38

18.3K 394 44
                                    

[A/N: SORRY GUYS KUNG NABIBITIN KAYO HAH? 😂✌.. SALAMAT SA WALANG SAWA NYONG PAGBABASA AT PAGHIHINTAY SA UPDATE KO.. HAPPY 38.K READS SATIN!! RANK #8 PADIN ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION..]

ENJOY READING!!!!

_____
❤Chapter 38❤

Napabalikwas ako ng bangon ng makaramdam ng tila nagrarambolan sa may tiyan ko. Kahit gustong gusto ko ng tumakbo ay hindi ko ginawa dahil sa pag aalala na baka mapahamak ang baby ko. Kaya hindi pa man ako nakakaabot sa banyo ay naduwal na ako. Mabuti nalang at tubig lang ang inilalabas ko.


Nang mahimasmasan ako ay kinuha ko ang mop na nasa banyo at hinugasan ang bibig ko. Ilang beses ko pa kayang mararanasan ang ganito na wala ang asawa ko para man lang samahan ako sa hirap na pinagdadaanan ko. Hinaplos ko ang tiyan ko.


Im sorry baby kung wala si Daddy dito para ibigay ang mga pagkain na gusto natin. Wag kang mag alala, andyan naman ang tito Vhan mo para punan ang pagkukulang ng Daddy mo.


At dahil sa naisip ko ay bigla nalang tumulo ang luha ko. Bakit ba pagdating kay Ivan nagiging mahina ako. Bakit ba pagdating sakanya, kahit masakit at mahirap ay kinakaya ko. Kahit ang dapat kong maramdaman ay galit. Pinipilit ko padin syang intindihin. Bakit ba naging ganito ako katanga sakanya?



Im only 18 years old. Pero bakit si Ivan ang naging mundo ko. Buong sistema ko gumalaw lamang para kay Ivan. Sa edad ko na ito bakit naging ganito ako kabaliw sa iisang lalaki lang. Hindi ko naranasan mabuhay kagaya ng ibang normal na babae dahil buong buhay ko wala akong ginawa kundi ang sundan si Ivan kahit saan sya magpunta at alamin kung ano ang ginagawa nya.


Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko lang pala basta mahal si Ivan. Obssess din pala ako sakanya. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng yon. Buhat sa palihim na pagkuha ko sakanya ng larawan noon.



Natigil lang ako sa pag iisip ng biglang may kumatok sa kwarto ko. Tumayo ako at tamad na naglakad palapit sa pintuan.



"Oh Lucas?"bungad ko sakanya ng bumukas ang pintuan.



"Eh mam may nag iwan po nito. Para sainyo daw po." sabi ni Lucas sabay abot ng invitation card sakin.



"Sino nagbigay?" tanong ko.



"Hindi ko po alam mam eh. Basta inabot lang po ng kartero." tumango ako at pumasok sa loob.



Nagdadalawang isip ako kung dapat ba akong pumunta sa lugar na nakalagay don? Wala naman kasing nakalagay na pangalan kung sino ang nagpadala. Biglang napadako ang mata ko sa pangalan na nakasulat doon. Napakunot ang noo ko dahil mukhang nagkamali ang pagkakasulat ng pangalan ng asawa ko doon.


To Mr. & Mrs. Ivan Troy Quijano


Yan ang nakalagay. Sino kaya ang nagbigay nito? Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Vhan.


____
VHAN POV

Napaungol ako ng marinig ang pag iingay ng cellphone ko. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Masakit ang ulo ko dahil sa dami ng nainom kong alak kagabi. Kinailangan kong gawin yun dahil kung hindi ay baka pinalipad ko na ang sasakyan ko papunta sa bahay nila Steph at tinangay sya sa lugar kung saan hindi kami matatagpuan ng kapatid ko.



Habang nakatitig ako sa mukha nya kagabi. Nakaramdam ako ng awa para sakanya. She's an angel at hindi nya dapat nararanasan ang sakit na pinagdadaanan nya dahil sa kapatid ko. Kung ako sana ang pinili nya. I will treasure her till my last breathe. Sad part is. Mahal nya ang kapatid ko kagaya ng pagmamahal ko sakanya.



MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon