Kabanata 1

46.1K 850 31
                                    

Kabanata 1

"Steph. Yung asawa mo oh! Iba nanaman ang kasama." sabi ni Eizelle sabay turo kay Ivan.

"Wag mo na syang tingnan Eizelle. Baka awayin nanaman nya ako pagdating sa bahay." sabi ko sabay balik ng tingin sa pagkain ko.

"Kung hindi kaba naman kasi isa't kalahating tanga. Imbes na yung kakambal nyang si Vhan ang pakasalan mo. Bakit si Ivan pa na walang puso ang pinili mo. Magkamukha naman sila." inis na sabi ni Eizelle.

"Shhh. Wag kang maingay. Baka may makarinig sayo." suway ko sakanya sabay linga sa paligid kung may nakarinig ba sa sinabi ng kaibigan ko. Mabuti nalang at abala ang lahat sa pagkain.

"Tss. Alam mo Steph. Hindi na uso ang martir ngayon. Kung ako ang papipiliin. Aba! Kay Vhan na ako! Mabait na nga gentleman pa! Tingnan mo naman ang pinili mo. Badboy na nga. Playboy pa! Hay. Nasaan ba ang utak mo!" patuloy pa din si Eizelle sa pangangaral sakin.

"Zelle naman. Wag mo na akong pangaralan okey. Andyan na eh. Kasal na kami. Kaya please lang. Tama na."

"Tsk! Ayaw mo lang pangaralan kita. Dahil alam mong tama ako. Hay! Nagtataka talaga ako eh! Kung ano ba ang inayawan mo kay Vhan. Kumpara naman sa kakambal nya eh hamak na mas matino sya."

"Wag mong pagkumparahin ang chico at mabolo Zelle. Parehas man silang bilog. Magkaiba sila ng lasa." tumigil na ako sa pagkain dahil nawalan na ako ng gana.

"So ibig bang sabihin. Magkamukha man si Ivan at Vhan. Magkaiba sila. Ganun ba yun Steph?" nakataas na kilay na sabi ni Zelle.

"Oo. Kasi si Ivan mahal ko. Si Vhan. Kaibigan lang ang turing ko sakanya."

"Tangna! Ang tanga!" rinig kong bulong ni Zelle.

Siguro nga. Tanga ako. Anung magagawa ko? Kung kay Ivan tumibok ang puso ko at hindi kay Vhan.

"Wait lang Zelle. CR lang ako." paalam ko sakanya sabay tayo.

Patakbo akong tumungo sa cr upang pagtakpan ang luhang mabilis na dumadaloy sa mga mata ko.

Hindi ko masisisi si Ivan kung bakit sagad hanggang buto ang pagkasuklam nya sakin. Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag nalaman mong ikakasal ka sa babaeng hindi mo naman gusto.

Ako ang nagdala sakanya sa miserableng sitwasyon na to. Kaya handa kong tanggapin ang galit nya. Walang ibang may kasalanan nito kundi ako. Ako at ang puso ko.

"Daddy. Pwede po bang si Ivan nalang ang ikasal sakin at hindi si Vhan." nakayukong sabi ko kay Daddy habang kumakain kami ng hapunan. Tumigil sya sa pagkain upang sagutin ako.

"Bakit? Hindi ba si Vhan ang kaclose mo? Bakit si Ivan ang gusto mo." takang tanong ni Daddy.

"Daddy. Kasi po.. Gusto ko si Ivan. Kaya po kung papayag po kayo. Sya nalang po. Hindi po ba ang importante lang naman. Ang maikasal ako sa isang Quijano. Para magmerge ang kumpanya natin at ang sakanila. Kaya po gusto ko. Ikasal ako sa lalaking gusto ko." nakatitig ako kay Daddy para maipakita sakanya na seryoso ako sa sinasabi ko.


Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy. Alam kong nag iisip sya ng dapat sabihin.

"Sige. Kakausapin ko si Giovanni kung papayag ba si Ivan na magpakasal sayo. Napagkasunduan na kasi namin na si Vhan ang ikakasal sayo e." napayakap ako kay Daddy.

"Dad. Gawin nyo po ang lahat para si Ivan ang ikasal sakin. Please po."

Alam kong mali ang ginawa kong pagpipilit kay Daddy. Ngunit yun lang ang nag iisang paraan na alam ko para makasama ko sya. Siguro nga masyado akong naging desperada at sinamantala ko ang sitwasyon.

Galit na mukha ni Ivan ang lumabas sa sasakyan nya. Tinawagan nya kasi ako para makipag kita sakin. Marahas nyang hinawakan ang braso ko.

"Anong katangahan ba ang pumasok sa utak mo at ako ang napili mong magpakasal sayo hah!?" galit na sabi nya. Alam ko ang dahilan kung bakit nagagalit sya. Siguro ay nagkausap na si Tito Giovanni at Daddy na sya ang ipakasal sakin at hindi si Vhan.

"Aray. Ivan. Nasasaktan ako." lalo pang hinigpitan ni Ivan ang pagkakahawak sakin.

"Mas lalo kang masasaktan sakin kapag ipinilit mong ikasal ako sayo!"

"Okey lang na masaktan ako na ikaw ang dahilan Ivan. Kasi. Mahal naman kita." naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Ivan sakin. Ngunit nanatili ang galit nyang titig.

"Ayusin mo ang katangahan mo na yan Stephanie. Hindi kita mahal. Hindi kita kayang mahalin at kahit kailan di kita mamahalin. Kaya kung pwede lang. Wag mong ipilit ang sarili mo sakin. Si Vhan ang pakasalan mo. Wag ako." tumalikod sya at iniwan akong lumuluha.

Lumipas ang mga araw na hindi na nagparamdam pa sakin si Ivan. Sa tuwing bibisita ang mga magulang nya samin ay palaging si Vhan lang ang nakakasama nila. Palaging sinasabi nila Tito Giovanni na may biglaang lakad si Ivan kaya di ito nakasama. Ngunit alam ko sa sarili kong pinagtatakpan lamang nila ito. Mas malamang sa malamang na ayaw ako nitong makita.


"Steph. Bakit si Ivan? Bakit hindi ako?" nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Vhan ng tanungin nya ito sakin nang magka usap kami habang abala sa pagkukwentuhan ang mga magulang namin. Narito kami ngayon sa may hardin.

"Im sorry Vhan. Kasi—

"Mahal mo si Ivan? Mahal din naman kita Steph eh. Hindi ba pwedeng tayo nalang?" Nagulat ako sa biglaang pagtatapat nya ngunit wala ng makakapagpabago pa ng desisyon ko.

"Please. Vhan. Nakapagdesisyon na ako. Si Ivan ang gusto kong ikasal sakin dahil mahal ko sya. Kaibigan lang ang turing ko sayo Vhan. Hanggang doon lang." Alam kong masasaktan sya ngunit wala akong ibang pagpipilian.

Natawa si Vhan habang may namumuong luha sa mga mata nya. Tumingala sya para pigilan ang pagtulo nito.


"For 12 fucking years Steph. Ako ang kasama mo. Ako ang palaging nasa tabi mo. Samantalang si Ivan. Kahit tingnan ka hindi man lang nya magawa. Kaya bakit sya pa?"


"Hindi ko din alam Vhan. Ayaw kitang saktan pero alam ko nasaktan padin kita. Kaya sorry." niyakap nya ako ng mahigpit pagkatapos ay pinunasan ang luhang tumutulo mula sa mga mata nya.

"Hahayaan kitang magpakasal sa kakambal ko. Basta kapag hindi kana masaya sakanya. Nandito lang ako palagi. Naghihintay sayo."

"Salamat Vhan."

Hanggang sa sumapit na ang araw nang kasal naming dalawa ni Ivan. Sobrang saya ang naramdaman ko ng mga sandaling yun. Ngunit sandaling oras ko lang pala mararamdaman ang saya na yun. Dahil nang kami nalang dalawa ay tsaka nya pinakawalan ang galit na kinikimkim nya.


"YOU STUPID BITCH! YOULL GONNA PAY FOR THIS! I TOLD YOU I DONT LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU PERO IPINILIT MO PADIN ANG SARILI MO SAKIN! AT NGAYON IKINASAL AKO SAYO DAHIL HINDI KO KAYANG ITAKWIL AKO NG MAGULANG KO! KAYA HUMANDA KA! PAPAHIRAPAN KITA HANGGANG SA IKAW NA ANG SUMUKO AT IBALIK ANG KALAYAAN NA KINUHA MO MULA SA AKIN!"


Tila sariwa padin sakin ang lahat. Ang sakit ng mga bawat salitang binibitawan nya ay ramdam na ramdam ko parin. Isang taon palang buhat ng ikasal kami. At walang araw na hindi ako sinumbatan ni Ivan. Siguro nga tama sya. Wala akong puso dahil kinuha ko ang kalayaan nya. Pero sana maisip nya. Na ang puso ko matagal na nyang kinuha. Dahil tumitibok lamang ito para sakanya.

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon