Kabanata 5
Kahit alam kong gabi na ay napag desisyunan ko parin na lumabas. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Masyado ng magulo ang isip ko.
Ayoko ng isipin kung nasaan ba si Ivan at kung ano ba ginagawa nya. Kung sino ba ang kasama nya.
Naupo ako sa may pool at ibinabad ang paa ko. Anu ba ang kadiri diri sakin? Buong buhay ko sya lang ang nag iisang lalaki na hinangaan at minahal ko. Kahit na masama ang impresyon sakanya ng iba. Para sa akin ay isa syang perpektong lalaki.
Nung mga bata palang kami. Mas madalas na kalaro ko si Vhan kesa sakanya. Noong una ay nakikilaro sya sa amin ngunit kalaunan ay bigla nalang syang lumayo at sumama sa mga batang mahilig sa pagbabanda na hanggang ngayon ay hilig pa din nya.
Nang matutong mag gitara si Ivan ay mas lalo ko pa syang hinangaan. Magaling din syang magdrum at mayroong magandang boses. Natatandaan ko pa nung nasa highschool kami. Nagkaroon sila ng mini concert sa school. Halos hindi ko alam kung paano ang tili na gagawin ko dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko.
Naging stalker din ako ni Ivan. Madalas akong maghulog ng sulat sa locker nya. Kung minsan ay naglalagay din ako ng cake o kaya ay bulaklak sa upuan nya kapag walang tao sa classroom nila.
Pinahid ko ang luhang nagsimulang tumulo sa mata ko.
Wala pa yun sa mga katangahan na nagawa ko ngayong college na kami. Palagi kong palihim na sinusundan si Ivan kung saan sya nagpupunta. Nasubukan ko pang gumawa ng poser acc para lang maka chat sya. Sa tuwing may gig sila palaging nandun ako, palihim na nanonood sakanya. At ang pinaka malala sa lahat. Ay ang lumuhod pa ako sa harap nya para lang pakasalan nya ako.
Masasabi nyo siguro na nababaliw na ako. Na nagpapakatanga ako para lang sa isang tao na wala naman pagtingin sakin. Daig ko pa ang isang basahan kung pandirihan ni Ivan. Pero alam nyo bang kahit masakit ang paraan ng paghalik ni Ivan sakin. Yun ang kauna unahang pagkakataon na hinalikan nya ako. Kaya sobrang saya ang nararamdaman ko.
Dahil nung kinasal kami kunwari lang na hinalikan nya ako pero hindi. Dahil ang ginawa nya ay ang pagsalitaam ako ng kung ano ano habang nasa simbahan kami.
Natigil ako sa pagmumuni muni ko ng may maramdaman na tela na bumalot sa katawan ko. At ganun nalang ang saya ko ng makita si Ivan.
"Salamat. I-Ivan." nauutal na sabi ko.
"Sorry Steph. Pero hindi ako si Ivan. Si Vhan to." sabi nya sabay naupo sa tabi ko. Sobrang nadismaya ako sa nalaman ko. Bakit pa nga ba ako umaasa na ang asawa ko ang narito upang abutan ako ng balabal?
"Sorry. Medyo madilim kasi kaya di ko napansin.Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.
"Nakita ko kasi si Ivan na nagcheck in sa hotel na may kasamang babae. Kaya naisip ko na wala kang kasama kaya nagpunta kaagad ako dito."
"Paano mo naman nakita si Ivan." takang tanong ko.
"Katapat lang ng hotel na yun ang bar na pinuntahan ko. Kaya nakita ko sya." simpleng sabi nya.
Kaagad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Ano pa nga bang aasahan ko kay Ivan? Mas gusto nyang makasiping ang iba't ibang babae kesa sakin na asawa nya.
"Ganoon ba. Ahm. Pasensya kana Vhan ha. Pero kasi gabi na din kaya kailangan ko ng pumasok sa loob." pag iwas ko sakanya. Tatayo na sana ako ng higitin nya ang batok ko at siilin ako ng halik sa labi.
Dahil sa gulat ko kaya hindi ako makakilos kaagad. Nablangko ang utak ko kaya hindi ako makapag isip ng maayos. Ngunit tila ako bumalik sa totoong mundo ng sabay kaming mahulog ni Vhan sa pool.
Nag aapoy sa galit ang mga mata ni Ivan habang nakatingin samin. Akala ko ba nasa isang hotel sya?
"Mukhang kailangan nyo ng tubig. Dahil nag iinit na kayo." Nakapa meywang na sabi nito.
"Sa susunod na maglalandian kayo. Wag nyong hahayaan na may makakita sainyo para di kayo mabitin." sabi nya sabay talikod at naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETED
General FictionKasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesyal na araw kung saan ay makakasama na nila habang buhay ang lalaking minamahal nila. Ngunit hindi para kay Stephanie. Oo ang lalaking makaka...
