Kabanata 3
Sabay kaming lumabas ni Vhan ng room. Nahihiya akong tanggalin ang kamay nyang nakaakbay sakin kung kaya hinayaan ko nalang sya. Tutal ay sanay narin naman akong ginagawa nya iyon sakin.
Nang makarating na kami sa parking lot ay napatigil akong bigla. Nakita ko si Ivan na may kaakbay na babae at hinahalik halikan nya ito sa labi habang naglalakad papunta sa sasakyan nya.
Parang may kamay na pumiga ng ilang ulit sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ng mga oras na yun.
Gusto kong sumigaw at ipamukha sakanya ang kataksilan na ginagawa nya. Ngunit hindi ko kaya. Sya na mismo ang nag alis sakin ng karapatan na gawin yun. Una palang sinabi na nya iyon sakin.
Naramdaman ko nalang ang pagyakap ni Vhan sakin. At itinago nya ako sa dibdib nya. Mas lalo lang bumuhos ang luha ko dahil sa ginawa nya.
"Wag mo ng tingnan Steph. Masasaktan ka lang." rinig kong sabi ni Vhan.
Kung kaya ko nga lamang sanang patigilin ang mga luha ko ay ginawa ko na. Ngunit hindi. Dahil sa sobrang kirot na nanunuot sa puso ko. Ito ang nagtutulak sa mga luha ko na mas lalo pang umagos.
"Bakit ganon? Kahit naman ilan ulit ko na syang nakitang may kasamang ibang babae. Masakit pa din." umiiyak na tanong ko.
"Parang satin lang Steph. Kahit tanggap ko ng mahal mo ang kapatid mo at kasal kana sakanya. Masakit pa din."ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Mali na maging sandalan ko si Vhan dahil meron syang nararamdaman para sakin. Kaya alam kong nasasaktan sya dahil nakikita nya kung gaano ko kamahal ang kapatid nya
"Im sorry Vhan. Pwede bang next time nalang tayo mamasyal. Medyo sumama kasi pakiramdam ko eh." nahihiyang sabi ko.
"Okey lang. Hahatid nalang kita sa bahay nyo."alok nya.
"Sige. Salamat." sagot ko at sumakay na sa kotse nya.
Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Iniiwasan kong magsalita dahil pakiramdam ko lahat ng salitang lalabas sa bibig ko ay makakasakit kay Vhan. Kaya mas mabuti pang manahimik nalang ako.
"Steph. Hanggang kailan mo pagtitiisan ang ginagawa sayo ng kapatid ko?" biglang tanong ni Vhan na naging dahilan para lingunin ko sya.
"Habang mahal ko sya. Magtitiis ako." simpleng sagot ko. Na alam kong makakasakit kay Vhan ngunit nagsabi lang naman ako ng totoo.
"Napakaswerte nya. Sana pala ginaya ko ang style ni Ivan. Baka sakaling nagustuhan mo din ako." nakangiting sabi nya pero hindi naman ito umabot sa mata nya.
Hindi na ako nagsalita. Ayoko ng madagdagan pa ang lungkot ni Vhan. Lalo na at hindi natuloy ang pamamasyal namin.
Naiintindihan ko si Vhan dahil parehas lang kami ng sitwasyon. Minamahal nya ko habang minamahal ko ang kapatid nya. Nakakatawa lang dahil sadyang mapaglaro ang tadhana.
Bakit kailangang mahulog ang loob ko sa lalaking walang pagmamahal sakin?
Bakit kailangan kong magdusa ng ganito gayung nagmamahal lang naman ako?
"Wag mo akong tingnan na parang naaawa ka sakin Steph. Dahil sa totoo lang. Mas naaawa ako sa kalagayan mo." Nilingon ko si Vhan habang nakatutok parin ang mga mata nito sa daan.
"Pwede mo naman akong piliin at pagtutunang mahalin. Ngunit mas pinili mong masaktan."
Ako nga siguro ang nagpakomplikado ng lahat. Hawak ko ang desisyon para sa magiging buhay ko. Kung magiging masaya ba ako o miserable.
Ngunit pinili ko ang panghuli.
Ngayon ay hindi lang ako ang naging miserable.
Pati si Ivan at Vhan ay dinamay ko na rin.
Puro sarili ko lang ang inisip ko ng magdesisyon ako. Hindi ko naisip ang mararamdaman ng mga taong inapakan ko.
"Pinili mo nga ang lalaking mahal mo Steph. Pero tanong ko lang, masaya kaba? Masaya kabang makasama sya?" Tanong ni Vhan sakin. Bumuntong hininga ako bago sya nilingon at umiling.
"Masaya ako dahil asawa ko na ang lalaking mahal ko. Pero, hindi naman sya masaya na maging asawa ako. At sa araw araw na pinaparamdam nya iyon sakin.. Nasasaktan ako Vhan."
Kinalas nya ang seatbelt nya at niyakap ako ng mahigpit.
Wala naba akong ibang alam na gawin sa tuwing magkakasama kami kung hindi ang umiyak?
Ang maglabas ng mga hinanakit?
Nang makarating na kami sa bahay ay nagpaalam na kaagad si Vhan sa akin. Agad din naman ako pumasok sa loob.
Napahinto ako ng mapadaan ako sa kwarto ni Ivan. Itinapat ko ang tenga ko para mas marinig ko pa ng mabuti ang ingay na nanggagaling sa loob nito.
"Ohh! Shit ka Ivan. Ang galing mo! Make it harder and faster please." rinig kong sabi ng babae.
Patakbo akong nagpunta sa kwarto ko.
At doon ibinuhos ang luha ko.
Wala akong magawa upang ipaglaban ang karapatan ko sakanya.
Hindi ako makaangal sa lahat ng ginagawa nya.
Nagseselos ako ngunit wala akong lakas upang isatinig ang aking nararamdaman.
Asawa nya ako ngunit wala akong karapatan sakanya.
"Ivan.. Pakiusap.. Tama na." Humihikbing saad ko habang nakabaon ang mukha ko sa unan. "Please naman... Tigilan mo na ito.. Nasasaktan na ako..."
Ivan.. Pati ba naman dito sa bahay natin.. Nagdala ka ng babae mo?..
BINABASA MO ANG
MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETED
General FictionKasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesyal na araw kung saan ay makakasama na nila habang buhay ang lalaking minamahal nila. Ngunit hindi para kay Stephanie. Oo ang lalaking makaka...
