47

20.5K 421 43
                                    

[A/N : GUYS. GUSTO KO LANG SABIHIN NA THANK YOU SA INYO DAHIL NAKAABOT KAYO SA CHAPTER NA TO. THANK YOU DIN SA PAGTITYAGA NYO NA MAGHINTAY NG UPDATE KO. KAPIT LANG KAYO MGA BHE. MALAPIT NA MAG END ANG STORY NI IVAN AT STEPH.. PERO HUWAG KAYONG MAG ALALA. MAY BAGO KAYONG KAKAKILIGAN NA STORY.. AT BIBIGYAN KO SILA NG PAHAPYAW DITO SA STORY NILA STEPH PARA MERON NA KAYONG IDEA SA KWENTO NILA IVAN TROY AT THEO ALEXIS..]

ENJOY READING!!

____
❤Chapter 47❤

Isang linggo na ang nakakaraan buhat ng magkaayos kami ni Ivan. Ngunit hanggang ngayon ay tila padin ako nananaginip.


Para akong baliw na nakangiting mag isa habang sinasariwa sa isipan ko ang mga pangyayari.


Ngunit sa isang banda ay nalulungkot padin ako. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Ivan ang tungkol sa anak namin dalawa. Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan masabi ko na kaagad sakanya. Lalo na at darating na sila Daddy.


Isang linggo narin pala buhat ng huling umuwi ako sa bahay namin. I mean bahay nila Daddy. Bumalik na kasi kami ni Ivan sa bahay namin dalawa.


Pagpasok ko sa bahay namin ay nadatnan ko si Theo na nagluluto sa kusina. Kailan pa kaya sya nakauwi? Bakit hindi nya ako pinapasyalan sa opisina?


"Theo." tawag ko sakanya. Naagaw ko naman ang atensyon nya kung kaya lumingon sya sakin.



"Oh sweetie. Andyan kana pala." nakangiting sabi nya.


"Theo. Will you please stop calling me sweetie." nakasimangot na sabi ko.


"Whoo! Kailan kapa nagreklamo sa pagtawag ko sayo ng sweetie hah? Tsaka teka nga. Sabi nila manang hindi ka daw dito umuuwi?" nakapamewang na sabi ni Theo. Gusto kong matawa sa itsura nya. May hawak syang sandok habang nakatopless at nakasuot ng apron. Pagkatapos ay nakasuot ng pants sa pang ibaba.


"Its none of your business."  tumatawang sabi ko. Naupo ako sa isang silyang naroon at nangalumbaba. "Bilisan mo ng magluto at nagugutom na ako." taboy ko sakanya dahil imbis na bumalik sa pagluluto ay lumapit sya sakin at idinikit ang labi nya sa tenga ko.


"Madami kang kailangan ikwento sakin at—" bago pa matapos ni Theo ang sasabihin nya ay sabay kaming napalingon ng makarinig kami ng nabasag mula sa sala.


"S-Sorry." nahihiyang sabi ng isang babae na ngayon ko lang nakita.

Lumapit naman si Theo sakanya at biglang hinawakan sya sa braso.


"Damn! Woman! Anu nanaman bang katangahan yan hah?!" bakas ang inis sa boses ni Theo habang ang babae naman ay nakatitig sakanya na nagtutubig ang mga mata dahil sa mga luhang nais kumawala mula rito.


"Im sorry Alexis. Hindi ko naman sinasadya." bigla nalang napayuko ang babae ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang tubig na pumatak mula sa mga mata nya. Tsaka ano yung tinawag nya kay Theo? Alexis? Ayaw na ayaw nyang tinatawag syang Alexis dahil iisang babae lang ang gusto nyang tumawag sakanya ng ganon.


"Huwag mo akong artehan. Ayusin mo yan!" galit na sabi ni Theo sa babae kung kaya tumayo na ako at nilapitan ito.


"Theo! Anu kaba! Kung makasigaw ka naman sakanya parang hindi babae ang kausap mo." inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ng babae at nang matanggal ko ito ay nakita kong namumula na ito dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Theo.


"Tss." sagot ni Theo at nagsimula ng bumalik sa kusina para ituloy ang pagluluto nya.


"Hayaan mo na yan dyan. Sila manang nalang ang mag aayos nyan." inalalayan ko sya papunta sa kwarto ko dahil gusto ko syang makausap ng sarilinan.


MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon