit sa kama ni Ivan. Lalaki sya at mayroong pangangailangan kung kaya hindi ko sya masisisi kung tama ang mga hinuha ko. Wala naman bago. Noon pa man ay iba't ibang babae na ang kinakama ni Ivan. Kaya hindi na yun nakapagtataka.
Nagulat ako ng bigla nalang may nagpahid ng luha sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Stop crying baby. Huwag kang mag alala. Hindi pa ako mamamatay." nakangiting sabi ni Ivan ngunit hindi man lang ito umabot sa mga mata nya. Inalalayan ko syang bumangon upang makasandal ang likod nya sa headboard ng kama. Nilagyan ko din sya ng unan sa likod upang mas maging komportable ang pagkakaupo nya.
Nakaramdam naman ako ng ilang dahil sa pagsunod ng titig nya sa bawat kilos ko. Nang maiayos ko na sya ay tumayo ako para kuhanin ang pagkain na nasa tray.
"Kumain ka muna para mainitan ang sikmura mo. Pagkatapos ay uminom ka ng gamot para mawala ang lagnat mo." sunod sunod kong sabi habang hinihipan ang pagkain na nasa kutsara. Dahil kahahango lang nito kung kaya mainit pa.
Nakita ko ang pag guhit ng munting ngiti sa mga labi ni Ivan habang nakatitig sa akin. Kahit kasalukuyan na syang ngumunguya ay hindi padin matanggal tanggal ang mga mata nya sa akin. Bigla nalang ako nakaramdam ng pag iinit sa pisngi ko kung kaya kaagad akong yumuko upang maiwasan ito.
"Thank you Steph." napaangat ako ng tingin sakanya at nabitiwan ko ang kutsara kung kaya lumikha ito ng ingay. Akmang kukunin ko na sana ang kutsara ngunit pinigalan ako ni Ivan. "Natutuwa akong malaman na maski paano ay nag aalala ka parin sa akin. Hindi ko man maibalik ang pagmamahal mo noon para sakin. Handa akong hintayin ang panahon na muli mo akong mamahalin."
Tumayo ako dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kayang tiisin labanan pa ang mga sinasabi ni Ivan. Kinuha ko ang kutsara at pumunta sa kusina upang kumuha ng kapalit nito. Ngunit bago yun ay nagpunta muna ako sa banyo upang pakawalan ang mga luhang kanina pa nais tumulo.
"Kung alam mo lang Ivan. Kahit isang minuto lang ng buhay ko. Hindi ako tumigil magmahal sayo. At aaminin ko sobrang namiss kita. Miss na miss..."
Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa kwarto ni Ivan. Naabutan ko syang nakatitig lamang sa pintuan. Hindi ko nga alam kung nakikita ba nya ako dahil hindi man lang kumurap ang kanyang mga mata. Tila ba nahulog sya sa isang lugar na madilim at hindi nya mahanap ang liwanag.
"Ivan." nang tawagin ko sya ay doon lamang sya tila natauhan. Ngumiti sya sakin ng pilit.
"Busog na ako Steph." sabi ni Ivan at dahan dahan dumaus us pahiga.
"Tumayo ka muna para makainom ka ng gamot at bumuti ang pakiramdam mo." sabi ko sabay kuha ng tabletang nasa tray at basong may tubig. Nang iabot ko ito sakanya ay tinitigan lamang nya ito. "Ivan. Kailangan mong inumin to." pilit ko sakanya. Ngunit umiling lamang sya.
"Kung ang pagkakaroon ko ng sakit ay nangangahulugan ng pananatili mo sa tabi ko. Mas gugustuhin ko pang magkasakit habang buhay para makasama kita." natigilan ako sa sinabi ni Ivan. "Alam ko. Sa oras na mawala ang sakit ko. Hindi ka na babalik dito. Hindi na kita makikita. Kahit kasal tayo. Alam kong galit ka sakin kung kaya ayaw mo akong makita. Pero dahil sa asawa mo ako. Kahit paano ay nag alala ka padin para sakin kung kaya narito ka." biglang lumamlam ang mga mata ni Ivan.
"Sige na. Inumin mo na ito. Please Ivan. Huwag ka ng makulit." napabuntong hininga nalang sya at kinuha na rin nya ito at ininom.
_____
IVAN POVNagkatinginan kami ni Stephanie ng makarinig kami ng pagtunog ng cellphone. Sigurado akong hindi sakin yun. Nakita ko si Steph na dali daling kinuha ang cellphone nyang nasa loob ng bag nya.
Tumayo sya at lumakad palabas. Dala ng kyuryosidad ay dahan dahan akong naglakad malapit sa lugar kung nasaan sya. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong makiusyoso.
"Okey lang po ako Dad.. Huwag nyo po akong alalahanin."
So Daddy nya pala ang kausap nya..
"Kayo ang magpagaling dyan Dad at nang makabalik na kayo kaagad dito."
May sakin pala si Tito Stefan.
"Naku! Akala nyo ba tinutulungan ako ni Theo. Wala naman ginawa yun kundi magliwaliw." narinig ko ang pagtawa ni Steph.
Close pala sila ng Daddy nya. Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot. Dahil kung sakaling papapiliin si Tito Stefan sa aming dalawa ni Theo. Sigurado akong yung Theo na yun ang pipiliin nya.
"Hi Baby." bati ni Stephanie. Bigla nalang akong napaayos ng tayo. Sinu kaya yung baby na tinawag nya. Mas lalo pa akong lumapit para mas marinig ko ng mabuti ang sasabihin nya.
"Huwag kang magpapasaway sa mga lolo mo hah?" halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Lolo? Ibig bang sabihin...
"Sige. Sasabihin ko sa Papa Theo mo na namimiss mo na sya. Alam ko naman na namimiss mo na din sya. Basta magpaka goodboy ka dyan para isama ka ng lolo mo pag uwi nila dito."
Fuck! Papa Theo?! Ibig bang sabihin nun may anak na sila? So talagang hinihintay nalang ni Stephanie na pirmahan ko ang annulment paper para makapagpakasal na sila?
"I love you baby. Miss na miss kana ni mommy."
Dali dali akong bumalik sa kwarto at nagpanggap na walang narinig.
Oh Ghad! Kung ito po ang kabayaran sa lahat ng mga kagaguhan ko noon.. I cant take it anymore. Please. Kill me now...
Dahil ang malaman na ang babaeng minamahal ko ay nakabuo na ng pamilya kasama ang iba. Ay isang lason na unti unting pumapatay sakin. At mas nanaisin ko pang literal na mamatay nalang kesa ang makita syang masaya sa piling ng iba.
Dali dali akong lumapit sa cabinet ko kung saan nakalagay ang tinatago kong baril. Hindi ko kayang pirmahan ang papel para mapawalang bisa ang kasal namin. Kung kaya ito lang ang naiisip kong paraan para makalaya sya at magpakasal sa taong bumuo ng pamilyang pinangarap nya na nasira ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at itinutok sa sintido ko ang baril.
I love you Steph. Mahal na mahal kita. At ang palayain ka ay nangangahulugan ng kamatayan ko. Thats why im doing this to make you happy.. Im sorry for everything my baby. Dont forget that i love you so much..
Kasabay ng pagbukas ng pinto ang nakakabinging sigaw ni Stephanie..
"IVAN!!! NO!!!!
But its too late. I already pulled the trigger. And a loud bang filled the room.....
BINABASA MO ANG
MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETED
Ficção GeralKasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesyal na araw kung saan ay makakasama na nila habang buhay ang lalaking minamahal nila. Ngunit hindi para kay Stephanie. Oo ang lalaking makaka...