55

19.6K 386 22
                                    

❤Chapter 55❤

Napalingon ako nang marinig kong magsalita si Daddy. Nakita ko pa ang pag iling iling nya.


"Mali ka ng pinili." tumingin ako sa lalaking nasa harap ko. Imposible! Kilalang kilala ko ang asawa ko! Hindi pwedeng magkamali ang puso ko.


"Nagsisinungaling ka Dad! Si Ivan itong nasa harap ko."


Sinenyasan ni Daddy ang isa sa tauhan nya at kinalas ang pagkakatakip sa bibig nito.



"Im sorry Steph. Pero si Vhan ako."


No! Iba ang sinasabi ng mata nya sa sinasabi ng bibig nya.



"Ivan! Anu bang sinasabi mo hah! Alam kong ikaw yan!" wala akong nagawa ng hawakan ako sa magkabilang kamay ng dalawang tauhan ni Daddy at ilayo ako sa lalaking sinasabi nilang si Vhan. "Bitiwan ninyo ako!"



"Sorry my daughter. Pero nagkamali ka. Theo, isakay mo na si Steph. Aalis na tayo."


"Daddy no!" sigaw ko at pilit kong nililingon ang dalawang lalaki na ngayon ay malaya na sa pagkakatali. "IVAN!! TULUNGAN MO KO!" ngunit wala man lang naging reaksyon ang asawa ko. Anu ba talagang nangyayari?


"Daddy! Huwag mo akong ilayo kay Ivan. Please.." pagmamakaawa ko.



"Kung mahal ka nya. Eh di sana tinulungan kana nya." tila nang iinis na sabi ni Daddy ng balingan ako. Tama sya. Dapat ay pinigilan ako ni Ivan pero hindi nya ginawa. Kaya wasak ang puso ko ng maupo ako sa loob ng eroplano.


Ito naba talaga ang katapusan ng lovestory naming dalawa. Ang lungkot naman.


Ipinikit ko ang mga mata ko at umaasang pagkagising ko ay isang bangungot lang pala ang lahat. Sana nga.




___
IVAN POV

"Tanga kaba?! Bakit hinayaan mong makaalis ang asawa mo!" inis na sabi ng kapatid ko. Habang ako ay nakatingala sa eroplanong kinaroroonan ng asawa ko. "Ang hindi ko pa maintindihan ay kung bakit nagsinungaling ka kay Steph! Tama sya na ikaw ang napili nya. Pero bakit sinabi mong ako ikaw?!"


Napangiti nalang ako ng mapait. "Malalaman mo rin. Pero hindi pa sa ngayon." sagot ko habang nakapamulsang nililisan ang lugar kung saan nawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko.


Gagawin ko ang lahat makuha lang kita ulit. Papatunayan kong karapat dapat ako para sayo...



____
STEPH POV

"I hate you Theo! I hate you!" isang linggo na ang nakakaraan buhat ng mapadpad kami sa isla na to! Hindi ko alam kung ano ba ang trip nila Daddy at dito ako dinala sa hindi ko alam kung saang parte ng Pilipinas ba kami naroon.


"Isang araw papasalamatan mo rin ako Steph." seryosong sabi nito sakin.



"Salamat Theo hah? Dahil isa ka sa mga taong naglayo sa kaligayahan ko. Kasal na kami eh! Kaya di ko alam kung ano ang drama ni Daddy para gawin pa to. Ni hindi man lang nya naisip ang nararamdaman ko. Si Ivan ang lahat lahat para sa akin Theo. I love him so much. At ang malayo ako sakanya ay nangangahulugan ng kamatayan ko!" tumakbo ako palabas ng bahay at nagpunta sa dagat.



Ang dami ko ng sakit na naranasan sa buhay ko. Tapos kung kailan malapit ko ng maabot ang kaligayahan na inaasam ko sa piling ng lalaking mahal ko ay tsaka naman nangyari ang kagaguhang ito.


Marahas kong pinahid ang luha na naglalandas sa pisngi ko. Kung hindi ko lang naiisip ang anak ko. Baka kanina pa ako lumusong sa dagat na to at nagpakalunod.



MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon