27

20.3K 407 9
                                    

                  Dedicated to aNaMzZx

[A/N : SORRY KUNG NGAYON LANG AKO NAKAPAG UPDATE. MEDYO BUSY AKO EH! CHAROT! SALAMAT SA MGA PATULOY NA NAGBABASA NG MGA STORY NA GINAGAWA KO ^_^]

ENJOY READING!

---

❤Chapter 27❤

Pagka park ko palang ng kotse ko ay patakbo kaagad akong nagpunta sa pintuan at pinihit ang knob nito. Abot ang dasal ko na sana ay gising pa si Steph. Napatingin ako sa wrist watch ko. Damn! Its almost twelve in the evening.


Nakapatay na ang ilaw sa sala. Hindi na ako nag abalang isindi pa ito dahil naagaw ng kandilang nasa may dining table ang atensyon ko. Napatigil ako sa paglalakad palapit sa may kusina ng maaninagan ang asawa kong nakadukmo sa may lamesa. Nakakabakla man sabihin pero, parang dinurog ang puso ko sa nakita kong ayos nya at ang pinaghandaan nyang nasayang dahil sa baliw nyang kaibigan.


Dahan dahan akong naglakad papalapit sakanya at hinaplos ang buhok nya. Napaangat sya ng ulo ng maramdaman ang ginawa kong paghaplos sakanya.



Mabilis ko syang niyakap at dinampian ng halik sa noo.



"Im sorry baby." hindi ko alam kung para saan ba ang paghingi ko ng tawad sakanya. Sa nagawa ko bang kataksilan o dahil sa hindi ko pag uwi ng maaga. Pwedeng parehas din.



"Okey lang. Bakit nga pala ginabi ka ng uwi? Hindi ka man lang nagsabi." lalong kumirot ang puso ko ng mabakas ko ang konting hinanakit sa boses nya.



"May inayos lang ako." pagsisinungaling ko. "Tara. Kain na tayo. Kanina pa ako nagugutom eh." nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato nya. Nakatitig lang sya sakin habang ginagawa ko yon. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya pero sana naman ay wag syang magduda sakin. Dahil kapag nagkataon hindi ko na alam ang gagawin ko.


---

❤ STEPH POV❤

Kanina ko pa pinagmamasdan si Ivan habang kumakain. Parang may nag iba sakanya pero hindi ko naman masabi kung ano. Basta ang alam ko lang meron.


Nang makatapos kaming kumain ay si Ivan na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan namin. Pinagmamasdan ko lang sya habang ginagawa nya yun.


Ito ang kauna unahang pagkakataon na umuwi ng ganitong oras si Ivan buhat ng maging maayos ang pagsasama namin. Bigla nalang akong sinasal ng kaba sa dibdib. Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa nangyayari?


Ivan. May inililihim kaba sakin? Niloloko mo ba ako? magkasunod na tanong ko habang minamasdan ang likuran nya.


Napapikit ako ng mariin at napailing. Binura ko ang mga pangit na bagay na naglalaro sa isip ko. Hindi magagawa ni Ivan sakin yun. Mahal nya ako kaya dapat akong magtiwala sakanya.



Nagawa na nya yan noon. Kaya hindi malabong gawin nya parin yan ngayon. singit ng isang bahagi ng utak ko.


Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat ng may humaplos sa pisngi ko.


"Okey ka lang ba? Sinabi ko naman sayo mauna kana sa taas at tatapusin ko lang to. Alam ko naman na napagod ka sa paghahanda ng dinner natin." nakita ko ang paglamlam ng mga mata ni Ivan. Pero bukod sa pag aalala meron pa akong ibang nakikita don. Hindi ko lang matukoy kung ano.


"Okey lang ako. Tapos kana man na kaya sabay na tayong magpunta sa kwarto." sagot ko. Tumango naman sya at inalalayan akong tumayo. Nakaakbay sya sakin habang naglalakad kami. Dahil sa pagkakadikit ng katawan ko sa katawan nya. Dun ko nalanghap ang kakaibang amoy na nagmumula sa kanya.


Hindi yun ang amoy ng pabango nya! Parang amoy. Amoy ng pabango ng isang babae! Napahinto ako at napatingala sa mukha nya. Ayokong mag isip ng kung ano ano. Pero gusto kong magtanong sakanya. Asawa nya ako at wala naman sigurong masama sa gagawin ko.


"Why baby?" tanong ni Ivan.


"Bakit-" shit! Di ko alam kung paano ko itatanong ang gusto kong itanong sakanya.



"Bakit?" nakakunot noong tanong nya.



"B-bakit amoy kang b-babae?" nauutal na tanong ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ivan. Kasabay ng pag iwas nya ng tingin. Tumikhim muna sya bago nagsalita.


"Baka yung pabango ng kliyente ko. Masyado kasing matapang." sagot nya. Napatango nalang ako kahit na ang totoo ay hindi ako kumbinsido sa sagot nya.


Halos wala pa kaming isang taon na nagsasama ng maayos. Ayokong masira kaagad ang pamilyang binubuo namin dahil lang sa pagdududa ko. Napabuntong hininga nalang ako. Sana nga ay mali lahat ng naging pagdududa ko sakanya. Dahil baka kapag nalaman nyang pinagdudahan ko sya. Ay pagmulan pa yun ng hindi namin pagkakaunawaan.


Pagpasok namin sa kwarto ay pinauna ko nang gumamit si Ivan ng banyo. Naupo muna ako sa kama. Akmang ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa may lamesa ng bigla itong mag vibrate.


Si Eizelle? Bakit naman ito tatawag ng ganitong oras? Kahit nagtataka ay sinagot ko pa rin ito.


"Zelle." bungad ko sakanya.


[Steph! Sobrang saya ko!"] bakas nga sa tinig nya ang saya.



"Halata nga. Pero bakit ka naman masaya?" tanong ko



[Nakasama ko yung lalaking kinukwento ko sayo noon! Yung lalaki na gusto ko] tila kinikilig na sabi nito.


"Talaga? Kumusta naman? Nagdate ba kayo?"


[Hindi lang kami basta nagdate! We made love till we both got tired.] napahalakhak pa ito.


"Grabe ka! Akala ko dalagang pilipina ka. Bakit mo naman isinuko kaagad sakanya yun?"


[Anu kaba! Matagal na nyang nakuha yun! May nangyari na din samin noon… bago pa sya.... Ikasal.] naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Eizelle.


"You mean? May asawa na sya?" tanong ko. Grabe! Di ko inakala na ang lalaking kinababaliwan ni Eizelle ay may asawa na pala.


[Sad to say. Yes. Pero kukunin ko sya mula sa asawa nya. Dahil mas nauna syang naging akin.] puno ng determinasyon na sabi ni Eizelle.


"Mali yang gagawin mo. Kasal na sya kaya kung ano man ang namamagitan sa inyo. Putulin mo na. Maawa ka naman sa pamilya nya. Lalo na sa anak nya."



[Wala pa silang anak. At sisiguraduhin ko bago pa mangyari yun. Makukuha ko na sya.] nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil sa sinabi ni Eizelle. Bakit pakiramdam ko ay naging isang desperada na sya.


Kahit kaibigan ko sya. Hindi ko kukunsintihin ang ginagawa nya. May asawa ako. Maisip ko palang na gagawin sakin ni Ivan yun. Parang may mga kamay na sumasakal sakin at pinipigilan akong makahinga.


Saktong pagkalapag ko ng cellphone ko ay ang paglabas ni Ivan mula sa banyo. Nakatapis lang sya ng towel habang ang buhok nya ay pinupunasan ng may kaliitan na tuwalya. Napakahot nyang tingnan sa ayos nya na yun. Lalo na at kitang kita ko ang 6 packs abs nya.


"Oh? Bakit malungkot ka?" tanong ni Ivan habang nagsusuot ng boxer short. Pinapanood ko lang sya habang ginagawa yun maski na tila ako nanunuyuan ng lalamunan.


"Ah. Si Eizelle kasi." nakita kong natigilan si Ivan sa ginagawa nya.



"Anung meron sa kaibigan mong B.I?" tanong nyang nakatalikod sakin dahil kumukuha sya ng sando sa closet nya.




"Kasi pumayag syang maging kabit....





at sabi nya gagawin daw nya ang lahat maagaw lang ang lalaki mula sa asawa nito."






Halos manlaki ang mata ko ng mahulog lahat ng damit ni Ivan sa closet nya. Anung nangyari? Nabigla ba sya sa sinabi ko?








MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon