37

17.8K 360 42
                                    

[A/N : NATUTUWA AKO SA MGA COMMENTS NYO ^_^… PARA SAINYONG LAHAT ANG CHAPTER NA TO..]

ENJOY READING!!

___
❤Chapter 37❤

VHAN POV

"Kyahh! Vhan! Ang ganda dito!" sigaw ni Stephanie pagkalabas nya sa sasakyan. Dahil sa sobrang saya nya ay napayakap sya sakin.


No Steph. Ikaw lang ang nag iisang bagay na maganda sa paningin ko.


"Oo nga. Ang ganda nga." sagot ko habang nakatitig sakanya. Napatingin naman sya sakin kung kaya nagtama ang mga mata namin. Ngumiti sya at hinampas ako sa braso.



"Sakin ka nakatingin eh!" nakangiting sabi nya sabay irap.



"Dahil mas maganda ka pa sa lugar na to." napabusangot naman sya dahil sa sinabi ko.



"Pwede ba Ivan Troy! Wag mo na nga akong bolahin!" tumawa lang ako at inilabas ang pagkain na binili namin at naglatag ng telang pula.



Niyaya ko si Steph dito sa Antipolo heights dahil makakabuti para sakanya ang makalanghap ng sariwang hangin. Mas mabuti din ito para naman malibang sya at makalimutan kahit sandali ang problema nila ng kapatid ko.



"Vhan. Bakit wala yung pinabili kong chocolate?" nakasimangot na sabi ni Ateph habang kinakalkal ang mga pinamili namin.


Pinisil ko ang ilong nya. "Sabi ni Doktora bawal kang kumain ng matatamis."


Steph. Tigilan mo na ang pag pout mo please. Baka di ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan kita.


Hindi ko na alam kung ilang ulit akong lumunok habang tinitingnan syang kumakain. Nakakaakit kasi ang labi nyang gumagalaw habang ngumunguya.


"Gusto mo?" alok nya sakin ng kinakain nyang Carbonara.


"Sayo nalang. Busog pa ako eh." napatingin naman sya sakin na nakakunot ng noo.



"Busog? Eh wala ka pa ngang kinakain eh!"



"Makita lang kita. Busog na ako." nakangiting sabi ko. Pinanlakihan naman nya ako ng mata at inirapan.



"Mga banat mo Ivan Troy."



"Hindi yun banat noh! Totoo yon."


"Aisus! Mukha mo!" inikot nya ang tinidor sa pasta ng carbonara habang nakatingin sakin at nakangiti. Nagulat ako ng itutok nya sa bibig ko ang tinidor. "AH! Dali na!" nang magets ko ang ibig nyang sabihin ay nakaramdam ako ng hiya.


Totoo ba to? Susubuan ako ni Steph?


"Anu kaba. Okey lang ako. Busog pa talaga ako." tanggi ko. Kahit ang totoo ay naaakit na akong isubo ang pagkain na ibinibigay nya.


Bigla nalang namula ang mga mata ni Steph at nagkaroon ng nakapondong luha. Shit! Iiyak ba sya.


"Steph. Are you okey? May masakit ba sayo?" puno ng pag aalalang tanong ko.



"I hate you Vhan! I hate you!" umiiyak na sabi nya sabay tayo. Teka! Galit ba sya sakin? Wala naman akong ginagawa ah?



"Steph! Sandali lang!" habol ko sakanya. Tumakbo sya na tila nakalimutan nang buntis sya. " Steph! Huwag kang tumakbo! Baka mapano si Baby!" napahinto naman sya ng marinig ang sinabi ko. Sa wakas at naabutan ko na sya.


"Bakit kaba nagagalit?" hinihingal na tanong ko.



"Ayaw mo kasing kainin yung ibinibigay ko eh! Masarap naman." humihikbi na sabi nya. Niyakap ko naman sya at inalo.


"Tahan na. Sige. Kakainin ko na." napaangat sya ng ulo at ngumiti. Hays! Ganito ba talaga kapag buntis. Paiba iba ang mood.


"Talaga? Yehey!!" napailing nalang ako habang nakasunod sakanyang paglakad.



I love you Stephanie.. Sana ako nalang ang nag iisang IVAN na nakilala mo..


___
STEPH POV

Tawa ako ng tawa habang pinapanood ko si Vhan na kumakain ng Carbonara na nilagyan ko ng Ketchup. Nakakatuwa kasi talaga ang itsura nya eh.


"Eto pa oh! Ubusin mo." sabay lagay pa ulit sa plato nya.


"Steph! Tama na. Hindi ko na kaya." namumulang sabi nya. Nawala ang ngiti sa mga labi ko at nag umpisa nanaman mag ulap ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ni Vhan at dali daling kinuha ang pagkain na inaabot ko sakanya. "Wag ka na umiyak. Eto na nga oh. Kakainin ko na."


Awtomatiko namang umurong ang luha ko at napangiti.


Ack! Ack!

"Vhan! Anung nangyari?" dali dali kong dinaluhan si Vhan ng makita ko syang nagsusuka. Inabutan ko sya ng bottled water at panyo.


"Okey lang ako. Nasobrahan lang ako sa busog." bigla nalang akong nakaramdam ng guilt dahil kasalanan ko. Kung hindi ko sya pinilit ubusin ang Carbonara na may Ketchup ay hindi sana sya magsusuka. Niyakap ko sya mula sa likuran. Naramdaman ko naman na tila natigilan sya.


"Im sorry Vhan. "


"Huwag kang magsorry. Okey lang yun." iniharap nya ako sakanya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tinatangay ng hangin. "Halika na Steph. Ihahatid na kita."


Tumango nalang ako at tinulungan syang ayusin ang mga pinagkainan namin.


Habang nasa sasakyan ay pinagmamasdan ko si Vhan. Magkamukhang magkamukha talaga sila ni Ivan. Yun nga lang magkaiba sila ng ugali. Palangiti si Vhan habang si Ivan naman ay palaging nakasimangot.


Napabuntong hininga nalang ako. Si Ivan ang asawa ko pero bakit pakiramdam ko ang layo layo ng loob nya sakin. Bakit pakiramdam ko hindi nya ako totoong mahal dahil hindi nya ako kayang paniwalaan. Habang si Vhan naman ay may tenga na handang makinig sakin. May balikat na palaging nandyan sa tuwing iiyak ako. At may puso na walang sawang nagmamahal sakin.


Gusto ko ng magalit kay Kupido. Bakit hindi nalang si Vhan ang pinana nya kapares ng puso ko para hindi ako nasasaktan ng ganito. Bakit kailangan na kay Ivan pa na walang puso ako mainlove ng ganito na walang ibang ginawa kundi ang pasakitan ako.


"Steph. Kung inaantok ka matulog kana dahil malayo layo pa ang byahe natin." tila naman hudyat iyon at kusang namigat ang mga mata ko at pumikit.


___
IVAN POV

Halos malukot ang beer in can na iniinom ko habang tinitingnan ko ang picture sa cellphone ko na ipinadala ni Lucas.


Buhat buhat ng kapatid ko ang asawa ko!


Wala na akong sinayang na oras at kaagad kong tinawagan si Lucas.


[Sir.] bungad nya.


"Kadarating lang ba nila?" inis na tanong ko.


[Opo Sir.]



"Ang kapatid ko? Nandyan paba?" tanong ko.



[Opo. Hinatid po si Mam Steph sa kwarto ninyo.]

Fuck you ka Lucas! Humanda ka talaga sakin pagbalik ko!


"Bakit hindi mo sya sinamahan?!" galit na sabi ko.



[Eh Sir. Wala naman po sigurong masama kung ihatid ng bayaw nya ang hipag nya. At saka wala po ba kayong tiwala sa kapatid nyo? Mukha naman po syang mabait eh. Kasi magkamukha kayo.]


Naihagis ko nalang ang beer na iniinom ko. Wala talagang kwentang kausap tong Lucas nato! Wala din syang ibang ginawa kundi ang baliwin ako sa pag iisip sa asawa ko at sa kapatid ko.



Isang araw nalang. Makakauwi na ako.



See you soon my wife.....


MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon