Kabanata 4

25.3K 619 24
                                    

Kabanata 4

Pupungas pungas pa ako ng bumangon dahil sa gutom na nararamdaman ko. Ni hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit. Nakatulog ako dala ng matinding pag iyak na ginawa ko.


Hay. Ilan balde pa kaya ng luha ang kailangan kong sayangin para kay Ivan?

Hindi ko alam kung tama paba na iyakan ko ang mga nangyayari o sanayin nalang ang aking sarili sa mga bagay na ito.

Nagtungo ako sa banyo upang maligo. Gusto kong hugasan ang lungot na bumabalot sa akin. Gusto kong sumabay sa pag agos ng tubig ang lahat ng mga hinanakit at pagsisisi ko.

Matapos akong maligo ay kaagad narin akong nagbihis. Tiningnan ko ang orasan sa may tabi ng kama ko.

Alas onse na pala ng gabi.

Ganun nalang ang gulat ko ng saktong palabas ako ay palabas din ng kwarto nya si Ivan. Galit syang tumingin sakin sabay ngisi.

"Oh? Kagigising mo lang? Mukhang pinagod ka yata ng todo ng kapatid ko."  tila nanunuyang sabi nya.

Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa pagpipigil kong sumbatan sya. Hindi ba't nagdala sya ng babae dito sa bahay?

Magkahalong kaba at pagkalito ang nararamdaman ko ng mga oras na yun.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Ivan." sabi ko sabay talikod sakanya dahil hindi ko matagalan ang matalim na titig na ipinupukol nya sakin. Bakit ganun? May bakas ng pandidiri sa mga mata nya. Ganun ba sya nandidiri sakin dahil ako ang asawa nya? Kadiri diri ba ko?

"WAG MO AKONG TATALIKURAN KAPAG KINAKAUSAP KITA!" galit na sabi nya sabay hatak sa kamay ko.

"Anu ba Ivan. Nasasaktan ako." sabi ko nang isandal nya ako sa pintuan ng kwarto ko.


"Bakit ako ang pinakasalan mo Stephanie! Bakit ako?!" napaawang ang labi ko dahil sa tanong nya. Ngunit hindi ko na nagawang sumagot pa dahil marahas nyang inangkin ang labi ko.

Hindi ko mapigilan ang mapaungol ng sinimulang lakbayin ng dila nya ang loob ng bibig ko. May kakaibang sensasyong nabuhay sa sistema ko na hindi ko mapangalanan. Hindi rin nagtagal ay tinigil na din ni Ivan ang paghalik sakin.

"Ikaw ang pinaka maruming babae na nahalikan ko Steph. Nandidiri ako sayo." sabi nya sabay punas sa labi nya  at nagdiretsong naglakad pababa sa hagdanan.

Tila ako nauupos na kandila na napaupo sa may sahig.


Ano ba ang nagawa kong kasalanan para pandirihan ako ni Ivan?

Pinahid ko ang mga luha ko at nagtungo sa kusina upang kumuha ng pagkain. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Ivan. Siguro ay isa nanaman sa mga babae nya.

Kasabay ng aking bawat pagsubo at pagnguya ay ang malalim na pag iisip..

"Ivan.. Kumain kana." Isang linggo palang kaming nakakasal noon at sinubukan kong pagsilbihan sya kagaya ng ginagawa ng mga babae sa kanilang mga asawa.

Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla nyang tabigin ang mga pagkain na inihain ko sa mesa.

"Hindi ako kumakain ng basura!" Gigil na sabi nya. "Manang! Manang!" Sunod sunod na tawag nito sa kasambahay namin.

"Linisin nyo ang kalat na yan at pagkatapos ay ipagluto nyo ako." Tumayo ito at naglakad paakyat sakanyang kwarto. Habang ako ay nakatulala lamang habang nakasunod ang mga mata sakanya.

"Ivan. Eto ang isuot mo oh. Bagay ito sayo.." May gig sila ng mga barkada nya sa isang resto bar. Gustuhin ko man sumama ay alam kong malabong mangyari yun. Dahil hindi ko pa man sinasabi sakanya ang gusto ko. Nagsusumigaw na ito sa bawat tingin nya sakin na ayaw nya sa presensya ko.

Hinablot nya ang damit na inabot ko sakanya at hinatak ito hanggang sa napunit.

"I-Ivan.. Bakit mo sinira?" Gulat na tanong ko. Inihagis nya sakin ang damit na gutay gutay at nginisihan ako.

"Ganyan ang ginagawa kapag ayaw mo na sa isang bagay. Sinisira. Winawasak. Lalo na kung luma na.. Pinagsawaan na... Bakit mo ito pagti tyagaan kung pwede mo pang palitan ng iba.. Yung mas bago.. Yung ikaw ang unang makakagamit.." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa tapos ay tumalikod para kumuha ng ibang damit.

Pinipilit kong maging mabuting asawa sakanya. Pinipilit kong pagsilbihan sya sa abot ng aking makakaya.

Ngunit habang pinipilit kong abutin sya. Mas lalo ko lamang nararamdaman ang paglayo nya sakin.

Mas lalo lamang syang nagagalit sakin.

Wala naman akong ibang ginawa kundi ang sumunod sakanyang kagustuhan..

Mali. Hindi pala lahat...

Dahil may hiniling syang kailanman ay di ko maibibigay sakanya..





Yun ay ang palayain sya at ibalik ang kalayaan nya....

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon