42

21.1K 437 78
                                    

❤Chapter 42❤

STEPH POV

Halos malaglag ang panga ko dahil sa biglang pagtawa ni Theo. Oh Ghad. Please. Dont push Ivan's Asshole button.


Nakita ko na ang pagtiim ng bagang ni Ivan kasabay ang pagkuyom ng kamao nya na hindi inabot ni Theo ng ilahad nya.


"So ikaw pala yun?" tila nang uuyam na sabi ni Theo. "Salamat Pare. Kung hindi mo sinaktan si Steph ay di ko sya makikilala." sabi nya sabay kindat sakin. Lumingon pa si Ivan sakin na may galit pa din sa mga mata.


"Will you hate me if i punch him?" tanong ni Ivan sakin. "Im mad Steph. And i really want to punch his face so hard."


"Ivan—" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nasuntok na ni Ivan si Theo. Oh Ghad! Halos pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ayoko ng ganitong eksena.


"Ivan! Theo! Please stop!" sigaw ko. Ngunit hindi padin nila ako pinakinggan.


"Stay away from my wife!" sigaw ni Ivan habang nakikipag palitan ng suntok kay Theo.


"Sign the paper asshole! Para hindi mo na sya inaangkin na asawa at nang makapag pakasal na kami!" natigilan naman si Ivan dahil sa sinabi ni Theo. Hindi na ako nakapag protesta pa ng hilahin nya ako palabas.


Nilingon ko si Theo na nakanataw lang sa amin. Im sorry Theo. You pushed his asshole button.


Dinala ako ni Ivan sa parking lot at pilit isinakay sa kotse nya. Gusto kong sumigaw ngunit ayoko ng dagdagan pa ang kahihiyan na naranasan nya kanina habang nakikipag away kay Theo.


Kakausapin ko sya pagkauwi ko. Aixt!


Hininto ni Ivan ang kotse nya sa isang park. Lumabas sya at hindi na nag abala pa na ipagbukas ako. Sumunod ako sakanya at nakita ko ang pagtaas baba ng balikat nya.



"Alam kong naging gago ako. Alam ko na marami akong naging kasalanan sayo Steph." humarap sya sakin na hilam ang mga mata sa luha.



Please Ivan. Stop crying. Hindi kita kayang nakikita na ganyan.


"Dahil sakin nawala satin at ang anak natin. Kasabay na din ang pagkawala mo." lumapit sya sakin at lumuhod. Hindi ako makapaniwala. Si Ivan ba talaga to?


"I love you so much Stephanie. Please bumalik kana sakin. Ako nalang ulit ang mahalin mo. Please." umiiyak na sabi nya habang nakaluhod.


"Ivan. Tumayo ka dyan." dahil baka di ko na mapigilan ang sarili ko at mayakap kita. Bulong ko sa isip ko. "Wag mong gawin yan." pilit kong pinatigas ang boses ko kahit na ang totoo ay naglalambot na ang tuhod ko dahil sa nakikita kong itsura nya. Konting konting nalang bibigay na ako.


Stephanie! Baka nakakalimutan mo. Galit ka sakanya! pangaral ng isip ko.


You love that man Steph. Huwag mo na syang pahirapan. Give him another chance. Give your marriage another chance. Pangaral ng puso ko.


Mga bwisit kayo. Naguguluhan na nga ako dito nakikigulo pa kayo. Oh shit! Pati sarili ko kinakausap ko.


"Sorry Ivan. Hindi kita kayang patawarin. Dahil lahat ng kasalanan mo sariwa pa sa dibdib ko. At sa muli natin pagkikita. Para itong sugat na muling nasugatan. Please. Huwag ka ng magpakita pa sakin. Dahil sa tuwing nakikita kita. Nasasaktan lang ako." tumalikod na ako at hinayaang magbagsakan ang mga luha sa mata ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Ivan sa likuran ko. At ang bagkabasa ng damit ko. Gosh! Umiiyak padin sya!


"Sabihin mo kung paano mo ako mapapatawad. Please. Sabihin mo." garalgal ang boses nya. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko upang paglabanan ang damdamin ko sakanya.


Mahal ko si Ivan. Mahal na mahal. Ngunit hindi pa ako handang patawarin sya.



"Buhayin mo ang anak ko Ivan. Kapag nagawa. Papatawarin na kita." napakalakas sya sa pagkakayakap sakin. Nanatili naman akong nakatalikod sakanya.



"Imposible ang hinihingi mo Steph."




"Dahil imposible din na mapatawad kita." lumakad ako palayo nang hindi sya nililingon. Ayokong makita ang itsura nya dahil matitibag ang pader na iniharang ko sa puso kapag ginawa ko yun.


Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Theo na inaayos ang mga pinamili namin kanina. Dumako ang mata ko sa mukha nya na may mga pasa at natuyong dugo. Dali dali akong kumuha ng first aid kit para magamot ang mga iyon.



"Theo." nilingon nya ako at nginitian. Abnormal talaga. "Halika. Gamutin ko yang nasa mukha mo." lumapit naman sya at naupo sa tabi ko.



"Nakita mo ba yung itsura ng asawa mo kanina?! Grabe! Ang epic!" tumatawang sabi ni Theo.


"Masaya kapa dahil nasuntok ka nya." sabi ko habang pinapahiran ng betadine ang sugat nya.


"Masaya lang ako dahil alam kong mahal ka nya. Kamusta pala pag uusap nyo? Nagkaayos naba kayo?" sunod sunod na tanong nya.


Umiling ako. Dahil yun naman ang totoo. Mahal ko si Ivan. Pero diko pa sya kayang patawarin sa mga kasalanan nya.


Niyakap ako ni Theo at hinaplos ang buhok ko. "Okey lang yan. Magiging maayos din ang lahat." tiningnan nya ako at nginitian. "Isang tanong isang sagot. Gusto mo ba talagang mapawalang bisa ang kasal nyo?"


Inabot ng isang minuto bago ako nakasagot.


"Y-Yes." nauutal na sabi ko.



"Nasasabi mo ba yan dahil gusto mo? O nasasabi mo yan dahil galit ka? Alam mo ba kung pinirmahan lang ni Ivan ang annulment paper nyo 4years ago. Baka sa mga oras na to. May asawa na syang iba. Wala kana sanang karapatan pa sakanya. Naisip mo ba yun Steph bago ka nagdesisyon noon?" natigilan ako.



Tama sya. Kung ginawa ni Ivan yun noon. Hindi ko na sya asawa ngayon. At ang isipin na mapupunta sya sa iba at ikakasal ay isang malaking bangungot para sakin. Hell No! Sakin lang si Ivan! Sakin lang.



"In life, there is two thing you must learn to know. First. Dont make promises when you are happy. Second. Dont make decisions when you are mad." sagot ni Theo at naglakad na palayo sa akin.


"Payo lang Steph. Huwag kang magpadalos dalos sa mga desisyon mo. Dahil baka sa huli. Pagsisihan mo ang lahat ng ito. Mahal kita, dahil pinsan kita. At nag aalala ako sa mangyayari sa inyong dalawa ni Ivan kung patuloy mo syang titikisin. Lalo na at kailangan sya ni Tyler." nilingon pa nya ako at ngumiti.




____
IVAN POV

Halos mabasag ang lahat ng gamit ko dito sa condo ko. Malabo na talagang bumalik sakin ang asawa ko. Pero hinding hindi ko sya susukuan. Gagawin ko lahat para lang mapatawad nya ako. Kung kailangan ko syang ligawan gagawin ko.


Pero hindi nga pala ako marunong manligaw. Shit! Anung gagawin ko?


Kinuha ko ang laptop ko at nag search kung paano ba manligaw sa isang babae. Napaka common naman ng mga ito.


Bulaklak

Chocolates


Amusement parks


Date her


Special si Stephanie sa akin. Kaya dapat special din ang gagawin kong panliligaw sakanya. Ang korni. Hindi ko akalain na darating ang araw na kailangan kong ligawan ang asawa ko.


Dali dali akong lumabas para planuhin ang IVAN COURTSHIP STYLE 101.


Kung noon araw araw kong pinapaiyak si Steph. Ngayon naman ay araw araw ko syang papakiligin.






____
A/N : SORRY KUNG MAIKLI LANG. BAKA KASI HANGGANG 50 SOMETHING NALANG ITONG MARRYING A HEARTLESS AT HINDI KO NA PAPAHABAIN ^_^ KAYA ABANGAN NYO NA ANG NALALAPIT NA PAGTATAPOS!





MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon