16

25.5K 557 31
                                    


❤Chapter 16❤

Napadilat ako bigla ng mata ng maramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko. Nang lingunin ko kung sino ang nakayakap sakin ay ganoon nalang ang inis na naramdaman ko. Anung ginagawa nya dito at bakit sya nakayakap sakin?


Sa pagkakatanda ko ay nasa school clinic palang ako. Kaya bakit di ko matandaan kung paano ako nakauwi. Ganoon ba ako katagal naka tulog?

Dahan dahan kong tinanggal ang braso nyang nakayakap sakin at sinimulan ko na syang gisingin.

"Vhan. Vhan." tawag ko sa pangalan nya sabay yugyog sakanya. Narinig ko ang pag ungol nya. Dahan dahan nadin syang nagmulat ng mata.


"Im sorry Steph. Nakatulog pala ako." sabi nya sabay bangon.


"Vhan. Salamat dahil hinatid mo ako. Pero kasi hindi magandang tingnan na narito ka sa kwarto ko at nakatabi sa akin sa higaan. Anu nalang ang iisipin ng kapatid mo kapag nakita tayo sa ganung posisyon?" gusto kong ipaintindi sakanya na hindi kami pwedeng palaging magkasama dahil may asawa na ako at kapatid pa nya.


"Im sorry Steph. Nag aalala lang naman kasi ako sayo kanina kaya hindi kita iniwan. Lalo na at wala ang kapatid ko dito para bantayan ka." nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi ni Vhan. Nag aalala sya sakin. Andun na ako eh. Kaya nga lang ayokong pag isipan ako ng kung ano ano ni Ivan.



"Okey lang. Halika na at ihahatid na kita sa labas." pag aaya ko sakanya. Nauna akong humakbang papunta sa pintuan at binuksan iyon. Habang nakasunod naman si Vhan sakin.


Nang makarating kami sa may gate ay agad ng nagpaalam si Vhan.


"Bye Steph. Kapag kailangan mo ako. Tumawag ka lang sakin." sabi nya sabay dinampian ako ng halik sa pisngi.



"Bye Vhan. Ingat ka." sabi ko sakanya sabay sara ng gate. Nang pagtalikod ko ay ganun nalang ang gulat ko ng may malaking bulto akong matamaan. "I-Ivan." nanginginig na tawag ko sakanya dahil sa takot na nararamdaman ko ng makita ko ang galit na titig nya sakin.


Hindi sya nagsalita dahil marahas nyang hinatak ang braso ko at pakaladkad akong hinila papasok sa loob.


"I-Ivan. Anu ba. Nasasaktan ako." sabi ko dahil nararamdaman ko na ang pamamanhid ng braso ko sa higpit ng pagkakahawak nya.


Pabalibag nya akong binitawan ng makarating na kami sa loob ng bahay.


"Kumuha ka ng alak at dalhin mo sa kwarto ko." sabi nya sabay talikod sakin. Naguguluhan man ako ay sinunod ko nalang ang gusto nya.



Nang makarating ako sa kwarto nya ay dire diretso akong pumasok sa loob dahil hindi naman nya sinara ang pinto. Naglakad sya palapit sa akin. Ang buong akala ko ay kukunin nya ang tray na hawak ko kaya ganun nalang ang pagtataka ko ng lampasan nya ako at dumiretso sa pintuan para isara at ilock ito.


"Ilagay mo na yan dun sa may lamesa." puno ng awrtoridad na sabi nya habang naglalakad papunta sa may couch. Nanginginig naman ang kamay ko habang ibinababa ang tray na may laman ng baso at alak.

Hahakbang na sana ako paalis ng bigla syang magsalita.


"At saan ka pupunta?" tanong nya habang nagsasalin ng alak sa baso nya.


"B-Bakit? M-May kailangan kapaba?" nauutal na sabi ko.


"Meron." simpleng sagot nya sabay lagok ng alak na nasa baso nya.


"A-Ano." puno ng kaba na taong ko. Dahil sa takot na nararamdaman ko ng magtama ang mga mata namin. Punong puno ito ng galit at poot.



"Ikaw." sabi nya sabay lagok ulit ng alak.



"A-Ako?" naguguluhang tanong ko.



"Strip! Aliwin mo ako!" nagulat ako dahil sa gusto nyang mangyari at dahil nadin sa pagsigaw nya.


Dahil sa sobrang gulat ko ay hindi ako makakilos. Nahihirapan ang utak ko na iproseso ang sinasabi nya. Ako? Maghuhubad at aaliwin sya?


"Bingi kaba?! Sabi ko maghubad ka!" nakasigaw padin na sabi nya. Mas lalong tumalim ang tingin na ipinupukol nya sakin.


Hindi ko kayang kumilos kung kaya nanatili akong nakatitig sa mga mata nya. Tumayo sya at pinunit ang suot kong damit na naging dahilan para tumambad sakanya ang dibdib ko. Kahit may suot akong bra ay nakaramdam padin ako ng hiya. Lalo na at hindi naman nakapatay ang ilaw sa kwarto nya kaya kitang kita nya ang katawan ko.


Halos manginig ako sa takot ng magmura sya kasabay ng paghagis nya ng basong hawak nya. Marahas nyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapadaing dahil sa sakit na naramdaman ko.


"Ginagawa nyo na nga! Nagpaiwan kapa ng palatandaan! Tang ina mo Stephanie! Napakalandi mo talaga!" sabi nya sabay tulak sakin. "Umalis ka na sa harapan ko habang nakakapagpigil pa ako. Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kapag nagdilim ang paningin ko." pagkasabi nya ay mabilis akong tumakbo palabas.


Pagdating ko sa kwarto ko ay dun ko binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko para mas matingnan ang pula na nasa dibdib ko. Halos mapamura ako sa hangin ng makita ito ng mabuti.





Kissmark? Paano ako nagkaroon nito sa dibdib ko?

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon