32

17.5K 354 38
                                    

❤Chapter 32❤


Kanina pa ako palakad lakad sa mall habang nakasunod naman ang body guard na kinuha ni Ivan para sakin. Hay! Para saan ba kasi at may bantay pa ako? Mafia boss ba sya at meron nagtatangka sa buhay ko?



"Lucas. Sa kotse ka nalang. Hintayin mo nalang ako dun." taboy ko sakanya. Ako kasi ang napapagod sa ginagawa nya eh.



"Ma'm mapapagalitan po kasi ako ni Sir Ivan kapag po hinayaan ko kayong mag isa." napaikot nalang ako ng mata.



"Anu kaba Lucas. Hindi ako makapili ng maayos dahil naiirita na ako sa pagsunod sunod mo. Huwag kang mag alala at hindi malalaman ni Ivan na iniwanan mo ako. Sige na. Dun kana sa kotse." iritadong sabi ko. Mukhang naramdaman naman ni Lucas ang pagkainis ko kung kaya sinunod nya ang sinabi ko.


Malapit na ang birthday ni Ivan. Gusto ko syang bilhan ng regalo ngunit hindi ko naman alam kung ano ba ang bibilhin ko para sakanya.


Nang matapat ako sa stall ng mga branded ba relo ay napagdesisyunan kong tingnan ang couple watch. Naakit naman akong bilhin ang isa sa mga ito. May relo na si Ivan pero mas maganda siguro kung magkaterno kami.


Nang makapili na ako ay agad kong binuksan ang pouch ko para kumuha ng perang pambayad ngunit bigla nalang may tumulak sakin kung kaya nabitawan ko ito at sumabog ang gamit ko sa sahig.



"Miss sorry. Ang gulo kasi nitong kasama ko." hinging paumanhin ng lalaki. Mukha namang nagsasabi sya ng totoo kung kaya tinanggap ko na ang sorry nya.



"Okey lang. Sa susunod mag iingat na kayo." sagot ko habang tinutulungan sya sa pagpulot ng gamit ko.



Pagka abot sakin ng binili kong couple watch ay nagpunta naman ako sa pizza parlor para bumili ng meryenda namin ni Lucas.


Nang matanaw nya ako ay nakita ko ang pagliwanag ng mukha nya. Siguro ay nakahinga sya ng maluwag dahil walang nangyaring masama sakin.


"Mam. Tara na ho. Kanina pa tawag ng tawag si Sir Ivan. Sabi ko nag cr lang ho kayo."


"Ganun ba? Sige. Tara na." sagot ko at pumasok na ako sa loob ng sasakyan.



Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakasimangot na mukha ni Ivan ang nabungaran ko.



"Kanina pa ako tumatawag sa cellphone mo pero di kita makontak." binuksan ko naman ang pouch ko para kunin ang cellphone ko. Nakita kong nakaoff ito dahil  siguro sa pagkakahulog kanina.



"Sorry. Naka off pala." nakangising sabi ko sabay peace sign. Pinindot ko naman ang switch nito para mag on at ibinalik sa pocuh ko. "Bakit nga pala maaga kang umuwi?" tanong ko habang binubuksan ko ang pizza. Lumakad ako papuntang kusina para magtimpla ng juice.



"Aalis mamayang madaling araw." nahinto naman ako sa ginagawa kong paghahalo.



"Saan ka pupunta?"tanong ko.



"Sa Singapore. Hindi kasi makabyahe papunta dito yung ka deal ko kung kaya ako ang pupunta sakanya." tumango ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.



Sa tuwing tayo ay nagtatalo,
Di ako nagbabago,
Lalo pang pinapakitang ayaw kang mawala.


"Ivan. Pakisagot naman yung phone ko. Nasa may pouch." sigaw ko habang naglalagay ng baso sa may tray.



Tumayo sya at kinuha ang pouch kong nasa may center table. Ngunit patuloy padin sa pagtunog ang cellphone ko.



"Ivan pak—" halos mabitiwan ko ang dala dala kong tray ng makita ko ang hawak hawak ni Ivan habang madilim ang mga matang nakatingin sakin.


MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon