29

18K 361 22
                                    

❤Chapter 29❤

Alam kong magagalit si Ivan sa ginawa ko. Pero sobrang nilalamon na talaga ako ng kyuryosidad ko. Oo nga't may kasabihan na ang panaginip ay kabaligtaran ng mangyayari sa totoong buhay.


Pero ewan ko ba kung bakit dahil sa panaginip na yun. Nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Itinutok ko ang mata ko sa may pintuan ng coffee shop na sinabi ko kay Eizelle kung saan magkikita kaming dalawa.



Ganun nalang ang kaba ko ng makita ko sya. Ganitong ganito din kasi ang nangyari sa panaginip ko.



"Steph." masiglang bati sakin ni Eizelle sabay beso sakin.



"Zelle." ganting bati ko. Ngunit di ko magawang ngitian sya dahil naaalala ko nanaman ang panaginip ko.



"Oh kamusta? Bakit bigla kang nakipag kita sakin?" tanong ni Eizelle habang humuhigop sa kape nya.



"Zelle. Pwede ko bang makilala yung lalaki na gusto mo?" diretsong sabi ko sakanya. Natigilan naman si Eizelle sa sinabi ko at tumitig ng mariin sakin.


"Maniwala ka Stephanie. Hindi mo gugustuhing makilala sya." seryosong sabi ni Eizelle.


Bakit? Dahil ba si Ivan ang lalaking tinutukoy mo? Tanong ng isip ko na hindi ko naman magawang maisatinig.



"Pero gusto ko syang makilala." mariin na sabi ko.



"Ihanda mo muna ang sarili mo Steph. Bago kita ipakilala sakanya." makahulugan na sabi nya.



"Bakit kailangan kong ihanda ang sarili ko Eizelle? Kilala ko ba ang lalaking tinutukoy mo?" magkasunod na tanong ko.



Ngumisi sya at tumitig sakin. "Kilalang kilala." bigla nalang may bumundol sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi nya.




Kanina pa ako nakauwi dito sa bahay pero hindi pa din nawawala sa isip ko ang sinabi ni Eizelle. Ayokong isipin na si Ivan nga ang lalaking tinutukoy nya pero bakit may pakiramdam ako na sya ang tinukoy ni Eizelle. Umiling ako at tinanggal ang pangit na bagay na naglalaro sa isipan ko. Imposibleng si Ivan yun.


Napabangon ako sa pagkakahiga ng biglang bumukas ang pintuan sa kwarto namin ni Ivan.


Sumalubong sakin at pagod na itsura nya. Lumapit ako sakanya at yumakap. Sana lang ay mawala ang pagod nya sa pamamagitan ng ginawa ko.



"Mas mawawala ang pagod ko kung hahalikan mo ako." nakangiting sabi nya habang inaalis ang suot na neck tie.



Hindi ko naman mapigilan na mapangiti dahil sa sinabi nya. Kaya sinunod ko ang sinabi nya. Hinalikan ko sya para mawala ang pagod nya.



"Hay. Nakarelax talaga ang halik ng asawa ko."


"Magbihis kana para makakain na tayo." pag aaya ko sakanya.


"Sige. Hintayin mo na ako para sabay na tayong bumaba." sabi nya sabay halik sakin sa noo bago magpunta sa banyo. Nang maisara na nya ang pintuan ay napabuntong hininga nalang ako.



Malabong si Ivan ang sinasabi ni Eizelle. Nararamdaman ko ang pagmamahal sakin ni Ivan at yun ang nag iisang bagay na panghahawakan ko.



---
❤VHAN POV❤

Hinawakan ko sya ng marahas sa braso. Hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa nya. Narealize kong masyado pala akong makasarili para pagsirain ang relasyon ng kapatid ko at ni Steph.



Oo nga at mahal ko si Steph. Pero kung talagang ang kapatid ko ang mahal nya. Susuportahan ko sya. Hay! Bakit ba hindi pumasok ito sa isip ko noon. Bakit ngayon pa kung kaylan may nangyayari na sa kapatid ko at kay Eizelle. Sigurado ako masasaktan ng todo si Steph kapag nalaman nya.



"Pwede ba! Bitiwan mo nga ako." mariing sabi nya sabay hatak ng braso nya.



"Itigil mo na yan Eizelle!" may diin na sabi ko



"Itigil? Ngayon paba ako titigil kung kailan hawak kamay ko na ang pangarap ko."



Napahilamos nalang ako. Tang ina! Anu ba itong ginawa ko. Kahit tumigil ako. Hindi naman titigil ang babaeng nasa harap ko sa pang gugulo sa dalawa.



"Masaya na si Ivan at Steph. Wag mo na silang guluhin."



"Look who's talking? Sino kaya satin dalawa ang nakipag sabwatan sakin para lang sa pansariling kagustuhan? Baka nakakalimutan mo Vhan. Dahil sayo kaya ako napunta sa sitwasyon na to. Inutusan mo akong makipagkaibigan kay Stephanie para itulak sya palapit sayo. Pero dahil sa sobrang pagmamahal nya sa kapatid mo kaya natiis nya ang lahat." tila may panunuya at panunumbat na sabi nya.



Aminado naman ako. Na ako ang puno at dulo ng lahat ng ito. At sobrang nasasakran ako dahil maaaring masaktan ang babaeng mahal ko.



"Tumigil kana Eizelle. Dahil hindi ko hahayaan na masira mo si Ivan at Steph."



Tumawa sya ng malakas kung kaya mas lalo akong nairita.



"Sorry my dear. Pero huli na ang lahat. Malapit ng mapasa akin si Ivan at wala ka ng magagawa para pigilan pa yon."



"Eizelle."hinawakan ko ang kamay nya. "Tama na. Please?"


Ngunit di ko inaasahan ang gagawin nya. Niyakap nya ako ng mahigpit.




"Titigil lang ako. Kung mamahalin mo ako."


Tinulak ko sya palayo sakin. At binigyan ko sya ng di makapaniwalang tingin. Mamahalin sya? Nababaliw na ba sya?



"Akala ko ba kapatid ko ang mahal mo?" tanong ko sakanya.



"Kamukha mo sya. Kaya mahal din kita." nakangiting sabi nya. Napailing nalang ako. Nababaliw na nga sya.



"Look Eizelle. Kaibigan mo si Steph-


"She's not my friend! Kinaibigan ko sya dahil inutos mo! Galit ako sakanya dahil wala na syang tinira sakin! Kinuha nya kayong pareho kaya di ko hahayaan na maging masaya sya! Titigil lang ako kung isa sa inyo ni Ivan ang mapupunta sakin!" tumalikod sya at marahas na isinara ang pinto.


Anung gagawin ko ngayon? Kasalanan ko ito. Kailangan makaisip ako ng paraan para hindi magtagumpay si Eizelle sa mga balak nya.




---
[A/N : SORRY SA SHORT UPDATE ^_^ BAWI NALANG ULIT AKO MAMAYA. MAG A UPDATE PA AKO NG ISA PA AT MEDYO HAHABAAN KO NA......]




MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon