21

27.3K 530 17
                                    

[A/N : SORRY KUNG TINANGHALI AKONG NAG UPDATE. MEDYO MASAKIT KASI KATAWAN KO EH! ANG TANGA KO KASI, NAHULOG AKO NG WALA MAN LANG SUMALO. ✌]

HAPPY 5.34K READS! RANK # 34 PADIN ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION. THANK YOU SA INYO!


ENJOY READING! DONT FORGET TO VOTE AND LEAVE COMMENTS 😂

***

❤Chapter 21❤

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Hindi ito ang kwartong tinutuluyan ko, kundi ito ang Master's bed room na dapat ay kaming dalawa ni Ivan ang magkasama. At dahil nga ayaw nya sakin. Kaya sa ibang kwarto ako natutulog.


Unti unti akong bumangon sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama. Naramdaman ko padin ang pagkirot sa pagitan ng hita ko. Hindi pa din ako makapaniwala! May nangyari samin dalawa ni Ivan. At masaya ako dahil napatunayan ko na sakanya na mali ang iniisip nya.


Napatingin ako sa katawan ko at dun ko lang napansin na nakasuot na pala ako ng isang malaking t-shirt na sigurado akong pag aari ni Ivan. Gusto ko ng kiligin sa isiping ang damit na suot suot ko ngayon ay damit mismo ni Ivan.


Natigil ang pagmumuni muni ko ng bumukas ang pinto at iluwa si Ivan na nakatopless habang hawak hawak ang isang tray na may pagkain. Nang mapansin nitong nakatingin ako sakanya ay nginitian nya ako.

Nginitian nya ako?! Syet! Nananaginip ba ako ng gising? Pwede ba. Pakisampal naman ako! piping hiling ko. At dahil alam kong walang gagawa nun para sakin ay ako na mismo ang sumampal sa pisngi ko. Not once. But twice!


"Hey! What are you doing?" gulat na sabi ni Ivan na nakalapit na pala sakin. "Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" nag aalalang sabi nya sabay haplos sa pisngi ko na sigurado akong namumula na. Dahil nararamdaman ko pa ang sakit ng ginawa kong pagsampal dito.


"Sinisigurado ko lang na hindi ako nananaginip." nakayukong sabi ko. Narinig ko naman ang marahan na pagtawa ni Ivan kaya napaangat ako ng ulo para tingnan sya.


Nakita ko syang lumingon sa kaliwa at napangisi sabay kagat ng pang ibabang labi. Oh shit! Oxygen please! Pakiramdam ko kakapusin na ako ng hangin dahil sa ginawang yun ni Ivan!


"So? Iniisip mo palang panaginip lang ang nangyari satin kagabi? Imbes na saktan mo ang sarili mo. Bakit kaya di mo nalang pakiramdaman ang masakit na parte sa pagitan ng hita mo." sabi nya sabay tingin sa akin. Pinamulahan naman ako ng mukha dahil alam ko na ang tinutukoy nya.



"Alam ko Steph. Pangit ang naging simula ng relasyon natin bilang mag asawa. At ngayon gusto kong itama ang lahat ng pagkakamaling yun. Sorry talaga sa mga nagawa kong kasalanan sayo noon. Promise. Babawi ako." sabi nya sabay dinampian ako ng halik sa noo.


Juice colored! Kung panaginip man to. Pwede po ba wag na akong magising para forever na kaming magkasama ni Ivan?



Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo ako para yakapin si Ivan. Ito ang matagal ko ng pinangarap ang maging asawa ko sya. Hindi lang sa papel. Kundi sya mismo.


"I love you Ivan. I love you so much! Masaya ako dahil kahit hindi mo man ako mahal ay handa ka padin pakisamahan ako bilang asawa mo. Salamat talaga." lumuluhang sabi ko. Luhang dala ng labis na kaligayahan.



"Hush baby. Kumain na tayo. Kung ayaw mong ikaw ang kainin ko." sabi nya sabay tawa.








"Sigurado ka Ivan? Gusto mo akong isabay sa pagpasok mo sa school?" tanong ko sakanya ngayong nandito na kami sa may garahe kung saan nakaparada ang sasakyan nya.



"Why? Ayaw mo ba?" nakataas ang kilay na sabi nya.



"Ofcourse. Gusto ko. Kaya lang ikaw ang iniisip ko. Maraming makakakita satin na magkasama at ayoko lang na kung ano ang isipin nila satin dalawa."



"Wala akong pakielam sa kahit anong iisipin at sasabihin nila. Asawa kita Steph. At gusto ko simula sa araw na to. Ako lang ang lalaking magiging kasama mo. Ako lang naiintindihan mo?"


"Okey."


"Ako ang kasabay mo sa pag uwi at pagpasok. Ako din ang kasabay mo maging sa lunch. Kapag niyaya ka ng kakambal ko. Reject his offer. Ako ang asawa mo Steph. Kaya dapat ang priority mo."



"Oo. Naiintindihan ko." sagot ko. Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sumakay nalang sa sasakyan nya.



Gaya ng inaaasahan ko. Pagbaba ko palang sa sasakyan ni Ivan. Pinagtitinginan na kami ng lahat. Bakit nga hindi? Kilalang playboy si Ivan. Idagdag pa ang tsismis na si Vhan ang asawa ko kaya sigurado balot ang mga mata nilang lahat sa pagtataka.



Naramdaman ko ang pagpisil ni Ivan sa kamay kong hawak hawak nya. Kaya napatingin ako sakanya. Tumingin din sya sakin at nginitian ako.


Laking pasalamat ko ng makarating ako sa classroom ng walang naririnig na bulungan. Siguro dahil natatakot sila kay Ivan. Sino bang hindi? Tingin palang nito nakakamatay na.



"Sabay tayong maglunch." sabi ni Ivan bago ako tuluyan iwanan sa classroom namin. Naglalakad na ako papunta sa upuan ko ng maramdaman kong may humila sa buhok ko.



"Bruha ka! Anung pinakain mo kay Ivan para bumait ng ganun sayo." kahit di ko tingnan ay kilala ko kung sino yun.


Pinakain? Shit! Bakit parang iba ang naging dating sakin ng sinabi ni Eizelle. Hinila ko sya papunta sa upuan ko.



"Pwede ba pakihinaan naman ang boses mo." sabi ko sakanya.



"Tsk! Wag mo akong libangin. Naghihintay ako ng sagot Stephanie!" nakataas ang kilay ni Eizelle.


Anung sasabihin ko sakanya? Na ako ang kinain ni Ivan!? Oh Ghad! Syempre hindi.
Bago pa man ako makasagot sa tanong ni Eizelle ay may marahas na humatak sa kamay ko palabas. Nang tingnan ko kung sino nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita si Ivan.



Ngunit ng humarap na ito sakin at makita ko ang mga mata nyang umaapoy sa galit ay dun ko lang napagtanto na hindi si Ivan ang may hatak hatak sakin kundi si Vhan.

***

At dahil late yung pag update ko. Hintayin nyo pa yung isa ^_^ Kain lang ako.

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon