30

19.9K 403 5
                                    

[A/N : SORRY KUNG DI KO NATUPAD YUNG PROMISE KONG MAGDODOUBLE UPDATE AKO NUNG LAST NA NAG UPDATE AKO. KASI SOBRANG BUSY KO. DI NA AKO MANGANGAKO. BABAWI NALANG AKO ^_^ HAPPY 19.6K READS! ENJOY READING!]

___

❤Chapter 30❤

Hay! Kung nakakamatay lang siguro ang pagkainip baka naghihingalo na ako kanina pa. Nakakainis naman kasi si Ivan. Buhat nung nalaman nyang nakipagkita ako kay Eizelle, kumuha sya ng body guard para bantayan ako. Napaka O.A!

Nahiga ako at kinuha ang cellphone ko. Nakakatamad din naman kasi mag facebook lalo na kung wala ka naman ka chat. Biglang parang may bombilyang nag flash sa tuktuk ng ulo ko. Malilibang ako kung magbabasa ako sa wattpad. Matagal tagal na din buhat ng nagbasa ako rito.

At dahil din sa wattpad kung bakit ako naniwala na may forever. Eh kasi naman, halos lahat ng lalaking fictional characters dito. Sobra kung magmahal. Sana ganito din magmahal si Ivan. Sana hindi nya rin ako kayang ipagpalit. At sana din kahit anung klaseng pagsubok pa ang dumating samin, kami pa din sa huli.


Napatayo ako ng may kumatok sa kwarto ko. Pinihit ko ang knob at bahagyang binuksan ang pinto para makita kung sino ang istorbo sa pagbabasa ko. Nasa kilig moments na ako kung saan hahalikan na ng lalaki yung babae at sasabihin na ang feelings nya para dito. Kainis talaga! Alam nyo ba yung feeling na nabitin kang kiligin?

"Why?" yamot na tanong ko kay Lucas. Yung body guard na kinuha ni Ivan para sakin.

"Ah mam. May bisita po kayong naghihintay sa baba." sagot ni Lucas.


"Okey. Pakisabi sandali lang." tumango naman sya at naglakad na palayo kung kaya sinara ko ang pintuan para makapagbihis.

Makalipas lang ang ilang sandali ay lumabas nadin ako para tingnan kung sino ang bisita kong sinasabi ni Lucas.


"Vhan?" tawag ko dito nang mapagsino ito. Ngumiti sya at tumayo para lumapit sakin ngunit agad syang napigilan ni Lucas. Sumenyas naman ako na okey lang kung kaya binitiwan din sya nito.

"Gusto sana kitang makausap Steph." sabi ni Vhan sabay sulyap kay Lucas. Nagets ko naman ang nais nyang iparating kung kaya sinenyasan ko si Lucas na iwan kami. Nung una ay ayaw nya pa akong sundin. Ngunit kalaunan ay tumalima din naman sya.


"Unang una Steph. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong kasalanan sayo. Pati nadin sa kapatid ko. Sorry kung masyado kong pinahalagahan ang nararamdaman ko kesa sa nararamdaman mo. Sana mapatawad mo ako." puno ng sinseridad na sabi ni Vhan.


Hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan ko sya. Mahal ko sya bilang kaibigan at mahalaga sya para sa akin kung kaya di ko sya kayang tiisin.


"Pinapatawad na kita Vhan. Alam ko wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang naman. Kung meron ka mang dapat sisihin dito. Yun ay ang pasaway na puso mo." nagulat ako ng hatakin nya ako palapit sakanya at yakapin. Naramdaman ko ang pagyugyug ng balikat nya. Umiiyak ba sya?


"Mahal kita Steph. Mahal na mahal. Pero alam kong ang kapatid ko ang mahal mo at alam ko din na sya ang kaligayahan mo. Kaya hahayaan na kita sakanya. Kung sakali man may dumating na pagsubok sa inyong dalawa. Sana wag mong bitawan ang kaligayahan mo. Sana makayanan mong lagpasan ang lahat ng ito. Kung sakali man hindi mo na kaya. Nandito lang ako para sayo. Bilang kaibigan at brother in law mo." bakit ganun? Pakiramdam ko merong inililihim sakin si Vhan. May problema kaming darating na alam nya? Bakit ganun?


"Hindi kita maintindihan Vhan." sabi ko at kumalas ako sa pagkakayakap nya. Nakita ko pa syang pinahid ang luha sa pisngi nya.


"Ang lahat ng relasyon Steph. Dumadaan sa pagsubok. Nasayo na lang kung bibitaw kaba at magpapatalo. Pero sana wag kang sumuko. Huwag mong hayaan na nakawin ng iba ang kaligayahan mo."



MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon