19

25K 516 22
                                    


GUYS. INSTEAD OF SAYING "BITIN". MAGTHANK YOU NALANG KAYO PARA NAMAN GANAHAN AKONG MAG UPDATE ^_^

THATS ALL ! ENJOY READING !

❤Chapter 19❤

Nalibot ko na ang buong campus pero hindi ko padin mahanap si Vhan. Kaya ang ginawa ko ay tinext sya at makipag kita sakanya sa may rooftop. Bahala na kung hindi ako makapasok sa next subject basta ang gusto ko lang ay makausap sya.

Humawak ako sa railings at hinayaang isayaw ng hangin ang buhok ko. Ang daming naglalaro sa isip ko pero sa ngayon ay magfofocus muna ako kay Vhan. Anu ba ang gusto nyang mangyari.

Hindi nagtagal ay may naramdaman akong yabag na papalapit sa akin kung kaya napalingon ako. At tama nga ang hinala ko. Si Vhan. Nandito na sya.

"Anung pag uusapan natin Steph?" sabi nya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Vhan! Anu bang kalokohan ang ginawa mo at kumalat dito sa campus na ikaw ang asawa ko?!" galit na sabi ko.

"Narinig ni Ivan ng sabihin ko iyon. Pero hindi naman nya itinama na sya ang asawa mo at hindi ako. Gusto ko lang naman malaman kung may gagawin ba sya. Pero wala. Isa lang ang ibig sabihin nun Steph. Wala kang halaga sakanya." tinitigan ko si Vhan para makita kung may bakas ba ng pagbibiro sa mga sinabi nya. Ngunit wala akong nakita maskit na isa.

Ibig sabihin ay naroon din si Ivan pero wala syang ginawa? Ayaw nyang malaman ng lahat na ako ang asawa nya kaya hinayaan nalang nyang paniwalaan ng lahat na si Vhan ang asawa ko.

Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha mula sa mata ko. Nalaman ko na lamang ito ng lumapit sakin si Vhan para pahirin ito.

"Im sorry Steph. Ginawa ko lang yun dahil gusto kong malaman kung tanggap kaba ng kapatid ko bilang asawa nya. Pero base sa naging reaksyon nya. Mukhang wala ka ni katiting na halaga sakanya." niyakap ako ni Vhan ngunit itinulak ko sya palayo sa akin. Tumakbo ako at iniwan sya. I've had enough of this shits! Tanggap ko naman na ayaw sakin ni Ivan bilang asawa nya. Pero ang hindi nya pagtatama sa sinabi ng kapatid nya bilang asawa ko ay malaking dagok para sakin.

"I hate you Ivan Tyler Quijano! Damn you!"

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Abot ang tingin ko sa orasan na narito sa may sala. Ala una na pala ng madaling araw pero wala padin si Ivan. Pinatay ko ang tv at humiga sa sofang naroon. Kahit masama ang loob ko kay Ivan ay nag aalala padin naman ako sakanya. Asawa ko sya at mahal ko sya. Kahit pa ayaw nya sakin.

Nag aagaw tulog na ako ng makarinig ako ng paghagikgik na naging dahilan ng pagkawala ng antok ko dahil gusto kong marinig ito ng mabuti. Hindi ko kasi alam kung nananaginip ba ako o totoong meron akong narinig na humagikgik.

"I will take off your clothes here honey." rinig kong sabi ng babae. Babae? May kasamang babae si Ivan?

Napabangon akong bigla ng marealize na hindi ako nananaginip lang. Napahinto naman silang dalawa sa ginagawa nila ng maramdaman ang presensya ko. Sawang sawa na ako sa pananahimik ko. Gusto kong sa pagkakataon na ito ay masabi ko naman kung ano ang saloobin ko.

"Ginabi ka na nga ng uwi. Nagsama kapa ng babae mo." matigas na sabi ko. Sinindihan naman ni Ivan ang ilaw kung kaya nakita ko ang itsura nilang dalawa. Si Ivan na nakatopless na. Habang ang babae ay nakalislis at gusot gusot ang suot na fit dress.

"Honey? Who is she?" malanding sabi ng babae habang nakalingkis sa ASAWA KO!

"Dont mind her. She's nothing. Halika na sa kwarto ko at dun natin ito ituloy. May istorbo dito eh." and there! Napigtas na ang kahuli hulihang tali na pumipigil sakin para wag kumawala ang galit na namumuo sa dibdib ko.

"I am nothing. Tama ka Ivan. Wala lang ako dahil wala naman akong halaga sayo! Kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang asawa mo. Sana ay respetuhin mo naman ako bilang tao." nagsisimula ng manginig ang boses ko. Nararamdaman ko na din ang pamimigat ng mata ko. Anu man oras ay babagsak na ang mga nakapondong luha dito.

"Lena. You may leave now. We will continue this next time." utos ni Ivan sa babae na kaagad naman inayos ang sarili at lumabas. Pagkasara ng pinto ay lumapit sakin si Ivan at marahas akong hinawakan sa braso.

"Okey lang na saktan mo ako ng pisikal Ivan dahil mas masakit pa dyan ang ginagawa mong pananakit sa puso ko. Kulang paba lahat ng ginagawa ko Ivan? Kulang paba ang pagpapakatanga ko sayo para lang ipamigay mo ako sa iba? Mahal na mahal kita. Pero bakit hindi mo makita yun?" puno ng hinanakit na sabi ko habang patuloy sa pagluha. "Sa sobrang pagmamahal ko sayo kahit ang utusan akong tumigil sa paghinga ay gagawin ko kasi ganun kita kamahal. Isang salita mo lang Ivan. Sabihin mo lang at gagawin ko."

"Drop the act Steph! Dahil hindi ako magpapadala sa mga pagdadrama mo!"

"Kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko. Hayaan mong patunayan ko sayo."sabi ko at hinigit ko ang batok nya at siniil sya ng halik sa labi. Ibibigay ko ang sarili ko sayo Ivan mapatunayan ko lang sayo na hindi ako katulad ng iniisip mo.

****

[A/N : PABITIN MUNA GUYS. BUKAS NALANG NATIN ITUTULOY ANG GAGAWIN NI STEPH KAY IVAN 😜😁✌]







MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon