[A/N : HAPPY 30.8K READS! SORRY KUNG NABIBITIN KAYO GUYS 😁✌ AKO DIN NAMAN NABITIN EHH! KAYA ETO NAG UPDATE NA AKO ^_^ KAYA WAG NA KAYO MAGTAMPO..]
ENJOY READING!!! DONT FORGET TO VOTES AND LEAVE COMMENTS.. I NEED YOUR FEEDBACKS GUYS...
___
❤Chapter 36❤
Nabitin sa ere ang gagawin ko sanang pagsubo sa kaimnito dahil sa tanong ni Vhan.
Buntis ba ako? tanong ko rin sa sarili ko. Bigla akong napatingin sa tiyan ko at napahawak dito. Tumitig ako kay Vhan at umiling.
"Hindi ko alam eh." nakayukong sagot ko. Hinawakan naman nya ang kamay ko at pinisil.
"Gusto mo bang magpunta sa OB? Para makasigurado ka?" bigla nalang akongvl nakaramdam ng lungkot hindi naman dahil sa tanong ni Vhan. Kundi sa reyalidad na sana ay si Ivan ang kauna unahang lalaki na makakaalam ng kalagayan ko. Ngunit wala sya.
"Magbihis kana Steph. Hintayin nalang kita dito." tumayo sya at nilinis ang mga balat ng kaimnito na nasa may lamesita. Bago ako tuluyan umakyat ay nilingon ko muna sya.
Napaka swerte ng babaeng mapapangasawa ni Vhan. Napakabuti nya. Sayang at di sakanya tumibok ang puso ko. Pagtalikod ko ay syang pagpahid ko din ng mga luhang nagbagsakan sa mata ko. Sana ako ang maswerteng babae na yun. Kung hindi lang ako naging tanga.
"Congratulations! You're 8 weeks pregnant!" masayang sabi ng OB na tumingin sakin. Malungkot naman akong tumingin kay Vhan. Hinaplos nya ang pisngi ko na tila ba sinasabing magiging okey din ang lahat. Pagkalabas ng OB ay bigla nalang akong napakayakap kay Vhan at umiyak.
Magkahalong saya at lungkot ang bumalot sakin. Masaya dahil buntis ako. Sigurado akong matutuwa si Ivan kapag nalaman nya. Malungkot dahil wala sya sa tabi ko ng malaman ko ang magandang balitang ito.
"Salamat Vhan. Palagi kang nandyan sa tuwing kailangan kita. Hindi ko na alam kung paano ako makakabayad sa mga kabutihan mo sakin." naramdaman ko ang paghaplos nya sa likod ko.
"Wala akong ibang gusto kundi ang sumaya ka. Yun lang Steph. Gusto ko sa tuwing makikita kita palagi kong masisilayan ang maganda mong ngiti. Dahil sa tuwing nakangiti ka. Nagbibigay ito ng kaligayahan sa puso ko. At sa tuwing umiiyak at malungkot ka. Unti unting namamatay ang puso ko."
"Vhan.. Bakit ganyan ka. Bakit minahal mo ako ng sobra sobra. Kahit alam mong hindi ko naman masusuklian ang pagmamahal mo."
"Ang pagmamahal ay hindi kagaya ng salapi Steph. Hindi porke nagbayad ka. Palagi ka nalang maghihintay ng sukli. Minsan kahit sobra pa ang naibabayad natin. Nakadepende padin ito sa tindera kung ibabalik ba nya ang sobra sa ibibayad natin."
Umiling ako dahil hindi padin ako makapaniwala. Na may isang tao na mahal na mahal ako. At handang manatili sa tabi ko kahit pa nasasaktan na sya.
"Isipin mo nalang na ako ikaw Steph. Ni minsan ba kinuwestyon mo ang pagmamahal mo para sa kapatid ko? Natanong mo naba sa sarili mo kung bakit kahit nasasaktan kana ayaw mo padin umalis sa tabi nya? Na sa kabila ng lahat ng sakit na napagdadaanan mo mas gugustuhin mo padin manatili kasama sya kesa ang mabuhay na wala sya?" umiiyak ako dahil ang totoo kahit kailan ay di ko naisip na iwanan si Ivan kahit nasasaktan na ako. Palagi akong naghihintay na darating ang araw na puro saya nalang ang mararamdaman ko kasama sya. Ganun naman diba? Pagkatapos ng ulan palaging may kasunod na bahaghari.
"Im sorry Vhan. Im sorry." alam ko nasasaktan din sya kagaya ko. Pero nandito padin sya at hindi ako sinusukuan.
"Shhh. Wag ka ng umiyak. Makakasama sa baby. Naalala mo ba yung sinabi ng OB kanina? Bawal kang ma stress kaya tahan na."
Hindi lang pala magiging mabuting asawa si Vhan. Magiging mabuti din syang ama. Sayang talaga....
"Halika. May pupuntahan tayo. At sigurado ako magugustuhan mo doon." nakangiting sabi ni Vhan.
"Sige." kumapit ako sa braso nya at sumabay sa paglakad nya. Napatingin sya sa kamay kong nakakapit sakanya pagkatapos ay nginitian ako.
___
❤IVAN POV❤
"ANONG SINABI MO!?" galit na tanong ko kay Lucas. Bumili kasi ako ng bagong cellphone para matawagan ko sya at kamustahin ang naiwan ko sa bahay.
[Kanina pa pong umaga umalis si Mam Stephanie kasama ang kakambal nyo. At hanggang ngayon po hindi padin sya bumabalik.] napahawak ako sa sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung nasaan sila at kung ano ang ginagawa nila.
Damn! Gusto ko ng umuwi!
"Hindi ba sinabi ko bantayan mo sya?! Bakit hinayaan mo syang sumama sa kapatid ko."
[Wala naman po kasi akong makitang masama sa gagawin nila. At isa pa po kapatid nyo ang kasama nya hindi naman po siguro gagawa ng masama ang kapatid nyo sa asawa ninyo. Mukha ngang babasaging kristal si Mam Stephanie kung ituring nya eh.]
Bwisit ka Lucas! Hintayin mo ako pag uwi ko.
"Tawagan mo kaagad ako kapag nakauwi ang asawa ko." Asawa ko. Right? Asawa ko si Stephanie..
Asawa? Yan ba ang tawag mo sa sarili mo? Kaya pala nandyan ka at nagpapakagago. sita ng isang bahagi ng isip ko.
"Pagkauwing pagkauwi ko. Aayusin ko ang gusot sa pagitan namin ni Stephanie." bulong ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang pinaka nakakairitang babae na nakilala ko sa buong mundo.
[Oh babe? Namiss mo kaagad ako] lalo pa akong nakaramdam ng inis ng marinig ko ang malanding boses nya. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi sya masigawan.
"Hindi mo paba pwedeng pirmahan ang kontrata? Kailangan ko ng makauwi."
[Dont worry. Pipirmahan ko na yan sa isang araw. Pero bago yun may hinanda akong sorpresa sayo. At sigurado ako matutuwa ka.] sabi nya sabay halakhak. Napakuyom nalang ako ng kamao. Gustong gusto ko talagang pilipitin ang leeg nya.
"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yan."
[Im sure. You will.]
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at dalawang araw nalang akong mananatili dito. Akala ko ay aabutin pa ng isang linggo. Anu kaya ang nakapag pabago sa isip ni Eizelle?
___
Someone's POV
Wala na akong pakielam kung ano man ang mangyayari sa araw na yun. Bakit ko pa papakawalan ang pagkakataon na makasama ko ang lalaking simula palang ay minahal ko na. Kaya lahat ay gagawin ko mapunta lang sya sakin.
Ngayon paba ako susuko kung kailan malapit ko na syang makuha?
Sinimsim ko ang alak na nakalagay sa may kopita ko. Napangiti ako dahil kagaya ng wine na iniinom ko. Ay nalalasahan ko na din ang tamis ng tagumpay ko.
Ngunit pait para sakanila.
Sisiguraduhin kong sa laro na to. Ako ang mananalo.
BINABASA MO ANG
MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETED
Fiksi UmumKasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesyal na araw kung saan ay makakasama na nila habang buhay ang lalaking minamahal nila. Ngunit hindi para kay Stephanie. Oo ang lalaking makaka...
